29

405 1 0
                                    

CHAPTER 29

LUCY'S POV

HINDI KO NA KITA PA SI ZEA DAHIL HINDI NA SIYA LUMABAS NG ROOM. Hindi ko na rin siya pinilit pa dahil buong araw akong tulala sa pinangagagawa namin ni Leander kanina. Sana lang talaga walang nakakita. Tinakpan ko ang mukha ko dahil nag-iinit na naman ito.

3 hours leter~

Uwian na.

Si Leander ang magsusundo sa akin dahil iyon ang sabi niya. Hindi pa nga ako naghihintay sa waiting shed ng ilang segundo,may pumarada nang kotse sa harapan ko.

Pilit akong ngumiti habang nililibot ang tingin ko. Marami akong kasama sa waiting shed!

*PEEP*

Pumreno ito dahil sa tagal kong pumasok. Nagdadalawang-isip pa ako,Leander! Kusa siyang lumabas ng kotse at pinagbuksan ako. Mabuti nalang at may suot siyang mask at sumbrero.

"Ang daming tao."

"My car is tinted."aniya.

Napahinga ako ng maluwag-luwag at isinuot na ang seatbelt.

His eyes narrowed as he watched me. May kung ano rin siyang pinaglalaruan sa loob ng dila niya. "Why are you looking at me like that?"

"I've been high at work. Hindi ka mawala sa isip ko,you little temptress." Natawa ako sa tawag niya.

"Ganoon ba dapat manligaw? Hinahalíkan mo ba mga niligawan mo noon?" Biro ko.

Pinaandar niya ang makina at nagsimulang magmaneho.

"I don't believe in courtships before. I never courted anyone until I met you." he swallowed hard and averted my gaze.

~~~~~~~~

I wore a pink floral dress for tonight. Si Leander ay nagbibihis palang sa banyo. Nag spray din ako sa pulsuhan ko ng pabango at sa likod ng tainga ko rin.

Bumukas ang pinto at sumilip ang batang Saunders doon.

"Dada?"tanong nito.

Nilapitan ko siya ng may ngiti sa mga labi at yumuko para mapantayan siya. "He's dressing yet. Gusto mong pumasok? Pasok ka." aya ko.

Pumasok naman ito at isinarado ang pinto gamit ang maliliit na kamay.

"Dada dressing,Luschi?" bulól niyang sabi,I nodded.

Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto ng banyo. Komportableng naka white sleeve si Leander at nakashort pang-ibaba. He glanced at what I was wearing and put his hand behind my back.

"Luschi,danda dada."Lathan said.

I blushed.

Leander chuckled and pinched his nephew's nose. "Bagay ba sa akin,Lathan?" Hinampas ko siya,nahihiya.

Lathan shooked his head. Nalaglag naman ang panga ni Leander. "Crush ko Luschi dada." aniya.

Natawa naman si Leander sa sinabi nito. "Anong crush-crush. Magsalita ka muna ng hindi nabubulól." Masama siyang tiningnan ni Lathan.

Inalo ko ang bata dahil paiyak na iyon. Yumakap naman ito sa leeg ko.

"Wow. Tsk. She's mine anyway."bulong ni Leander sa sarili.

Sarili mong pamangkin 'to baluga!

BUMABA NA KAMING TATLO PAPUNTA SA DINING ROOM. Bitbit ko ang batang Saunders habang nagmamaktol sa kanyang tito na nasa likuran ko. Ang ingay nila sa hallway at hindi naman nagpapaawat si Leander dahil mas lalo pa niyang inaasar.

Namataan namin si Daphne kasama ang isang lalaking kamukha ni Leander in the future. Senator Leonath Saunders!

He has a little beard on his chin but I can still see his good looks like Leander.

Tahimik akong pinag-atrasan ng upuan ni Leander at umupo. Si Lathan ay kinuha ni Daphne mula sa akin para malaya akong makakain. Hindi rin ako makakain ng maayos dahil kinakabahan sa kuya niya. Hinawakan naman ni Leander ang kamay ko nang mapansing hindi ko ginagalaw ang pagkain ko.

"Don't mind him. He won't bite. Mukha lang siyang aso pero wala siyang rabies." I chuckled and slightly glance at them.

Elegant aura was screaming in his eyes.

Tumalon ang kaluluwa ko nang magtama ang mga mata namin. Higit na mas malalim ang abo nitong mata kaysa sa mata ni Leander. Sumisigaw ang pagiging istrikto dito na ikinababahala ko. Kahit na kasing gwapo niya si Leander, mas mukha itong seryoso sa kanya at maraming napagdaanan sa buhay.

Pinasadahan niya ng tingin ang postura ko. I swallowed hard. Mas humigpit ang hawak ko kay Leander kaya napatingin ito sa akin at sa kapatid niya.

"So you are Lucy." He glanced at his brother. "Sigurado ka na ba kapatid  ko." he said in strict and cold voice, I suddenly felt héll.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now