Chapter 13

655 2 0
                                    

CHAPTER 13

MORNING SCENE~

Sa bahay muna ako ni Leander nakituloy upang magpalipas ng gabi. Hindi rin ako agad nakatulog dahil sa napanood kong video. Kasama si Gyra ang lalaking nasa gilid kagabi. Naka-evacuate siya ngunit hindi ko nakita si auntie. Nagtataka akong napatingin sa picture sa phone ko. Pinicturan ko kasi ang scene ni Miabella at Gyra.

Anong ginagawa ni Miabella doon??

*TOK TOK TOKK*

Bumalikwas ako sa kama at tumayo. Bumukas ang pinto at dinungaw ako ni Leander mula roon. Maliit ko siyang nginitian. Ang awkward dahil lalaki siya at babae ako.

May bitbit siya pagkain na nakalagay sa tray. Hot sandwich at avocado juice. May pancake rin na may maple syrup.

"Ganda ng ayos ng buhok mo ah." he said sweetly.

Ha? Kunot-noo kong tiningnan ang buhok ko.

Wala rin sa sariling napakamot ako sa ulo. "W-well..." Ganto talaga ako magising! Maganda!

"Sana naging buhok ka nalang."

My lips form a straight line while he is grinning like an idiot.

Kinagat ko ang sandwich mula sa mesa at inis siyang nilingon. Ang sarap.

"Ikaw, ang lakas ng séx appeal mo." puri ko sa kanya.

Plastik naman siyang ngumiti na mas kinairita ko. "Bakit, naaakit ka?"

Umiling ako. "Sa lakas ng séx appeal mo, mukha kang séx organ."

Iritado na namanniya akong tiningnan at kinagatan ang pancake na akala ko para sa akin. "Oh? Ba't mo 'ko tinitingnan ng masama?"

"Akala ko akin 'yan??Ba't mo kinain?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Allergic ka sa maple syrup." walang prenong saad niya.

Natigilan ako at pinagkatitigan siya.

Natigilan siya sa pag-nguya nang maalala na ang sinabi niya. He coughed. "Nabilaukan ako, hanap muna ako tubig." paalam niya pero hinablot ko agad ang kamay niya.

"How did you know?"

He averted my gaze and sat down beside me. "Well, I saw you in the dressing room, you didn't drink the maple juice because you were allergic and your auntie returned it back."paliwanag niya.

"You.... know me before you bought me?"

He sighed defeatly. "Uh yes." Napakamot siya sa ulo.

"So, ikaw yung bumili sa akin bago pa ako makalabas sa stage?"

H-he nodded.

Kumunot ang noo niya at matalim na tingnan ako. "Someone bought you after me?" tiim-bagang niya

I looked at him confused. But right after I want to ask, he burst in laughter.

"Just kidding. Namutla ka kanina. Kinaganda mo ba ang pagkakaroon ng secret admirer. Wala ka sa wáttpad hoy" natatawang bigkas niya.

Inis kong hinampas ang balikat niya at itinulak. I'm wearing white sleeves from HIS closet while he's wearing gray shirt with his white broad shorts. Inirapan ko ang tawang-tawang mukha ng gágong ito.

Lumapit siya sa akin at bumulong. " I can tell that you want me" Ngumisi siya ng nakakaloko.

"Yes,you're right. I want you to go away." asik ko.

Mas lalo siyang natuwa nang makita ang pinaghalong asar at inis sa mukha ko.

Iminuwestra niya ang pisngi sa akin dahilan kung bakit tainga niya ang nakaharap sa tapat ng labi ko. Nanindig ang balahibo ko sa pangungulit ng háyop na 'to.

"Please whisper those 3 little words that would make my day!"mapangalunya niyang sabi.

Gusto kong pingutin ang tainga niya kaya kinagat ko nalang iyon. Napaigik naman siya sa sakit at tuluyang lumayo sa akin. Binitawan ko ang tainga niya at tumalim ang titig niya sa kabuuan ko. Akala mo mag- i-I love you ako sa'yo!

"Go to héll." asar kong sagot at lumabas na ng kuwarto.

BINUHAY LANG BA SIYA NG DIYOS PARA PAKULUIN ANG DUGO KO!?

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now