58

339 1 0
                                    

CHAPTER 58

KANINA PA KAMI LAKAD NANG LAKAD SA HALLWAY NG HOSPITAL. Sinapo ko ang leeg ni Leander. "Nasusuka ka ba?" Nag-aalalang tanong ko, kunot-noo naman niya akong tiningnan.

"What were you thinking,Lucy? Walang lason yung perfume mo." Marahan niyang sabi.

Pinaupo naman niya ako sa tabi niya. Masyado na niya akong kilala, at ganoon din naman ako sa kanya. "It's not your fault, Doll." He said with a gentle voice and caress my right thigh. "Kasalanan 'yan ni Pierce." Aniya.

Taka ko namang nilingon si accla. Namumutla din ito kanina pa at malalim ang iniisip.

"Why? Did he poison her?"

"She's probably pregnant." Si Leander.

Mas lalong nawalan ng kulay ang mukha ni Pierce at napasapo sa kanyang noo. Nanlalaki naman ang mga mata ko sa narinig. Zea might be pregnant! Magiging ninang na ako!!

"Hindi pwede 'to..." Nanginginig na sabi ni Pierce.

What does he mean!?

Inis akong tumayo. Bakas ang takot sa mukha niya at magulo ang buhok. Siya ang nagbuhat kay Zea kanina papunta dito.

"What!? Hindi mo paninindigan si Zea?" Sarkastikong sabi ko.

Hinawakan naman ni Leander ang braso ko.

"Hindi mo naiintindihan, Lucy—"

"SO HINDI NGA?!" Napalakas na tono ng boses ko.

Napaiwas naman siya ng tingin. "Wala pa akong nararating sa buhay... kapag nalaman 'to ng mommy ni Zea...." Kinagat niya ang labi at napasabunot ulit sa buhok niya.

"So dahil doon natatakot ka?! Edi sana hindi mo ginalaw 'di ba!"

"HINDI MO NAIINTINDIHAN,LUCY!!"

"Suntukan nalang" Matigas na sabi ni Leander sa likod ko nang sigawan ako ni Pierce.

Napalunok ako at bumalik sa kinauupuan ko.

Sumunod naman si Leander. Hinintay namin ang paglabas ng doktor na nagchecheck sa kanya.

Bumukas ang pinto.

"Sino ang kasama ng pasyente?"

Pamilyar ah.

Umangat ang tingin ko at nagulat nang makita si Faust na nakasuot ng lab coat at stethoscope sa kanyang leeg. Gulat din siyang napatingin sa amin ni Leander.

"Wow. Long time no see." Aniya nito.

Bebeso sana siya kaya lang ay humarang ang kamay ni Leander sa balikat niya palayo sa akin. I chuckled. Seryosong-seryoso ang mukha ni Leander habang sinisipat ng tingin ang mapaglarong mukha ni Faust.

"Sino ang boyfriend? Asawa?" Lumapit si Pierce.

"Gusto niyo bang sumama? Gising na ang pasyente." Sumunod kami sa kanila sa loob.

Nakita namin si Zea na nakahiga sa hospital bed. Medyo may kulay na pero walang sigla ang mukha. Dumiretso muna kami sa opisina ng doktor. Hindi ko inaasahan na doktor pala siya, akala ko CEO lang grabe.

"By the blood test, patient 402 Azalea Cordero is 12 weeks pregnant. Congratulations, Mr. Raphelius." Pinal na sabi nito.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now