EPILOGUE

542 6 0
                                    

EPILOUGE

LEANDER RENZ SAUNDERS POINT OF VIEW

MASAYANG NAGTATAKBUHAN ANG MGA BATA SA HARDIN. Si Luxunasia naman ay nasa tabi ko, naghahanda ng sandwich para sa mga bata. I jokingly removed the strap of her dress and I received a bad look.

"Magtigil ka nga, Leander! Kapag may nakakita sinasabi ko talaga sa 'yo." Pagalit na sabi niya kahit na napakahinhin ng boses niya.

I giggled. "Kahit isa lang?"

Masama niya akong tiningnan. Akala mo naman hindi niya gusto, mamaya ka lang sa 'kin. I smirked at myself, what an evíl.

Sinamahan ko siya sa pagbubuhat ng plato. Marami siyang dinala kahit ako lang din ang uubos mamaya. Palagi kasing pinapakain ng tatlong bata sa akin ang sandwiches nila pagkatapos nilang kagatan ng dalawa. Nabawasan tuloy ako ng abs, kaya wala nang ganang makipaglaro si Lucy sa akin eh.

:((

Seven years ago, ang daming nangyari sa relasyon namin. Sinubok ng alon ng pagkakataon ngunit naging masaya pa rin. Pitong taon na rin pala simula nang isilang ni Luxunasia ang panganay naming babae. Si Kassidy, Luschia Kassidy Alcuiz Saunders.

"Happy birthday, Kassidy!" Maligayang bati ni mama at niyakap pa ang maldita kong anak.

"Thank you wowa. Thank you lolo." Ngumiti si Kassidy sa kanila.

Lucy hugged me tight from my side. May ngiti sa labi niya habang pinapanood ang anak namin na hinihipan ang birthday cake niya. I kíssed her temple.

"Nagsisi ka ba na pinakasalan mo ko?" I asked.

She shook her head. "Hindi." I smiled genuinely.

"Ay oo rin pala! Hindi mo kasi ako tinitigilan gabi-gabi!" She giggled, nawala ang ngiti ko at nagkunwaring galit.

Mag-aatempt pa sana ako na magnakaw ng hálik kaya lang ay naunahan niya na ako. Tumakbo siya kaya lang ay pinigilan ako ng dalawa ko pang anak sa paghabol.

"Daddy!! Si Keilani kinain yung gelato!!" Reklamo ni Kaius.

Napangiwi ako sa ingay nilang dalawa. Lumapit si Lathan sa amin. Malaki na rin ang isang 'to at kadalasan siyang nandito sa forbes para sa mga pinsan niya. "Kaius, tigilan mo muna si Dada Leander—"

"Keilani ate my gelato!!"

Lumapit na rin si Lucy na nakakunot ang noo habang pinagmamasdan kaming nagkakagulo.

Ang bunso ko namang si Keilani ay papaiyak niya. Namumula ang ilong at mata niya nang makita na papalapit na si Lucy. "Daddy" Humagulhol si Keilani, nagpapaawa.

Wala akong nagawa dahil parang si Lucy din ang isang 'to.

Sumimangot si Kaius nang makitang binuhat ko ang kapatid niya. "She ate my gelato without my permission daddy. H'wag kang papaawa sa malungkot niyang mukha." Humalakhak si Theophilus nang marinig ang sinabi ng inaanak niya.

Binuhat niya si Kaius at kinurot ang pisngi. "Gagawan nalang ulit kita ng gelato. Gusto mo bang gawin kong ingredients si Keilani?" Mapaglarong sabi ni Theophilus.

Mas lalong humagulhol si Keilani na buhat-buhat ko. Binatukan naman ni Lucy si Theophilus at masama namin siyang tiningnan.

"Hi Zea!!" Maligayang bati ni Lucy sa kaibigan.

I high five River, magkasing-edad lang din sila ni Kassidy. Nakuwento sa akin ni Lucy na tinangka ni Pierce at Zea na ipaabórt ang batang 'to. Pero kung tinuloy nila ay baka wala akong problema dahil pinag-aagawan ni Kassidy at Keilani ang batang lalaking 'to.

Bumaba si Keilani sa akin at yumakap kay River. Napangiwi ako.

Zea and Luxunasia laughed at me.

"Huwag kang ganyan tumingin, Congressman. Hindi naman lugi ang bunso mo sa anak ko. Ang pogi kaya n'an." Zea uttered.

"Pakialam ko." I scoffed and brought my Keilani to me.

"Hindi naman sila ikakasal or what!" Pagrarason ni Zea.

Inirapan ko siya at muling hinawakan ang kamay ni Luxunasia. Nakapa ko ang wedding ring at engagement ring niya doon, my smile never faded away.

Tumakbo si River at Keilani papunta sa iba pang bata na nasa loob. Naroon si Lathan, Kassidy, Kaius,Future, River at Keilani. Pinapalibutan nila si Daphne na kabuwanan na ngayon.

"Hindi mo pa rin ba sasabihin kay Pierce na may anak kayo?" Narinig kong sabi Lucy.

Zea bit her lip and looked away. "Successful na siya ngayon. Baka hindi na niya ako naaalala. At isa pa... he never wanted a b-baby with me anyway" May pait na sabi ng babae.

Pierce was now a successful engineer. Ang alam ko ay marami siyang offer sa ibang bansa dahil nakakatrabaho ko siya ngayon sa isang establisyementong pinapatayo ko. Hindi ko lang alam kung bakit hindi pa siya lumilipad sa Amerika hanggang ngayon.

Tinapik-tapik ni Lucy ang balikat niya. "Well... ikaw ang bahala. Galingan mo sa pagtago ng anak mo. Baka traydurin tayo ng isang 'CONGRESSMAN' d'yan sa tabi-tabi. Kinuha pa naman niyang engineer si Pierce." Lucy rolled her eyes at me.

They both glared at me.

Wow. Traydor? Ako?

Pumasok kami sa loob. Si mama at papa at nasa iisang table kasama si papa Leander Alcuiz. Si Theophilus at Faust naman ay nasa tabi ni Sean at isang babaeng hindi ko pa kilala. Parehong nakapulupot ang braso nila sa mga babaeng 'yon. Nagkibit-balikat nalang ako at lumapit kila Daphne.

Nag-uusap-usap sila. Napangiwi ako nang makita si River na nakahawak kay Keilani. Pero mas ikinangiwi ko nang makita si Future na nakaakbay kay Kassidy. Jusko naman Lord.

Luschia Kassidy. Leandro Kaius. Luschia Keilani.

Nakuha nilang tatlo ang kulay ng mata ko. Ngunit kamukhang-kamukha ni Lucy si Kassidy at Kaius. Si Keilani naman ay pinagsamang features namin ni Lucy.

Akmang hihilahin ko ang dalawang babaeng anak ko ay narinig ko ang problemadong pagbuntong-hininga ni Kaius.

I looked at him confused. Nakasapo ang kamay niya sa noo habang pinagmamasdan ang tiyan ni Daphne.

"Bakit ang taba mo?" Walang prenong tanong ni Kaius.

Mukhang natrigger si Daphne sa narinig. Ngumiti pa rin siya at hinaplos ang buhok ni Kaius. "Kasi may baby sa tiyan ko." Malamlam na paliwanag niya.

Si Lathan naman ay natatawa kasama ng iilan pang bata.

Umusli ang labi ni Kaius. "Mabait ba siya?"

Daphne nodded enthusiatically. "Oo naman! Sobrang bait niya."

"Eh bakit mo kinain?!" Malakas na usal ni Kaius. Oh Gód.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now