56

355 1 0
                                    

CHAPTER 56

SIX O'CLOCK NA. Nandito na kami ni Leander sa lobby ng university. Ayoko sana siyang isama kaso mapilit. Pinaglalaruan niyang muli ang mga daliri ko habang nakasandal ang ulo sa aking balikat. Clingy si mayor.

"Pagod ka ba sa café?" Masuyong tanong niya.

Umiling ako. Hindi naman nakakapagod 'yon.

"Ikaw pagod ka ba sa city hall kanina?" He's kíssing the knuckles of my fingers.

He nodded.

"Dapat umuwi ka nalang sa bahay,hindi yung sinundo mo pa ako dito." Hindi na napigilan ng tono ko ang mag-alala.

For sure maraming ginagawa ang mayor, sa dami ba naman ng nasasakupan niya. Naiimagine ko ang tambak na papers para suriin niya sa mesa habang nakaupo siya sa harapan nito at nagpipirma. My face heated dahil nagpapantasya na naman ako na nasa ibabaw ko siya.

"Nagpapahinga na ako,Lucy." He answered softly.

Mas isiniksik niya ang mukha sa leeg ko hanggang sa nararamdaman ko na ang paghinga niya sa maselang balat ng aking leeg. My heart fluttered.

"LUCY!!" Pagtawag ni Achilles sa akin.

Natatanaw ko siya mula sa entrance. Napatayo ako dahil sa gulat.

"Siya ba ang hinihintay natin dito?" Leander's voice thundered on my ear.

Ang sinabi ko kasi sa kanya ay may magbibigay lang sa akin na notes!

"Hi Lucy— Ah? M-mayor Larence?" Sinipat niya ang lalaking nakaupo sa gilid ko, tamad itong nakatingin sa aming dalawa.

Achilles looked more awkward. Unti-unti niyang inabot sa akin ang green na notebook. "A-ah eto nga pala yung slides na binigay ni ma'am. Nakahighlight n-na rin ang iilang keywords na dapat t-tandaan. G-gusto mo bang ihatid na rin kita Lucy?" I was shocked.

Ha?

Narinig ko ang pagsinghap ni Leander sa likod ko.

Napapikit ako. I felt some tension on us.

"Wag na,Achilles. Kaya ko naman na umuwi."

"Yeah she is." Paniningit ni Leander,naguguluhan namang tumingin si Achilles sa kanya.

"Ah sige... pero pwede ba tayong mag-usap n-ng tayo lang?" Nahihiyang sabi nito.

"Bakit? Pwedeng dito nalang?" Natataranta kong tanong dahil inaabot na ni Leander ang kamay ko, hinahagis ko naman 'yon para hindi makita ng kaklase ko.

Awkward naman niyang nilingon si Leander at napabuga ng hangin. "G-gusto kita,Lucy. Pwede bang manligaw?" Kumamot siya sa likod ng tainga niya at namumula ang pisngi na umiiwas ng tingin.

Tuluyan nang tumayo si Leander. Madilim ang mukha niya tanda na galit siya.

"Hindi pwede." Pabalang na sabi nito.

May irita naman siyang nilingon ni Achilles. "Bakit? Sino ka ba??" May inis na sabi nito.

Sarkastikong ngumisi si Leander sa kanya. "Anong pakialam mo bata?"

"What!? Huwag ka ngang mangialam dito,boyfriend ka ba niya ha?" Oo Achilles.

Napangiwi nalang ako habang tinatampal ang kamay ni Leander na nakahawak sa akin. Ang mukha niya kasi ay parang anumang oras ay susuntukin niya na si Achilles.

"No..."

Bumagsak ang balikat ko sa pagtanggi niya. Naguguluhan ko siyang tiningnan.

"Yun naman pala e—"

"I'm her Daddy. Right, Lucy?" My lips parted with amusement. Yes, Uncle.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now