40

359 1 0
                                    

CHAPTER 40
~~~~~~~
A/N: GOOD MORNING 🙂 HINDI SANA KAYO MABITIN^^
~~~~~~~

Wala pang alas-nuebe ay humiga na ako. Hindi ko na hinintay pa ang pagdating ni Leander dahil mukhang matatagalan pa siya roon. May pasok rin kasi ako bukas at ayokong ma-late. Pagod kong niyakap ang sariling unan at pilit na pinatulog ang sarili.

Nagising akong walang bakas ni Leander sa buong sulok ng kwarto. A gloom overcame me.

My phone rang.

"𝘎𝘰𝘰𝘥 𝘮𝘰𝘳𝘯𝘪𝘯𝘨! 𝘚𝘢𝘮𝘢 𝘬𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘯𝘪 𝘗-𝘱𝘪𝘦𝘳𝘤𝘦 𝘣𝘶𝘬𝘢𝘴." Bungad ni Zea.

"Saan punta?"

"𝘚𝘢 𝘛𝘢𝘨𝘢𝘺𝘵𝘢𝘺 𝘭𝘢𝘯𝘨..."

"Sige. Ngayon ba?"

"𝘞𝘰𝘸 𝘩𝘢. 𝘉𝘶𝘵𝘪 𝘴𝘢𝘯𝘢 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘱𝘢𝘺𝘢𝘨𝘢𝘯 𝘬𝘢 𝘯𝘪 𝘮𝘢𝘺𝘰𝘳." She laughed.

"Bakit? Ano ko ba siya?" May pait kong sabi.

"𝘈𝘬𝘢𝘭𝘢 𝘬𝘰 𝘣𝘢 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘮𝘰 𝘯𝘢?"

Bumangon ako sa higaan at inayos ang magulong buhok. "Anong oras at kailan ba?" Pag-iiba ko ng usapan.

"𝘔𝘢𝘮𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘭𝘢𝘴-𝘴𝘢𝘪𝘴 𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘴𝘢 𝘓𝘶𝘯𝘦𝘴 𝘯𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘶𝘶𝘸𝘪."

"Sunduin niyo nalang ako dito." Ani ko at ibinaba ang tawag.

I sighed and got my body up. Naligo ako bago bumaba para mag-almusal. Pero hindi ko inaasahan na makakarinig ng iilang halakhak papunta sa kusina. Bakit parang nauulit?

Tinatalian ni Leander ang mestizang babae na nasa video kahapon. She is Sean. She's so pretty incredible. Pinupuno ng hagikhik niya ang buong bahay. Tuwang-tuwa masyado si Leander sa kanya at hindi ako napansin na nakatayo lang malapit sa kanya.

"Naaalala mo pa ba 'to?" Tanong ni Leander matapos kunin ito sa bulsa niya.

Taka namang tiningnan ni Sean ang napakagandang singsing. It has a large diamond in the middle surrounded by small golds. Nawindang ang mga mata ni Sean habang kinukuha ang singsing at isinuot sa kanyang palasingsingan.

"Yes! Our first ring. Ibinigay mo 'to sa akin pagkatapos mong malaman na buntis ako that time. " She said enthuasiatically.

Lumambot ang mga mata ng lalaki at hinawakan ang namumulang pisngi niya.

Mabigat ang loob kong agad na napatalikod habang nanlalabo ang mga mata dahil sa pabagsak ng luha. My chest felt heavy,and I just realized that my feet were moving me away from that pain.

CHAPTER 40

Natulala akong napaupo sa hagdanan. Naglakad ako papasok ng school, hindi ko na inabala pa si kuya Tyl dahil hindi naman sa lahat ng oras dapat nasa comfort zone ako lagi. Mabuti nalang at may tira pa akong pera para sa pamasahe.

Hindi ko pinansin ang mga dumadaang estudyante.

They supposed to have a baby...

Did they lost it?

Kagat-labi akong nagpupumindot sa telepono. Ni hindi pa niya ata namalayan na wala na akong bahay? Samantalang dati parati niya akong tinetext. Pero ngayon? Ni isa wala akong natanggap.

Huminga ako ng malalim at napailing.

My face felt tightened. Siguro dahil sa mga natuyong luha.

HINDI MUNA AKO PUMASOK SA MGA CLASSES KO. Dumiretso ako sa lugar na hindi ko kabisado. Pinatay ko rin ang phone ko at tinanggalan ng baterya, nakausap ko si Zea kanina at ang sabi niya ay ala-sais pa kami aalis. Ala-una pa lang ng hapon.

"Pabili nga po sampung kwek-kwek." Inabutan naman ako ng tindero ng baso.

Tumusok ako ng sampo at nilagyan ng suka. Binayaran ko rin ito pagkatapos.

Marami akong nadaanang park at karinderya. May mga bata ring nakakabangga sa akin dahil sa labis na saya sa paglalaro. Namiss ko tuloy ang barkada ko sa Bicol, ganitong-ganito rin kami dati. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakangiti habang pinagmamasdan ang mga ito.

Hindi na ako bumili pa ng damit dahil nakapag-impake na ako kanina. Nasa bag ko na ang mga kakailanganin ko sa loob ng tatlong araw.

~~~~~~~

LEANDER'S POV

"WHAT!? Hindi siya pumasok?"

"Yes,Sir. Absent po siya sa lahat ng classes niya. Chineck din po namin ang cctv cameras at pumasok naman po siya sa university pero umuwi rin." I purposely bit my lip.

I sighed. Where the hell are you,Lucy. Babaliwin mo ba ako lalo?

Inis kong ibinaba ang tawag at niluwagan ang suot na neck tie. Hindi siya nagpahatid kay 02, hindi alam ni Zea kung nasaan siya ngayon at hindi ako makapagfocus sa trabaho dahil sa pag-aalala.

𝗔𝗿𝗲𝗹𝗹𝗮𝗻𝗼 𝗶𝘀 𝗰𝗮𝗹𝗹𝗶𝗻𝗴...

"What??" bungad ko.

"𝘏𝘰𝘸 𝘪𝘴 𝘴𝘩𝘦?"

Bumuntong-hininga ako. "She's not ready yet. Give me some more time." Tiim-bagang kong sabi.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now