72

395 5 0
                                    

CHAPTER 72

LEANDER'S POV

MAINIT NA SINAG NG ARAW ANG SUMALUBONG SA AKIN. Kusang hinanap ng kamay ko ang katawan ni Lucy nang may ngiti sa labi. She was insatiable last night. Nawala ang ngisi ko nang bakante ang tabi ko. Walang maliit na Lucy akong nakapa.

Bumangon ako sa kama at hinanap si Lucy sa kabuuan ng kwarto na tanging comforter lang ang tumatakip sa ibaba ko.

Nakaramdam ako ng panlalamig nang hindi ko nakita maski ang anino ni Lucy.

"KUYA LEON!!" Malakas kong kinatok ang pintuan nila.

My hands were shaking.

Where did she go!?! Fúck!!

Baka may binili lang, Leander kaso tulog ka kanina kaya hindi siya nakapagpaalam?

"What?!" Asik din ni kuya pabalik. Nakatapis siya ng tuwalya, natanaw ko si Daphne ay kagigising lang na nakahiga sa kama habang nakatakip ang comforter sa kanya.

"D-did Lucy go somewhere? Nagpaalam ba siya sa 'yo?" Kumunot ang noo ni kuya.

"No. Hindi ba magkasama kayo?" He uttered, looks confused.

Fúck!

Pero baka nasa kusina Leander!? Baka pinagluluto ka.

Huminga ako ng malalim at nagmamadaling dumiretso sa kusina. Ngunit imbis na si Lucy ang tumambad, ang kusinera at mga yaya ang naroon.

"Sir may kailangan po ba kayo?"

GÓDDÁMN IT!! Where the héll are you, Lucy.

~~~

LUCY'S POV

Hindi ko alam kung nasaan ako pero alam kong nakalayo na ako sa LonVille. Nanghihina akong bumagsak sa lupa at nadaganan pa ng bagahe ko ang mismong paa ko. Ang sakit!!

Ala-siyete na rin siguro dahil mataas na ang sikat ng araw.

"H-HMM!!!" Someone covered my mouth, it was also big but not the same as Leander's.

Madali niya akong nabuhat pasakay sa loob ng van na ikinagulat ko. Are they kidnápping me!?!

When I found some space, I bit his palm. Umaandar na ang kotse papalayo sa bagahe kong naiwan.

"Cráp!!" Asik niya.

Nilingon ko ito at nakitang hindi ko ito kilala. Nadako ang tingin ko sa lalaking kasama niya. He's so familiar to me. Mayroon akong nakitang pangungulila sa mga mata niya na may kasamang lungkot habang kinakabisado ang bawat parte ng mukha ko.

I tilted my head down while thinking about this old man.

Naaalala ko na!

Siya yung matandang lalaki sa Maracafé!! Si Mr. Leander!!

Leander...

Muli kong inangat ang tingin sa kanya. He's murmuring to himself.

Pinalibot ko ang tingin sa loob ng van. Dumaplis ang tingin ko kay Faust na nasa likod ko rin pala!

"What are you doing here!!?" Pasigaw kong tanong.

Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Eh ikaw? Ba't ka umalis sa bahay ni Leander?" Napatingin siya sa matanda. "I mean, Leander Saunders."

I looked at him confused.

"Nandito ba kayo para ibalik ako sa kanya? Huwag!! Ayokong bumalik doon!" Saad ko na medyo napataas ang tono.

Hinawakan ni Mr. Leander ang kamay ko. Para akong nakuryente kaya iniwas ko iyon sa kanya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero... parehong-pareho ang kulay ng mga mata niya sa akin.

"Sinaktan ka ba niya kaya ayaw mo nang bumalik doon?" Maingat niyang sabi.

Why does he care? As if naman na may magagawa siya doon.

"Hoy sumagot ka." Utos ng lalaking nagbuhat sa akin.

Inis ko siyang tiningnan. "Ano? Kinidnap niyo ako para tanungin lang din dito?" Naaalibadbaran kong sabi.

"Eh kung ako nalang kaya ang manakit sa kanya, Faust? Pwede naman sigurong baklasin ko ang buto niya tapos operahan mo nalang para bumalik."

Agad siyang binatukan ni Faust at masamang tiningnan ni Mr. Leander.

"Eh kung guntingin ko itlog mo tapos diligan mo nalang para tumubo?"

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now