59

348 0 0
                                    

CHAPTER 59

MAAGA AKONG NAKAUWI DAHIL MAAGA ANG DISMISSAL AT SARADO ANG MARACAFÉ NGAYON. Nasa tabi ko naman si Lathan dahil may pinuntahan si Daphne at nasa Malacañang naman ang daddy niya, kausap ang presidente.

"Tita Luschi, let's play wormy." Utas ni Lathan.

Inilahad niya ang iPad sa harap ko. Nandito kami ngayon sa living room. Nakakalat ang mga laruan niya sa lapag. Mostly lego,teddy bear, cars at automatic ang mga iyon... laruan pa lang niya ay pangkain ko na sa buong taon. High maintenance.

Tumawa ako. "You lose,Lathan." Ani ko, sumimangot naman ang bata sa akin.

"Then let's try it again,Tita. Even dad can't beat me here, how did you do that?" Nagpapatalo lang ama mo sa 'yo,ako hindi.

Umiling ako sa kanya at hinalíkan ang pisngi niya. "Pupuntahan ko pa ang dada Larence mo, I shouldn't play anymore—"

"I wanna come with you, Tita!"

I titled my head looking at him. He looked so excited. Sige na nga.

"You need to fix all your stuff first. Kukunin lang ni tita yung purse niya then we're good to go. Okay?"" Malambing kong sabi dito.

Mabilis naman itong tumango na mas ikinangiti ko. Ang sarap niyang kagatin.

~~~~~

"Hi... pwede bang bumisita kay mayor?" Saad ko sa telcom.

Voice message lang ito. Hindi kami pwedeng pumunta basta-basta doon sa opisina niya nang walang appointment. At dahil wala kaming appointment, aantayin nalang namin na magka-free time siya. Ngayon lang ulit ako bumisita sa city hall dahil simula nung sagutin ko siya, hindi kami lumalabas sa publiko basta-basta.

"Tita... tagal." Nakangusong sabi ni Lathan.

Inupo ko naman siya sa kandungan ko at hinantay ang sekretarya ni Leander sa sumagot. Pero wala mag-iisang oras na ay wala pa ring sumasagot. Napabuntung-hininga ako at tumayo. Nagugutom na ako at for sure si Lathan din.

"Tita Lucy will buy us some foods muna. Stay ka muna dito with Yaya Heidi,okay?"

Lathan slightly frowned before he nodded. Tumango ako kay Heidi para bantayan muna ang bata.

~~~~

"Dalawang sisig, five sandwiches, 2 DutchMilk strawberry flavors tapos tatlong Vitamilk please. Isang tubig na rin pala,thank you." Saad ko sa tindera.

Agad naman niyang kumuha ang mga bibilhin ko at nilagay sa plastic.

Pinunasan ko ang noo ko dahil sa init.

"Wow... Hi Lucy!"

Napalingon ako sa aking likuran at nakita si Faust na naka street attire. "Oh ba't nandito ka?"

"Sungit ah. Malapit lang ang hospital dito at isa pa hindi ako hinandaan ni Lillianna ng pagkain ko." Atungal niya.

"Sinong Lillianna?" I sounded confused.

Akala ko ba kay Sean 'to?

"Girlfriend ko. 'Wag ka makiusyoso sa buhay ng doktor." Saad niya at pinitik ang noo ko.

"Pawis ka? Sanay kasi sa aircon kaya gan'yan." Inirapan ko siya sa kanyang sinabi.

May kinuha siya sa bulsa. Isang panyo at pinunasan ang noo ko. Hinayaan ko siya. "Dapat hindi ka na naglalabas pa, Lucy." Maingat niyang sabi.

"Nagugutom na kami eh. Ang tagal kasi sumagot nung secretary ni Leander sa telcom."

Kumunot ang noo niya. "Bakit sa secretary ka tumatawag? Kapag nalaman 'yan ni Leander, magagalit 'yon!"

"Kaya nga hindi ako tumawag sa kanya dahil alam kong busy 'yon doon. Kapag tumawag ako for sure ibabakante niya ang oras niya!" Rason ko.

"Ewan ko sa 'yo. Tumingala ka." Utos niya, sinunod ko naman iyon at pinunasan niya ang leeg ko.

I felt him stiffen for unknown reason. Taka ko siyang tiningnan. He looked shocked about something at nag-iwas ng tingin. Tinanggal niya rin ang panyo sa akin.

"Eto na po ma'am."

"Ay! Sige Doc, una na ako." Tumango lang siya sa akin na may ngiti sa labi.

~~~~~~

NATAPOS NA KAMING KUMAIN AT DOON LANG PUMUNTA ANG SECRETARY SA AKIN. May simangot sa mukha nito at agad namang naalis nang makita kami.

Maganda ang kurba ng katawan niya. She's beautiful also and her lipstick were smudge.

"I'm sorry po na-late ako, Miss Aquino? Uh-- Miss Aquino nga. Medyo nag-away po kasi kami ni Mayor sa taas kaya.... Sorry po talaga." She said.

Sa tingin ko ay hindi niya ako kilala. She sounded not sorry at all.

I swallowed hard when I smelled Leander's perfume on her.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now