Chapter 5

773 7 0
                                    

CHAPTER 5

KIDNAPPER'S POV

Kailangan kong makuha ang batang Saunders dahil ito ang utos ng ginang. Naamoy ko na mukhang hindi naniniwala ang magandang dalaga kaya wala akong magagawa kundi ang pasimpleng ilabas ang armás at itinutok sa kanya.

'Kung hindi ka lang sana nangialam.'

LUCY'S POV

Nakita kong inilusot niya ang kamay sa likod niya. Senyales na iyon para tumakbo.

*DUG-DORG—DUG-DORG-DORG*

Taka akong napabaling sa kinaroroonan ng tunog. Mukha papunta iyon sa bubong. Nagulat ako nang mapaigik ang matandang kidnapper na parang nasasaktan. Nakahawak siya sa kabilang binti at dali-daling tumakbo papuntang kusina.

"Fúck! Yuko ka muna bata! Tago ka sa likod ng sofa!" natataranta kong sigaw ngunit hindi ito bumitaw.

Gusto ko pa sanang sundan ang kidnapper kaya lang narinig ko ang pagkabasag ng salamin mula roon. Hinila ko agad ang bata nang may magpaputok ng baríl.

"Hijo de púta. Bakit ka pa kase nangialam!!!" galit na sigaw nito at nagpaulan ng bala.

"AHHH!!!"

Nanlalambot ang tuhod ko dahil sa iilang tunog ng baril. May narinig din akong mga taong nagsisigawan sa labas. Humagulhol ang batang kasama ko habang nakalagay ang parehong palad sa kanyang tainga.

May pumasok na iilang kapulisan at inasikaso kami agad.

"Ayos ka lang ba miss??"

Hindi ako nakasagot dahil sa nangyari. Nanatili ang tingin ko sa sahig.

May narinig ulit akong mabibigat na yapak at nakalapit iyon hanggang sa pwesto ko. Inangat ko ang paningin ko at doon nagtagpo ang ang aming mga mata. His dark eyes became soft when he saw the little kid with me. Unti-unting bumitaw ang bata sa akin nang hindi ko namamalayan dahil sa matagal na pagtitig sa lalaking naka-formal attire.

Matangkad ito ay kapareho ang mga mata sa batang hawak ko kanina. Actually, kamukhang-kamukha niya ang batang 'yon!

"Lathan... are you hurt?" he asked softly.

Mahigpit na yumakap ang batang si Lathan sa kanyang ama. Binuhusan ako nito ng tingin kaya napalunok ako at napaiwas.

He looks arrogant with wild eyes.

NAGISING AKO SA REYALIDAD NANG TAPIKIN AKO NI AUNTIE DOLLY. Nilibot ko ang paningin ko, nasa Truthella ako. Tanyag ang bar na 'to sa buong lugar, ngunit hindi ko mawari kung bakit walang ginagawa ang gobyerno namin dito gayong may próstítution na nagaganap sa lugar na 'to.

Nanginginig na ang tuhod ko at ramdam ang kaba sa kaibuturan ng aking puso. I steady my breath and tried to calm the panic. Segu-segundo akong binubuhusan ng nakakatakot na titig ni Auntie Dolly, na para bang anumang oras ay makakatakas ako.

Kinagat ko ang ibabang labi.

Kung sana lang ay hindi nangyari ang insidenteng iyon last week, edi sana payapa akong namumuhay ngayon sa bahay ni Auntie habang nagpupunas sa malalaking bintana.

"Wow. Ang ganda naman ng pamangkin mo. Hindi ko alam na sa pangít mong 'yan may maganda kang kamag-anak,Doliara" mapang-asar na bigkas ng babaeng kadarating lang.

Ramdam ko ang tensyon sa tinginan nila ni auntie. Nasa 40's na ang tiyahin ko,habang ang babae naman ay sopistikada. Nahagip niya ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Ngumiti siya sa akin at lumapit.

"Ikaw si Lucy? Buti hindi nagkamali ang diyos na maging kamukha ka ng impakta." Sarkastikong sabi niya at nilingon ang nanggagalaiting si Auntie.

Sinimulan niya na akong make-up-an. Obvious na hindi sila magkasundo ni tiya dahil hindi sila nagpapansinan. Pero tuwing ginagawa naman nila 'yon, sarkasmo lang at nagbibigay ng sama ng loob ang salitang binibitawan nila sa isa't isa.

Napabaling ako sa vanity mirror nang makarinig ng iilang halakhak. Bumukas ang pintuan at iniluwa n'on si Gyra kasama ang iilan niyang kaibigan na nag-iigsian ang mga suot. Tumaas ang kilay niya nang makita akong inaayusan, sumilay din ang nakakainsulto niyang ngisi.

"Diring-diri sa trabaho ko noon tapos ngayon mukhang aagawan mo pa ako ng trabaho." Tamad niyang sabi at unti-unting lumapit.

Yumuko ako. Naisip ko iyon dati at nang dahil doon, hindi nila ako pinakain.

Napaismid ang nag-aayos sa akin. Hi-nead-to-foot niya si Gyra habang nandidiring tinitingnan ito. "Alam mo hija. Kung kasalanan ang pagiging maganda, wala kang kasalanan!" natutuwang insulto nito.

Naiiritang umirap si Gyra. "Alam mo Fiona, mas maganda kung tatahimik ka nalang."

'Di siya nagp-po? Kasing edad lang ni Tita Fiona ang mama niya.

"Bakit 'di mo gawin nang gumanda ka?" bara nito.

Nakita ko sa salamin na nagpipigil ng tawa ang mga kaibigan niya. Hindi lang ito napapansin ni Gyra.

Bumaling si Gyra sa akin mula sa salamin. Ngumisi siya at tiningnan ang damit na isusuot ko. "Kahit magpaayos ka pa sa magician, for sure ako ang makukuha ng VVIP na 'to since I am the high-end paid escórt. Ako pa rin ang magiging highlight ng aúction kahit nandito ka,Lucy."mayabang at arogante niyang sabi.

Kumunot ang noo ko sa pinagsasabi niya. Tumalikod ito at umalis kasama ang mga kaibigan niya.

Lumabas din si Auntie Dolly habang minamata si Tita Fiona. Ang babae ay lumapit naman sa mukha ko at bumulong.

"May Diamond VVIP na sumali sa aúction ngayong gabi. Minsan lang mangyari 'yon dahil sa pagkakaalam ko, hindi sila okay ng may-ari ng bar na 'to. At iligtas mo ang sarili mo if ever na may mangyari sa bar na 'to habang nasa VVIP room kayo." paliwanag niya.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now