Chapter 11

675 6 0
                                    

CHAPTER 11

LUCY'S POV

Hinanap ng mga mata ko si Auntie kaya lang ay kaming dalawa lang ng lalaking ito ang nilalaman ng kwarto. Ginapangan ako ng kaba dahil anong gagawin namin dito!? Napalunok ako sa kawalan at nanigas sa kinatatayuan.

Using peripheral vision, I saw Leander sat in the california king bed and loosen the neck tie with his large hand.

"Hey!!" napalakas kong sabi habang nakaduro ang isang daliri sa kanya.

He looked at me with his brow shot up. Mas ibinaba niya pa ang neck tie kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa kanya. Taka niya akong pinanood at nagulat nang itaas ulit ang nect tie dahilan kung bakit naramdaman ko ang paglunok niya.

"Nasasakál ako." sarkastikong sabi nito.

Nanlalaki ang mata ko habang ipinipilit na 'wag niyang hubarin ang neck tie. Kapag ginawa niya ba 'yon,maghuhubád na siya!? Oo gwapo siya!! Pero hindi pa ako handa!

𝖯𝖾𝗋𝗈 𝖫𝗎𝖼𝗒, 𝗇𝖺𝗀𝖻𝖺𝗒𝖺𝖽 𝗌𝗂𝗒𝖺 𝗇𝗀 𝗁𝗂𝗀𝗂𝗍 𝗉𝖺 𝗌𝖺 𝗅𝗂𝗆𝖺𝗆𝗉𝗎𝗇𝗀 𝗆𝗂𝗅𝗒𝗈𝗇 𝗉𝖺𝗋𝖺 𝗌𝖺 '𝗒𝗈. 𝖡𝗂𝗇𝗂𝗅𝗂 𝗄𝖺 𝗇𝗂𝗒𝖺 𝗉𝖺𝗋𝖺 𝗋𝗂𝗍𝗈.

Napalunok ako sa konsensyang bumulong. But i'm not ready yet.

Nabigla ako nang kabigin niya ang baywang ko habang hawak niya ng pareho ang palapulsuhan ko. Now I was in the middle of his thigh while he was on top of me. He placed my hands above my head as I lay on the soft bed.

"Papátayin mo ba ako gamit ang kaawa-awang neck tie,Lucy?" he said softly.

He touched my cheek and slid his finger down to my lip.

May kung-ano siyang pinaglaruan sa loob ng labi niya at walang emosyon akong pinasadahan ng tingin. Pinamulahan ako ng pisngi nang maalala kung gaano ka-intimate ang posisyong iyon.

He sighed in disbelief and let my hand go. Napabalikwas ako sa kama at lumayo sa kanya. Gusto kong kaltukan ang sarili sa nangyari.

"Matulog ka muna rito. Gigisingin nalang kita mamaya. May pupuntahan lang ako." he coldly said.

I sighed. Oh héll. Ano ba Lucy!!

Gusto ko pa sana siyang pigilan kaya lang nauna na siyang lumabas ng kuwarto.

Bumagsak ang balikat ko. Natulala ako sa kwartong pinaglabasan niya.

99 million ang perang ibinagsak niya para sa akin. Wala siyang ibang ginawa sa akin pero nakakakonsensya pa rin ano ba. Muntikan ko pa ata siyang mapátay kanina. Anong gagawin niya sa labas? Hahanap ng ibang babaeng magagamit niya dahil wala akong kwentá?

Nakaramdam ako ng kirot sa isip. Umiling ako at mahinang sinampal-sampal ang sarili.

Humiga ako sa malamig na kama. Nalulungkot dahil simula sa araw na ito, mag-iiba ang buhay ko.

~~~~~~~~~~~

Pumupungay ang mga mata kong bumangon sa kama nang makarinig ng ingay. Hindi ko pa man nakikita ng malinaw ang taong palapit sa akin ay binuhat na ako nito.

"Fúck! Nakatulog ka pala talaga. Mamaya mo nalang ituloy ang tulog mo." he said in gentle voice.

Naramdaman kong binuhat niya ako in bride's style! Napadilat ako nang wala sa oras dahil doon. Nagtama ang mga mata namin, may suot siyang bullet proof vest at gulat akong may suot din ako no'n.

"Anong nangyayari?" Nasagot ang tanong ko nang makarinig ako ng iilang putok ng baril sa hindi kalayuan.

Napamurá si Leander at mas humigpit ang hawak sa akin. May tali sa baywang niya at palabas iyon ng babasaging bintana. Napalunok ako nang makitang itinaas niya ang baríl niya habang buhat ako. Itinutok niya iyon sa pintuan at pinaputók.

"AHH!!"

Bumagsak ang katawan ng lalaki.

"Are you ready?" he whispered and I felt his lips brushed mine.

Taka ko siyang binalingan ng tingin. May kakaibang kislap ang mga mata niya bago siya tumakbo patalikod sa mga salamin.

ANONG GINAGAWA MO!!

Sa takot ko ay hindi ko magawang sumigaw.

Kinakabahan ako sa ginagawa niya. Napapikit nalang ako at narinig ang malakas na pagkakabangga niya sa bintana. Naramdaman ko ang malakas na hangin at para bang nahuhulog ako pababa. Napahawak ako ng mahigpit sa leeg niya.

Habang nasa ere ay hindi sinasadyang naimulat ko ang mga mata.

Nasusunog ang Truthella!! At maraming pulis ang naroon. Napanood ko kung paano bumagsak ang katawan ng iilan at nakakatakot iyon. May kungsinong nagtakip sa mga mata kong may luha na pala at naramdaman ang paghalik niya sa gilid ng aking ulo.

H-hindi siya naroon para sa tawag ng laman,kundi gusto niyang ipa-raid ang bar.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now