68

425 3 0
                                    

CHAPTER 68

LEANDER'S POV
𝗙𝗟𝗔𝗦𝗛𝗕𝗔𝗖𝗞 (𝗠𝗘𝗠𝗢𝗥𝗜𝗘𝗦 𝗢𝗙 𝗬𝗢𝗨𝗡𝗚 𝗟𝗘𝗔𝗡𝗗𝗘𝗥)

"Papa..." Inabot ko ang kamay ni papa, nakikipag-usap siya kay Tito Porris at Dada Leander.

Bumaling si papa sa akin. "Pumunta ka muna sa kuya mo,Leander. May pinag-uusapan lamang kami ng mga 'to" Anas niya sa akin.

They were talking about the corporation. Nandito kami ngayon sa bahay ng mga Jaramillo. Palagi kaming bumibisita dito kasama si Dada Leander at ang asawa niya. Marangya ang buhay ng mga Jaramillo, hindi gaya namin at ng mga Alcuiz.

Sa pagkakaalam ko, kolehiyo pa lamang silang tatlo nang magkakilala sila. Porris Jaramillo, Anderson Saunders at Leander Alcuiz. Nabankrupt ang negosyo namin noong nakaraang taon lang, dalawa na kami ni kuya Leon kaya nagsusumikap si papa na buhayin kami sa pamamagitan ng pakikipagnegosyo kay Tito Porris at Dada Leander.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at inosenteng tinitingnan silang tatlo. Natatawa namang nakatingin si Dada sa akin at binuhat ako sa kanyang kandungan. I laughed when he tickled me.

"Dadaaaaaa!"

Natatawa naman kaming tiningnan ni papa. "Alam mo kasi Leander, mag-anak na rin kayo ni Helena. Kaunti na lang ay baka sumama na ang bunso ko sa 'yo, aagawan mo pa ako ng tagapagmana." Biro niya.

Napanguso naman ako. Mahal na mahal ako ni Dada Leander at Mimi Helena, kadalasan ay naroon nga ako sa bahay nila.

"Kapapanganak lang ni misis sa unang anak kong babae. Pahirapan dahil nakakarindi umiyak tuwing ala una ng madaling araw!" Kwento ni Tito Porris.

"Aba'y susundan mo pa ba?" Si Dada Leander.

Agad na umiling si Tito Porris. "Ayaw ko nang mahirapan pa si misis sa pagpapanganak at pagbubuntis. Tama na raw ang isa."

"Sa ating tatlo, si Leander na lang ang walang anak gayong mas matagal pa silang nagsama ni Helena kaysa sa amin ni Reina. Baóg ka ba?" Pang-aasar ni papa.

Tumawa naman si Dada. "Marami pang gustong makamit si Helena,Anderson. Kung magbubuntis agad siya sa anak namin ngayon... parang ikinulong ko lang siya sa akin sa pagkakaroon ng anak na hindi pa namin pinaplano."

Lumapit si Mimi Helena at mama sa mesa. Kinuha naman ako ni Mimi Helena sa kanyang asawa. I smiled.

"Ang bango-bango naman ng Leander na 'yan..." Ang boses niya ay tila anghel sa pagiging mahinhin.

"Ikaw nagpapaligo sa akin eh." Singit ni dada na ikinatawa nilang lahat, namumula namang napaiwas ng tingin si mimi.

Marahan niyang hinampas si dada saka ako binitbit papaalis doon.

Pumasok kami sa isang kwarto at naroon ang asawa ni Tito Porris. Naghehele siya ng isang bata.

"Oh Helena nakabalik ka agad. Kamusta Leander..." Masuyong bati ng ginang.

Ibinaba naman ako ni mimi. Lumapit ako sa bitbit na sanggol ng ginang. Maputi ang balat nito at mayroong namumulang pisngi.

"Siya si Promise Lillianna Jaramillo, Leander. Paglaki mo, aalagaan mo ang anak ko ha."

Pabiro naman akong hinila ni mimi at niyakap. "Hindi pwede Lily. Anak ko ang aalagaan ni Leander paglaki niya." She said,smiling and kíssing my cheeks.

𝗔𝗙𝗧𝗘𝗥 𝗧𝗪𝗢 𝗬𝗘𝗔𝗥𝗦

Naglalaro kami ni Daphne sa see-saw. Si Kuya Leon naman ang nakabantay sa amin. Kaklase ko si Daphne at wala na siyang mga magulang. Plano ni mama na kupkupin siya ngunit nakikipag-agawan si mimi Helena.

Kuya approached us. "Tama na 'yan, Leander. Halika Daphne,gagamutin ko ang sugat mo." Seryosong usal ni kuya.

Namumula namang sumama si Daphne sa kanya na may ngiti sa labi.

Iniwan nila ako sa playground at nakita sa hindi kalayuan si mama at mimi. Tumatakbo akong lumapit sa kanila.

Sa Villa na kami nakatira, unti-unti na kaming nakakabangon sa kahirapan dahil lumalago na ang itinayong korporasyon ni tito,papa at dada. Kasama namin sa Villa ang mag-asawang Alcuiz. May tuwa sa labi ko nang makita ang tiyan ni mama at mimi. Buntis sila pareho at halos sabay lang din ang due date nila.

"Leander!! Baka madapa ka." Nag-aalalang usal ni mama.

Nang makalapit ako ay hinalikan ko ang tiyan ni mama kasunod ang tiyan ni Mimi Helena. Nagulantang pa ako nang maramdaman na sumipa iyon. Mimi's eyes widen in shock and smiled genuinely after.

"Mukhang gustung-gusto ka nang kalaro ni Luxunasia,Leander."

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now