55

371 1 0
                                    

CHAPTER 55

NAKANGUSO AKO HABANG NAKATINGIN SA LABAS NG BINTANA. Ganito ba talaga kapag inlove? Gustung-gusto mong kasama siya palagi?. I felt my phone vibrated. Hindi ko muna iyon pinansin dahil nagtuturo ang guro.

DISCUSS.

DISCUSS.

LUNCH BREAK.

"Okay goodbye class. See you on Wednesday. And wait—Remember our subject project, submission on 26." Paalala ng guro bago lumabas.

Niligpit ko ang notes ko at inilagay sa bag. I felt someone poke behind me. "Oh... Achilles, ano 'yon?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang mga gamit ko.

Inilahad niya sa akin ang isang notebook.

"Para saan 'yan?"

Napakamot siya sa ulo at nahihiyang tumingin sa akin. "Hindi ka ma-contact nung Sabado, may sinend si Mrs. Fenan sa group message na lesson. Kakadelete lang kanina kaya kung gusto mo... pwede mong kopyahin ang notes k-ko." He uttered.

Ang bait niya talaga.

I smiled at him. "Pwede mamaya ko nalang kunin sa 'yo? Magtatrabaho pa kasi ako—"

"Ah okay,okay. Hihintayin nalang kita sa lobby, may sasabihin din kasi ako sa'yo. Bye!" Pagmamadali niya na may malawak na ngiti sa labi at agad na umalis.

𝙁𝙍𝙊𝙈: 𝘋𝘢𝘥𝘥𝘺^-^

𝘕𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘱𝘢𝘨𝘭𝘢𝘳𝘰 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘴𝘰 𝘯𝘨 𝘴𝘵𝘢𝘧𝘧 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯. 𝘕𝘢𝘮𝘪𝘮𝘪𝘴𝘴 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘬𝘪𝘵𝘢.
12:02 𝙥𝙢

Tarántado 'to. Ba't ka nag-g-girlfriend ng aso!!

Nagkibit-balikat nalang ako at umalis na rin sa classroom. Hinawakan ko ang palapulsuhan ko at nakapa ang isang bagay, Leander gave me a white rose bracelet. I smiled widely.

~~~~~

"Miss Mara!" Tawag ko sa owner ng pinagtatrabahuan ko.

Nakikita kong maraming costumer at busy talaga sila ngayong araw. Nagmamadali namang lumapit si Miss Mara sa akin. "Mabuti naman at dumating ka na, Lucy. Ang dami kasing nag out ngayon at wala kaunti nalang ang natirang worksmates. Holiday pa man din... "

Nagpalit ako ng uniform saka tumulong na rin sa pagbibigay ng sweets at drinks.

"Red-velvet slice and orange milk juice." Kinuha ko ang order at hinanap ang table number na nakalagay sa tray.

"Ah!"

Isang matandang matipunong lalaki ang may-ari ng order. Nakangiti ko itong inilapag sa table niya. "Thank you for waiting, Sir L-leander?" Napapikit-pikit pa ako at binasa ulit ang nakasulat sa cup ng drinks niya.

Luh?

"Yes,Miss?" Tumikhim ang lalaki.

Kahit na matanda na siya ay halata ang karangyaan sa mukha niya. Naguguluhan siyang nakatingin sa akin. "Is there any wrong with my name?" Baritonong tono ng boses nito.

"Ah wala po Sir. Nagulat lang po kasi ako dahil may kilala din po ako na Leander din ang pangalan."

He nodded and took a dip.

Kinagat ko ang dila ko. Namimiss ko na si Leander!

"Sino?" Tanong nito.

Napanguso ako bago sumagot. Yung aso ko po!

"Boyfriend ko po." My cheeks were now crimson red.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now