74

422 5 0
                                    

CHAPTER 74

LEANDER'S POV

HUMINGA AKO NG MALALIM AT NAPASAPO NALANG ULIT SA NOO. I can't even focus on my work. It's been two days, hindi ko pa rin alam kung nasaan siya. Baka nagugutom na siya? Nagpapahinga? Nakakain na kaya siya? Yung baby namin? Ayos lang ba sila?

"M-mayor. May mga tao po sa baba, nanghihingi ng tulong-pinansyal. Hindi po sila kasama sa kahit na anong organizations." Ani Agatha.

I shook off my formal suit and stood up straight. Sa ngayon, mukhang ito muna Lucy. I'll give you the space you want between us. Pero sa oras na magkita ulit tayo, papagurin kita hanggang sa hindi ka na makatayo papalayo sa akin.

~~~~

LUCY'S POV

MY LIFE IS QUIET IN THIS HOUSE BUT I AM MORE AT PEACE WHEN I'M WITH HIM. Umalis ako sa bahay na 'yon dahil pakiramdam ko... mali na naroon ako. Kahit hindi ko gusto ay posibleng nasasaktan ko si Daphne nang itira nila ako sa bahay nila. Ikaw ba naman, kakayanin mo bang alagaan at pakainin ang anak ng nagtanim ng masamang alaala sa pagkatao mo?

Iniwan ko si Leander sa bahay na 'yon dahil alam kong mahal niya ako. Sa sobrang pagkabulag niya sa pagmamahal sa akin, nakalimutan niyang namatay ang kapatid niya dahil sa ama ko.

"Take your vitamins, Luxunasia." Mr. Leander commanded.

"Can I go home?"

"You have no other home. Saan ka pupunta?"

Ibinaba niya ang tray sa bed table at umupo sa kama ko. Nakaupo ako ngayon malapit sa bintana. Marami ring puno sa paligid kaya maaliwalas at sariwa ang nalalanghap kong hangin.

"Kahapon ko pa gustong umalis dito, Mr. Leander.—"

He looked hurt. "Y-you don't need to call me that, Luxu—"

Napaismid naman ako. "Sige nga... how will I address you then? Papa? Dad? Tatay? Nagpakaama ka ba sa akin sa nakalipas na mga taon?" Sarkastikong sabi ko.

Napayuko siya. I felt embarrassed. I shouldn't said that.

"I-i'm sorry. Ayoko kasi talagang lapitan ka noon—"

Wow. Because of what he said, It pushed my button.

I got angry. "So sinadya mo!? Sinadya mong wala akong tatay na magsasabit ng medalya sa graduation?? Sinadya mo rin bang wala akong tatay nung debut party ko sa Bicol? Lahat ba ginusto mo at ayon sa plano mo ha?! Nag-guilty ka ba dahil babae ang naging anak mo at mga babae din ang tinarántado mo!? Yun isa gináhasa, yung isa naman pinátay? Ano pa,Mr. Leander! Kahit saang sulok ng bahay na 'to, hindi ko nakita ang nanay ko!! Baka pati siya gi—-" He gripped my arm tightly that it made my words stopped.

Disappointment was evident on his face.

"I did not ráped Daphne, Luxunasia. Maniwala ka sa akin." Mariing sabi niya sa akin.

Galit kong binaklas ang kamay niya sa aking braso. "Bakit ako maniniwala sa isang ex-convict!! Kaya ka nga nakulong dahil doon!" Sigaw ko sa kanya.

His facial expression stays the same. Matigas pa rin.

Umigting ang kanyang panga. "Ayon ba ang sinabi ni Daphne? Kung ganoon ay sinasaktan ka lang niya Luxunasia. Nakulong ako dahil ipinasunog ko ang hospital na naging dahilan sa pagkamatáy ni Luschia at pananatili mo sa mundo!"

Ba't parang kasalanan ko pa!?

Sarkastiko ko siyang tinawanan. "Sinong maniniwala?—"

"Kahit hindi mo ako pagkatiwalaan, anak!. Kahit pang-unawa nalang, h-h'wag na ang pagmamahal." I saw how his eyes formed a tears. "Hindi ko kailanman hinipúan si Daphne, alam iyon ni Anderson! Pero pútángina ng gágong 'yon! Totoong ipinasunog ko ang hospital para sa 'yo at para makatakas ang m-mama mo. Pero kasabay ng pagkawala mo sa amin....unti-unti rin siyang b-bumibitaw sa akin." I felt how guiltiness filled on me.

"Dalawang taon bago ako nakalaya hindi dahil dinúga ko ang batas! May ibang tao lang talaga na mas karapat-dapat sa parusa. Isang tao na akala ko kakampi ko, hindi pala! Nakita ni Leander ang nangyari kay Daphne sa hotel na 'yon, hindi niya lang maalala. Siya pa nga ang nagsumbong sa akin tungkol doon, pero pagdating ko... finrame-up niya ako."

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now