44

347 0 0
                                    

CHAPTER 44

NAGISING NALANG AKO SA HINDI KILALANG KWARTO. Agad akong napabangon at sinuri kung hubád ba ako ngunit nakapa ko ang damit ko sa ilalim ng kumot.

"Shít. Where's my clothes!" Natataranta kong sabi nang makita na hindi ito ang damit ko kagabi.

*TOK TOK TOK*

Bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Faust. He's wearing at white v-neck shirt with pants. Buhat-buhat niya ang bed table na punong-puno ng pagkain.

"Bakit nandito ako?" Napasapo ako sa ulo kong tanong.

He shrugged. "Dinakip ka ng mga alien at binalibag ka sa kama ko."

Binato ko siya ng unan na ikinatawa niya. "We're both drunk last night,remember?"aniya.

Oo nga pala. Wala akong gaanong maalala maliban nalang sa pagsuká ni Zea sa damit ni Pierce.

Binalingan ko ang suot ko. "Ikaw ang nagpalit sa akin?" Napapalunok kong sabi dahil sa hiya.

He stunned and looked at my night wear. Umiling siya. "Brave for you to say na kaya kong hubáran ka without your consent."

Nilapag niya ang pagkain sa harap ko. Kumagat ako ng tinapay at isinawsaw sa gatas.

"That's not what I mean. Where's my clothes? May nangyari ba sa atin?" Dire-diretso kong sabi.

Namula naman ang tainga niyang napaiwas ng tingin.

"Wala pa nga eh." Mapanuksong sabi nito.

Baliw.

~~~~

NANDITO KAMI NGAYON SA SKY RANCH. Hindi namin isinama si Future dahil na rin sa kagustuhan ni Faust. Nanatili ang bata sa tabi ng kanyang nanny dahil sa paglalakwatsa naming apat. Dinala kami ni Faust dito at inilibre pa dahil sa kakapalán ng mukha ni Zea.

Alas-diyes pa lang ng umaga kaya nagpahinga muna kami sa strawberry farm.

"Ah..." Sabi ni Faust para ibuka ko ang bibig ko, may nakaambang bagong pitas niyang strawberry sa labi ko kaya nginuya ko iyon.

Seryoso niya iyong ginawa, hindi ko namalayan na pinipicturan pala kami ng dalawa sa likod.

Matamis ang mga strawberry dito. Pumitas ako ng pumitas hanggang sa mapuno ang maliit kong basket. Pinapakain naman ni Faust sa akin ang mga napitas niya. Hindi tuloy kami maiwan-iwan nila Zea dahil baka magkaroon daw ng kapatid si Future.

Buong araw tuloy akong nakabusangot. Normal lang naman sa akin ang ginagawa ni Faust, para nga siyang kuya ko lang.

Nang mag-alas dos na ay nagkayayaan nang bumalik sa Sky Ranch. Patuloy na nagv-video sila Zea at Pierce kahit nasa viking kami.

"AHHHHHH!!" sigaw ko nang pataaa na nang pataas ang paghagis.

Natatawa namang pinapanood ni Faust ang reaksyon ko.

Pinagkukurot siya dahil doon. Nakakatakot pero masaya!

Sunod naming sinakyan ay ang ferris wheel,pagkatapos ay napailing ako nang sa Zip Line na ang puntahan namin.

"Ayoko d'yan!" ani ko.

Hindi naman gaanong kataas ang pags-slidan pero paano mung maputol yung tali?

"Ayos lang naman kahit mahulog ka baliw! Atleast marerealize mo na mas hot ka pa sa impyerno." Eksaheradang sabat ni Pierce na agad ding natigil dahil masamang tiningnan ni Faust.

WALA NA AKONG IBANG NAGAWA KUNDI ANG MAKISAKAY NA LANG. At hinding-hindi na ulit ako sasakay kahit kailan!!!

~~~~~~~~

Naglakad kami pauwi at madilim na ang paligid.

"Gagi mukha kang suyod dito Lucy." Natatawang asar ni Zea habang nag-eedit ng video.

"Bakit? Feeling mo okay 'yang itsura mo?" Asik ko sa kanya nang gawing memes niya ang picture ko.

Hinampas ko si Faust nang makitawa rin siya nang makita ang picture ko. Nang hahampasin ko sana ulit siya ay nahawakan niya ang kamay ko.

"YOU SEEM TO BE HAVING FUN HERE WHILE YOU ARE DRIVING ME CRAZY WORRYING AND THINKING ABOUT YOU IN MANILA, LUCY." His voice still sends shiver on my spine.

Hindi nagtama ang mga mata namin dahil matalim siyang nakatingin sa palapulsuhan kong hawak ng iba.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now