41

354 3 0
                                    

CHAPTER 41

LUCY'S POV

NAGHAHABULAN sa dagat si Pierce at Zea. Parang kahapon magkagalit sila ah?. I took some pictures of them using my camera. Kinuhanan ko rin ng litrato ang buwan. Nakasuot lamang ako ng t-shirt at bikini pantíes habang nakaupo sa buhanginan. Dinama ko ang malamig na hangin na tumatama sa aking balat.

Hanggang ngayon ay hindi ko binuksan ang phone ko. It felt rebel but this is my way to remove the pain. Hindi man lang niya nasabi sa akin ang tungkol kay Sean... samantalang ako? Nevermind.

"Grabe! Tumatawag si mayor,Lucy!" Napabalikwas ako nang sumigaw si Zea.

Kumunot naman ang noo ni Pierce. "We're dating,Zea."

"Dzuh! Sa tingin mo papatusin ko 'to? Hindi nagpaalam ang magaling na Aquino na sasama sa atin."

Sinamaan naman ako ng tingin ni Pierce. "May nangyari ba?"

"Wala..."

Hinugot ni Pierce ang phone ni Zea at nagpumindot bago ilapag sa harap ko ang telepono. Tahimik naman akong napasinghap nang makitang tinanggap pala niya ang tawag at naka-loud speaker pa!

"Hindi pa rin umuuwi si Lucy. Alam mo ba kung nasaan siya?"

Nagkatinginan kaming tatlo at masama ko silang sinipat ng tingin. "Hindi kami nagkausap kahapon pa. Nag-away ba kayo? Baka umuwi muna ng Bicol?" Napahinga ako ng maluwag nang nakakakumbinsi ang tono niya sa pagsasalita.

"Bicol?"

"Nandoon ang grandparents niya. Much better kung hanapin mo na agad dahil baka umuwing may bata sa tiyan 'yon." Siraulong sabi ni Zea.

Tinadyakan ko siya. Binelátan niya naman ako.

"Okay. Thank you." Malalim na sabi niya at ibinaba na ang tawag.

Ibinuga ko ang hangin na tinipon ko dahil doon. Kinalabit naman ako ni Pierce na may hawak na barbeque. Kinuha ko ang hawak niya at kinagatan agad.

"Nag-away ba kayo?" Usyoso nitong usal.

Umiling ako dahil iyon naman ang totoo. Hindi kami nag-away. Lumalayo lang ako.

"Weh? Kanina ka pa tahimik. May nangyari ba?"

Lumapit din si Zea at umupo sa kandungan ng lalaki. Lantaran na ang mga háyop na 'to ah.

"Kilala niyo si Sean?"

Nagkatinginan silang dalawa,kapwa naguguluhan. "Maraming Sean sa mundo beh." Sarkastikong sabi ni Zea.

"Yung tagapagmana ng Jara Hotel."

Her lips shaped an 'O'. "Si Sean Jaramillo? Don't tell me nagseselos ka doon ngayon? Na-link lang siya dati kay mayor kasi matagal nang magkakilala ang pamilya nila. Hindi ko lang sure kung legit yung chismis na naging sila..."

"N-narinig ko kanina na binigyan siya ng singsing ni Leander."

Nagkatinginan sila ulit ni Pierce.

"Baka naman regalo lang? Baka walang malisya?" si Pierce.

"Leander gave it to her when he found out that she's carrying a baby." Natahimik silang dalawa at halata sa mukha na hindi na nila alam ang sasabihin.

Pinaglaruan ko ang mga daliri ko at nanatiling nakatitig sa buwan.

May gumulong na bola sa paanan ko kaya napatingin ako doon. May isang lalaki ang papalapit at kinuha iyon. He's skin were tan and gorgeous. Matangkad din itong lalaki at halos magkapantay lang sila ni Leander kung susuriin. May maganda itong pangangatawan at ang bawat umbok ng mga ito ay nasa tamang bahagi. Amazement filled in his eyes while gazing me from head to foot.

"Hi miss, I'm Faust."

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now