23

452 1 0
                                    

CHAPTER 23

A/N: GUSTO KO RIN SANANG MALAMAN ANG FEEDBACKS NIYO OR YUNG HULA NIYO SA STORY NA 'TO HAHAHAHHAHAHA. NAGBIGAY AKO NG HINT SA ISANG FUTURE CHAPTER,ITS FOR YOU GUYS TO FIND OUT^_^ MARAMING SALAMAT SA MGA COMMENT NIYO, MAHAL KO KAYO🕊️
~~~~~~~~~~~

TULALA AKONG GUMISING SA UMAGA. Maaga akong natulog matapos sa kompronta ng babaeng iyon. Wala na rin si Leander sa tabi ko nang magising ako. Ni hindi ko nga alam kung dito ba siya natulog eh.

"DADA"bungisngis ni Lathan habang sinusubuan ni Leander.

Tatlo silang masayang nakaupo sa mesa. It was like a slap on my face. Sinanay ako ni auntie na maging sampid, pero ba't pagdating dito... bakit parang nakakapanibago. Gusto kong bumalik kay auntie para sanayin akong sáktan ng paulit-ulit para atleast makatagal ako sa tabi niya.

Pero kakayanin ko kaya 'yon gayong may nasasagasaan akong bunga ng pagmamahalan nila noon?

"Lucy."tawag ni Leander sa akin at ibinaba ang bata.

Lumapit siya sa akin at hinila ako sa tapat ng kinauupuan ng babaeng iyon. Ngiting-ngiti si Leander habang pinagsasandukan ako ng pagkain. Pero hindi ko manlang magawang tignan siya dahil ngayon narealize ko. Para ko lang siyang kuya.

Maaring lahat ng ginawa niya para sa akin ay wala lang para sa kanya. Baka binigyan ko lang ng meaning 'yon dahil siya lang ang lalaking hinayaan kong pumasok sa buhay ko. Siguro dahil siya ang una. Baka gano'n lang 'yon. O baka nakababatang kapatid lang ang tingin niya sa akin kaya niya ako hinayaang tumira sa puder niya. O baka isa lang akong mamamayan na nasasakupan niya kaya siya tumutulong.

"Lucy. Okay ka lang?" Tapik ni Leander sa akin.

Nakatingin silang tatlo at maski ang mga katulong na parang inoobserbahan ako. "Ayos ka lang ba? Maaga ka namang nakatulog kagabi ah,masakit pa ba ang ulo mo?"Alalang sabi nito.

Ilalagay niya sana ang kamay sa leeg ko nang iniwas ko ang sarili at napatayo.

"Lucy. Anong problema?"

Naguguluhang sabi nito habang kunot ang noo.

"Leander, si Lathan..."tawag nung babae rito ngunit hindi siya pinansin ng lalaki.

Nanatiling nakatingin si Leander sa akin na para bang binabasa ang iniisip ko. Napatingin ako sa i ang bahagi nang may humawak sa kamay ko.

"Luschi."Maliit na boses na sabi nito kahit bulól pa.

May init na humawak sa puso ko at mas lalong nakaramdam ng konsensya.

"Lucy maupo ka na. Kumain na tayo,kagabi hahatiran sana kita ng pagkain kaya lang nakatulog ka na." Hindi ko siya pinansin at tahimik na umalis sa hapagkainan.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero sigurado ako sa pakay ko... gusto kong lumayo na sa kanya.

Tagumpay akong lumabas ng malaking bahay at naglakad ng mabilis para hindi niya ako mahabol. Hindi ko alam kung saan ako napunta pero alam kong nakalayo-layo na ako ng kaunti. Kaya lang,hindi ko alam kung paano lalabas sa lugar na 'to. Gusto ko nang bumalik kay tiya at Gyra, mas masakit manakít sa mundo ni Leander.

Naiinis ako dahil umasa ako. Naiinis ako sa mga ginawa niya para sa akin. Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan ko. Naging assuming ako tuwing may pagkain siyang niluluto para sa akin tuwing umaga kahit hindi ko siya kinakausap. Ang dami niyang kayang ibigay sa akin kahit wala naman siyang mapapala sa isang tulad ko. Naiinis ako dahil bakit wala akong kwenta para bumagay sa kanya. Humikbi ako.

"Dámn baby, where do you think you're going?" bungad ni Leander sa akin.

Nasa likod ko na pala siya.

~~~~~~~~

LEANDER'S POV

I was shocked to see her face covering in tears when she turned to me. Ba't umiiyak 'to. May sinabi ba si Daphne sa kanya kagabi. Hinila ko ang palapulsuhan niya nang punasan niya ang luha habang nakatalikod sa akin. Fúck, kaya ko siyang saktan ng hindi ko alam?

"Lucy..."

"Umuwi na tayo." I said,almost begging her.

Hinarap niya ako at tinulak-tulak ako gamit ang maliliit niyang kamao. "B-bakit ka pa sumunod! Hindi mo ba nararamdaman na ayaw ko na sa 'yo!" I feel like my heart's been ripping out as she throw those words to me.

Hindi pa pala ako handa marinig iyon mula sa kanya.

Bumalatay ang sakit sa mga mata niya habang sinasaktan ako.

Why,Lucy? What did I do?

Bakit ayaw mo na agad kahit hindi mo pa naman ako nagugustuhan?

My Lucy is crying infront of me. "B-bakit ba umaasa ako s- sayo."Bumiyak ang boses niya at hindi kumakalma.

"B-bakit ako umaasang gusto m-mo rin ako?" Napaluhod siya sa akin.

"Hindi 'yon tama dahil.... a-akala ko i-ikaw ang napapaibig ko" she said stuttering. She sobbed and cried with the large volume of tears flowing steadily."Yun pala... unti-unti akong n-nahuhulog sa bawat pagtawa mo kasama a-ako."

Umurong ang papatak ko ng luha sa sinabi niya.

I heard that right,am I?

Kinagat ko ang sariling labi sa pagpipigil ng ngiti. She's falling for me! I heard it!!

I knelt down and stroked his tear -soaked cheek. Paniguradong nanlalabo ang mga mata niya at mamamaga iyon mamaya. Hindi mo dapat pinoproblema na nahuhulog ka sa 'kin, ako nga kalmado lang habang pinapanood ka sa Diamond Aúction.

I touched her cheek and tilted it so I could kíss her hard.

~~~~~~~~
LUCY'S POV

NARAMDAMAN KO ANG MALAMBOT NA BAGAY SA LABI KO AT NATIGILAN SA PAG-IYAK. Why the héck Leander is kíssing me!! I bit his lip intentionally and I heard him cúrsed. 'Yan napapala mo.

Malakas ko siyang itinulak dahilan para mapaupo siya sa lupa. May ngiti pa rin sa labi niya at kita ko ang bite mark doon. Pinamulahan ako ng pisngi.

"Ba't mo 'ko hínalikan!! Ayokong maging isa sa mga babae mo!!" Galit na bulyaw ko .

Pinagpag niya ang suot at tumayo. Napalunok ako nang matantiya na mas matangkad siya kaysa sa akin ng ilang beses.

"Kaya mo bang magparami ng sarili?"seryosong sagot niya.

Hinampas ko siya ulit. "Hindi ka manlang ba nahihiya sa mag-ina mo! O maski kay Lathan manlang?"he looked more confused as what I said.

Pero unti-unti niyang narealize ang ibig kong sabihin.

Humagalpak ang tawa niya sa sinabi ko. Inis ko siyang tiningnan at tinulak.

"Asawa ng kuya ko si Daphne. Pamangkin ko si Lathan,Lucy." He uttered and laughed again.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now