36

386 2 0
                                    

CHAPTER 36

Natigilan ako sa sinabi niya. Parang isang walang kwentang bagay na lamang iyon at kanyang binato ang mga salita. Hindi ko maiwasang mag-isip isip ng bagay-bagay.

"Y-you what?"

"I'm a râpe victim,Lucy. Pasensya ka na at sa 'yo ko pa nakwento"

"No,no.... ayos lang. Mabigat yung sinabi mo pero naging magaan dahil parang pinagkakatiwalaan mo ako." She smiled at me,sincere and true.

Hindi ko maiwasang magbigay simpatya sa kanya. Mabait siya. Inaalagaan niya ang kapatid ng asawa niya at kaya niyang tugunan ang pangangailangan ng anak niya. Minsan gusto kong maging siya dahil sa tapang niya,at ngayon nalaman ko ang kwento.... mas lalo akong ginanahan na gawing maganda ang future ko.

~~~~~~~~

7:30 pm na. Binuksan ni Kuya Tyl ang kotse at bumaba na ako bitbit ang baunan ng pagkain ni Leander. May iilang napatinging staff sa akin pero inalalayan agad ako ni kuya Tyl na pumasok sa loob.

Umakyat kami sa second floor at sa may dulong bahagi kami tumigil. Nakita ko mula sa salamin ang pigura ni Leander.

Kumaway siya at ngumisi nang makita ako.

"Hey... I miss you."bungad niya at humálik sa noo.

"Dapat lang ano."

He pinched my cheeks and laughed.

"Anong dinala mo para sa 'tin?"

"Anong sa 'tin? Para sa 'yo lang 'tong dinala ko." Nilapag ko ang lunch box sa mesa niya.

Maraming papeles ang nakakalat at isa-isa naman niya iyong inayos. Matapos ay unti-unting umaalis ang ibang manggagawa. Natira kami ni Leander sa loob ng opisina, may ibang kislap ang mga mata niya.

"You cooked?" Masuyo niyang sabi habang pinapadausdos ng daliri sa aking likuran.

"Uh-huh"

He pulled my waist up and sat me on his lap. My lips parted as he grinned.

"Baka may makakita sa atin ano ba." ani ko at nagtangkang tumayo pero mas humigpit ang kapit niya.

Isiniksik niya ang sarili sa aking leeg at marahan akong pinaghahalíkan doon. That's his favorite spot,he hugs me from behind while planting small kísses in my neck.

"Hey... pumunta ako dito para makakain ka,hindi para kainin mo ako." He laughed at my word and kissed my cheek.

"I thought you are my appetizer?"

"Anong akala mo sa akin, tiki-tiki?"

Sumandok ako ng kanin at ulam saka ipinasubo iyon sa kanya. Ang kanang kamay niya ay nakahawak sa aking likuran habang ang isa naman ay namamahinga sa ibabaw ng tiyan ko.

"Flying ipis here to come!!! Yum." Sabi ko matapos pinalipad ang kutsara bago isubo sa bunganga niya.

"Your words,Lucy." banta niya na ikinatawa ko.

Para siyang baby. Daig pa niya si Lathan.

Sinusubuan ko siya habang nakaupo ako sa kandungan niya. Ang lahat ng atensyon niya ay ibinibigay niya sa akin kaya hindi namin namalayan na may dumating.

"Oh..."

Napatayo ako nang may magsalita mula sa pintuan. Nakadungaw ang isang lalaki na mukhang nasa mid 30s, may iilan ding tao mula sa labas na nakatingin sa amin. Umakyat ang dugo sa mukha ko nang marealize na PDA kami!!

"Babalik nalang po kami mamaya Mr. Saunders."

"A-ah hindi na p-po. Aalis na rin naman po a-ako." Saad ko, inabot naman ni Leander ang kamay ko.

"Could you wait for me here? Sabay nalang tayong uuwi..." He said softly while caressing my hand gently.

Umiling ako kaagad.

"Nako ma'am antayin niyo nalang si sir. Pagkatapos lang naman nito ay pwede na siyang umuwi." Sabi nung lalaki.

Napatingin naman ako kay Leander na nagsusumamo ang mga mata. Tumango nalang ako sa pagpayag.

Pumasok ang nasa anim na tao at naglapag ng folders sa mesa.

"H-hoy." Hinampas ko ang kamay ni Leander nang tangkain niyang ipaupo ako sa kandungan niya sa harap ng mga katrabaho niya.

Matalim ko siyang tiningnan at umupo sa isang bakanteng upuan.

Nakarinig ako ng iilang bungisngis pero hindi ko na iyon pinansin.

Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nila pero alam kong tungkol iyon sa pangangampanya ni Leander. Hawak-hawak ni Leander ang kamay ko sa ilalim ng mesa habang nakapanampiling na nakatitig sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiwi dahil hindi siya nakikinig sa team!! Baka bigla nalang kaming muráhin dito:)

"Ikaw ma'am? Sasama ka po ba bukas?"

Napabalikwas ang tingin ko sa lalaking nagp-present. H-ha?

Marahan na hinaplos ni Leander ang kamay ko. Napatikhim ako at inagaw na iyon,nakita ko ang pagsimangot niya.

Kálandían mo naman,Saunders!

"Ayos lang naman. Sasama ako...." Tugon ko at napatingin sa gawi ni Leander.

Naglalaban ang ngisi at sungit sa mukha niya.

Inilapit niya ang mukha sa akin at bumulong. "I have planned already to kiss you all night because I'm leaving early tomorrow. Pero mukhang mauudlot iyon,Lucy" May kalándiang sabi nito.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now