42

359 1 0
                                    

CHAPTER  42

"Wow! Ang cute-cute naman ng baby mo,Faust!" Tuwang-tuwang sabi ni Zea habang pinanggigigilan ang mamula-mulang pisngi ni Future.

Nandito kami ngayon sa kubo nila Faust. Magaan naman ang loob ko sa kanila dahil maayos namang kausap si Faust. Nagkakilala kami kagabi, naglalaro kasi sila ni Future ng bola. Nakakatuwa nga dahil ang sigla-sigla ni baby Future.

Siniko ko si Pierce at ininguso si Zea. "Taniman mo ng bata para hindi na namimisil ng iba."

"Ako ang baby n'an." aniya, nandidiri ko naman siyang nilayuan.

Bumalik si Faust na may dalang pacifier at bote ng gatas. Namamangha ko siyang pinanood dahil sa galing niyang magpadedé ng bata.

"No offense,Faust ha. Pero nasaan ang mommy niyan?"

Hindi nawala ang ngiti sa mukha niya lalo na nang magkatingininan kami. "Hindi lang namin siya kasama ngayon... pero balang araw makukompleto din kaming tatlo." Usal niya nang hindi tinatanggal ang titig sa akin.

Lumapit ako at hinawakan ang bumbunan nito. "Ilang taon na siya?"

He smiled. "Magt-three na sa October."

Kuhang-kuha ni Future ang mga mata ng ama niya. Actually para lang siyang si Lathan, mini version ni kuya Leonath at Leander. But Future holds his father's genetic.

"Ako na lang ang magiging nanay niya!" Siniko ni Pierce si Zea agad dahilan ng oagkasimangot nito.

"Shut up,woman." Tiim-bagang na sabi ni accla.

Napangiwi na naman ako.

"Sabi mo gusto mo ng mabait na Zea? Nasa 'yo naman na puso ko kaya makuntento ka na." Nang-aasar na sabi ng babae.

"Gusto mo maging nanay ng anak niya. Akala ko ba nasa akin na yung puso mo?" Inis na singhal ni Pierce.

"May atay at ugat pa naman akong kayang ibigay."

Napairap ako sa walang kwenta nilang pag-uusap. Natatawa naman silang pinapanood ng lalaking nasa tabi ko, I glanced at Future. He's so handsome!!

~~~~~

Nagkayayaan kaming maghorseback-riding. Dalawang kabayo nalang ang natitira nang maabutan namin. Iniwan pa kasi namin si baby Future sa nanny nito at ayaw pa sanang magpaiwan. Nahihiya akong napatingin kay Faust nang sumakay sa iisang kabayo si Zea at Pierce.

"Do you mind?" He said softly, hindi ko magawang hindi tumango.

Nilagyan muna ako ng safe tracks bago sumampa.

"First time niyo po ba ma'am?" Tanong nung babae na naglalagay sa akin. Napansin niya ata ang panlalamig ng balat ko. I nodded shyly as a response. "Huwag kayong mag-alala ma'am, well-trained po ang horses namin dito."

Natapos ako sa paglalagay at nakita ko na pinapanood pala ako ni Faust. Napatikhim siya bago tuluyan akong lapitan. Akala ko nakasakay na siya sa kabayo kanina pa,hinintay pa pala niya ako.

"Hop!" Nabigla ako nang buhatin niya ang baywang ko pasakay sa kabayo. Sunod siyang sumampa at maingat na inilagay ang parehong kamay ko sa tagiliran niya.

I heard him chuckled.

"Ayusin mo nalang ang pag-upo mo habang nakahawak sa akin. Baka mahulog ka...." Seryosong usal nito at iyon naman ay sinunod ko matapos ay bumitaw na sa pagkakahawak sa kanya.

Nang biglang tumakbo ang kabayo at napasandal ang noo ko sa mapalad niyang likuran. Aksidente ring dumulas ang hawak ko pabalik sa tagiliran niya. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa na ikinamula ng mukha ko.

"Be careful,Lucy. You might fall with me. " He sounded playfully but serious at the same time. Ngunit ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at inenjoy ang pagsakay sa kabayo kasama siya.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now