61

368 2 0
                                    

CHAPTER 61

HININTAY KONG TULUYANG MAKAPASOK SA LOOB NG OFFICE KO SI LUCY. Hindi kasi nila maririnig ang mga sasabihin ko dito at hindi ko rin maririnig ang mga sasabihin nila. My jaw clenched as I looked at Penelope again.

"Sinadya mo na naman ba 'to?"

Mabigat siyang napalunok at nanginginig na yumuko.

"H-hindi po m-mayor—"

"Tatlong oras ka nang nandito sa labas habang si Agatha ay nasa loob,inaasikaso ang mga dokumento. Ikaw ang inatasan ko sa telcom dahil akala ko mas magiging okay kung nandito ka dahil tuwing may mga babaeng bumibisita, binabástos mo. Tapos ngayon pati girlfriend ko naman?!" Hindi ko na napigilan pa na mapagtaasan siya ng boses.

She jumped in shock.

Binasa ko ang labi ko at napahawak sa aking panga. "You'd better have a good reason about this, Penelope. Hindi dahil manugang ka ni Manang Arlene ay hindi ka na magpapakapropesyunal. I'm firing you." Pinal kong sabi at tinalikuran siya.

Sinenyasan ko ang mga guards nang sundan niya pa ako.

~~~~~

LUCY'S POV

SUMALUBONG ANG PABANGO NI LEANDER SA AKIN SA PAGPASOK NAMIN SA KANYANG OPISINA. Tambak ang mga papel sa mesa niya, napanguso naman ako. Nakita ko mula sa labas na mukhang pinagsasabihan niya ang kanyang sekretarya.

"Hi Miss Lucy." Nagulat ako nang makita si Agatha sa kanyang mesa.

Kumaway nalang ako at tumango. Dala-dalawa secretary niya? Sabagay...

Kinalabit ako ni Lathan, ipinakita niya sa akin ang isang picture frame na nakadisplay sa mesa ni Leander.

𝗟𝗲𝗮𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗥𝗲𝗻𝘇 "𝗟𝗮𝗿𝗲𝗻𝗰𝗲" 𝗦𝗮𝘂𝗻𝗱𝗲𝗿𝘀
𝗠𝗨𝗡𝗜𝗖𝗜𝗣𝗔𝗟 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥.

Boyfriend ko 'yan. I chuckled to myself.

Tiningnan ko ang picture na ipinapakita ni Lathan. It was more like a baby figure. "Tita Luschi, sabi mommy." Turo niya, taka ko naman siyang tiningnan.

KINABUKASAN~

DISMISS.
DISMISS.
DISMISS.
LUNCHBREAK.
DISMISS.
DISMISS.

PARA AKONG LANTANG GULAY NA NAGLALAKAD PAPASOK SA BAHAY. Para akong lalagnatin. Bumuntong-hininga ako. Ang dami kasing pinaayos sa kabila grabe nakakapagod. Tas may mga examinations pa kaninang umaga. Drained na drained na ako, hindi ba sila naawa sa akin? Sa amin?

"Pakipasok nalang lahat ng mga bagahe sa kotse." Nabuhay ang kaluluwa ko nang marinig ang boses ni Leander.

"Daddy!" Sigaw na tawag ko sa kanya at yumakap sa kanyang likuran.

Hindi ko inaasahan na kakalasin niya iyon. Hindi ito ang Leander ko. Tumambad sa akin ang iilang baggage na pinapasok sa kotse ng mga trabahador nang humarap siya sa akin. Parang nauulit ang pangalawa naming pagkikita.

Parang niyebe ang buong lugar dahil sa malamig niyang tingin sa akin. Natatakot ako dahil walang kislap ang mga mata niya hindi gaya ng dati. I swallowed hard and forced myself to smile. Binitawan niya rin ang braso ko na parang nakakadirí ako.

"S-saan tayo pupunta,Leander?" Pinilit ko ang sarili na 'wag mautal.

Huwag kang kabahan, Lucy. Mahal ka niya. Araw-araw niyang pinaparamdaman iyon.

Mariin niya akong pinagkatitigan pero hindi iyon gaya ng dati. Wala akong nakikitang pagmamahal...

At iyon ang ikinanlamig ng kamay ko.

"I'm not going anywhere,Lucy." He said coldy.

My lips trembling as my eyes watered.

"Ah sige! Tara pasok na tayo sa loob." Pilit pinasayang tono ko.

Hinawakan ko ang braso niya at hinila pero tinanggal niya iyon. I felt someone's stabbing my chest. Anong ginawa ko,Leander? Kahapon naman mahal mo ako. Anong nagbago? Bakit pakiramdam ko papalayain mo na ako?

"I want us to take a break. I want you to go away... Don't worry, bukas ang bahay ni kuya para sa 'yo." My heart ache for what he said.

Nanghina ang mga tuhod ko at hindi makapaniwala. Itinataboy niya ako.

He looked determined and tough. His jaw clenched and looked away. Pinahid ko ang luha ko pero patuloy ang pag-agos nito.

I cried...

like a baby infront of him...

Hindi ba dalawa tayong nasa iisang relasyon. Pero bakit mag-isa kang nagdedesisyon? Ang hina-hina ko sa 'yo Leander, ang gágo mo naman para gamitin laban sa akin ang kahinaan ko.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now