Chapter 14

600 2 0
                                    

CHAPTER 14

A/N: THANKS FOR READING!!^^. GRABE NAKAKAOVERWHELM KAPAG NAKAKABASA NG IILANG COMMENTS FROM YOU GUYS. THANK YOU FOR LIFTING ME UP,KSYO SNG DAHILAN KUNG BAKIT SINISIPAG AKONG MAGSULAT. LOVE YOU ALL❤️

~~~~~~~

GUMABI NA'T LAHAT LAHAT WALA PA RIN SI LEANDER. Nagpaalam siya kanina kahit wala naman akong pakialam. Pumunta siya sa city hall at may aasikasuhin daw. Gusto ko ng umuwi kaya lang hindi ko alam kung saan makakalabas sa village na 'to.

Wala rin akong dalang pera pamasahe pero pwede naman siguro akong manghiram muna?

Nagwalis ako at naghugas ng plato. Ngayon naman ay pupunasan ko nalang ang mga display doon sa sala para kahit papaano may naitulong ako. Hindi ko alam pero nasanay na kasi ako na palaging may ginagawa sa bahay. Miss ko na rin si Gun.

Habang nagpupunas ay nasilayan ko ang family picture ng Saunders. Napatigil ako nang mahawakan ang isang frame.

"Ito yung lalaking kahawak-kamay ni Miabella sa picture ah?" tanong ko sa sarili at dinukot ang cellphone mula sa bulsa.

Sinuri ko ang lalaki sa picture at sa cellphone ko. At tama ako!

May pagkakahawig ang batang lalaki sa lalaking kasama ni Miabella! Baka coincidence lang?

*PEEP-PEEP!*

NARINIG KO ANG BIGLAANG PAGBUSINA NG KUNGSINONG ANIMÁL SA LABAS DAHILAN KUNG BAKIT AKSIDENTENG DUMULAS ANG FRAME MULA SA KAMAY KO AT NABASAG. Napangiwi ako sa nangyari. Akmang dadamputin ko na ito ay bumukas ang pinto.

"Lucy—-" May sasabihin ata sana siya kaya lang nang makita akong nakabasag ng frame, nawalan ng emosyon ang mukha niya.

Lagot.

"S-sorry. Hindi ko naman sinasadyang m-mabasag."

Tumunog ang mabibigat niyang paa sa tiles palapit sa akin. Natataranta kong dinampot ang mga bubog dahil sa mabigat na presensyang ibinibigay niya. Nabigla ako nang hawiin noya ang katawan ko dahilan para mapunta ako sa pareho niyang baso.

Kinakabahan ko siyang tiningnan at agad na napayuko dahil sa matatalim niyang ekspresyon.

Hindi ko naman sinasadya eh! Magkano ba 'yung frame na 'yon? Palitan na nalang niya o kaya bayaran ko nalang.

Naglakad siya papunta kusina at tumigil sa harap ng basurahan. Itatapon niya ako?

"Anong tinutunga-tunganga mo d'yan? Itapon mo 'yang hawak mong bubog." aniya.

I made a face as I throw those pieces. He looked at me with annoyance when he saw me mocking his emotions. Mahina kong sinampal ang pisngi niya. "Wag mo nga akong tingnan ng ganyan! Oo nakabasag ako pero 'wag mo naman akong tingnan na parang iyon ang dahilan para pátayin mo ako."atungal ko.

Iritable niya akong tiningnan. Hinagis niya ako saglit sa ere kaya napasigaw ako. "HOY!!" Ngumisi lang siya at naglakad patungo sa kanyang kwarto, buhat-buhat ako.

Napapitlag ako nang akmang bubuksan niya ang pintuan. "Anong gagawin mo sa 'kin?" tarantang ngumiti ako para maitago ang kaba.

Hindi pa ako ready para dito!

Napaismid siya. "Baka ikaw pa may gawin sa akin."mayabang niyang sagot.

My eyes rolled. "Mayaman ka naman kaya bumili ka ng liha nang numipis ang kakápalan ng mukha mo."

Tuluyan niyang binuksan ang kwarto at tumambad sa akin ang perfume nito. Kumpara sa ibang lalaki, mukhang mahilig si Leander sa brown. Ang dingding ay kulay beige habang ang bedsheet niya ay dark brown. May iilang display at painting din at iyon ay kulay brown. Kumpara sa kwartong pinag-stay-an ko kanina, mas malaki ang kanya kaysa sa akin. Siguro dahil mas organized ang mga gamit.

Dahan-dahan niya akong ibinaba sa kama at tinalikuran. Pumito-pito nalang ako habang inaantay siyang matapos sa kinukuha niya sa drawer.

Amoy na amoy ko ang shampoo ni Leander sa mga unan,pero hindi ko iyon napagtangkaang amuyin dahil humarap na siya sa akin.

Taka akong napatingin sa kanyang dalang kit.

"Hindi kita dinala dito para maging katulong ko." aniya.

Lumuhod siya sa harap ko. He slowly lifted my leg carefully to the top of his knee. Nanindig ang balahibo ko sa ginawa niya. Doon ko nasilayan ang dugóng dumadaloy mula sa isang sugat mula sa daplis ng bubog.

"Dahil sa simpleng paglilinis mo,nasugatan ka pa tuloy. " He said irritably as he frowned at the wound as if it was his fault. Mukha siya galit sa sugat pero maingat naman niya itong ginagamot.

Feeling ko espesyal ako sa moment na 'to.

Natatawa ang kaloob-looban ko sa kanya. Pero alam kong hindi lang tuwa ang nararamdaman ko.... dahil may halo itong saya.....

...

saya na dapat hindi ko nadarama.

————-—

LEANDER POV

Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Lucy na kinupkop ko siya.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now