43

350 0 0
                                    

CHAPTER 43

NAGTATAWANAN kaming kumakain sa dagat. Naghanda si Faust ng isang maliit na salu-salo para sa aming lahat. Buhat-buhat ko si baby Future na pinaglalaruan ang buhok ko ngayon. Nag-aaway naman si Pierce at Zea sa gilid.

"Hi,Faust!" Maligayang bati ng babaeng naka white dress.

Alas-tres palang ng hapon kaya marami pa ring namamasyal. Pumulupot ang babaeng iyon sa braso ni Faust, malugod naman itong inalis ng lalaki. She pouted but still smiled. Napawi ang ngisi niya nang makita ako.

Nakataas ang kilay nito na pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Bumaling ulit siya kay Faust. "Bilib pa naman ako sa 'yo, Faust. Nakakadismaya lang kasi puro 'hipon' pala ang pinapatulan mo." aniya habang tumitingin din sa akin.

Narinig ni Zea iyon at napatayo kaya lang ay pinigilan siya ni Pierce.

"Ako na ba sasampál beh?"

Naguguluhan ko siyang tiningnan. "Bakit?" Umismid si Zea sa akin.

"Hipon ka raw."

Ako ba sinasabihan niya? Akala ko sarili niya.

Hindi ako nagsalita at nanatiling nakikipaglaro kay Future. Humagikhik ito nang kilitiin ko ang armpit at tagiliran niya. Hindi ko manlang naramdaman na nakalapit na pala si Faust sa amin na may dalang ihaw.

"Lusog lusog ng baby mo." Sabi ko habang mahinang pinipisil-pisil ang pisngi ni Future.

"Magaling kasi akong mag-alaga." Malalim na sabi niya at napaiwas ng tingin.

Nagpupuslit ng ngiti si Zea habang pinapanood kami. May tukso sa pagtingin niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Si Lucy alagaan mo nga. Pinapabayaan na kasi 'yan ngayon." Panunukso niya.

Faust chuckled.

Inis kong hinambalos si Zea na tatawa-tawa. Narinig ko ang pagdabog ng paa at mukhang ang babae iyon. Plastic siyang ngumiti sa akin at umupo sa tabi ni Faust. Agad namang lumayo ang lalaki at tumabi sa isa pang gilid ko.

Disappoinment filled on her.

She glared at me. Hala ka beh,bakit parang kasalanan ko pa.

"Hi. I'm Reese. Totoo pala yung sabi-sabi na pakalat-kalat ang hipon sa tabing-dagat." Pang-iinis niya.

Hindi ko na matiis kaya napataas ako ng kilay. Mabilis kong tiningnan ang ulo niya hanggang paa. May sumibol na ngisi agad sa labi niya. "Insecure ka ba sa maganda?"Sabi niya.

I chuckled and acted like humiliated. "Porket tiningnan ko ang ulo mo hanggang paa insecure na? Hindi ba pwedeng hinahanap ko lang ang pagkakaiba ng mukha mo sa paa mo?" She looked offended by my word.

Bumungisngis si Pierce sa gilid. Faust stood up and taken me away from that bítch. I did not do anything bad to her,she did it first.

Inabot ko si Future nang mag-usap ang ama niya at ang babaeng iyon. Napasinghap kaming tatlo nang makatikim ng sampal si Faust mula kay Reese.

Nagsimulang maglabas ng alak si Zea. Pumasok naman ako sa loob para makatakas sa inuman at magpalusot na aalagaan ko pa si Future. Kaya lang ay nahigit na ako ni Faust at dumating ang nanny nito. Ang mga barbeque ay ginawa naming pulutan at bigating mga alak pa ang tinira namin. Magkatabi kami ni Zea at si Faust naman ay katabi ni Pierce na nasa harapan ko lang. May campfire sa harap namin habang nags-shot si Zea.

INABOT KAMI HANGGANG BUMABA ANG ARAW AT PALITAN NG BUWAN. Namumungaw ang mga mata ni Pierce habang sinisipat ng tingin si Zea.

Si Faust naman ay tumatagay pa rin ng Jack Daniels.

Umiikot na ang paningin ko nang umamba pa akong tumayo. Nahagip naman ako agad ni Faust at mang dahil doon ay muntik na siyang mangudngod sa buhangin.

I laughed. "Muntik ka nang *hik" humalik sa lupa..." Napapapikit kong sabi na may ngiti sa labi.

I felt numb and dizzy. I wanna sleep.

He chuckled also. Nanatili ang kamay niya sa baywang ko at hindi na ako nag-abala pang alisin 'yon dahil sa pagkahilo. Naramdaman ko ang pagdikit ng daliri niya sa pisngi ko. "Ayos lang na masubsob ako kung sasakto naman sa labi mo." He whispered, I could smell the mixture of alcohol and menthol on his mouth.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now