26

413 3 0
                                    

CHAPTER 26

Inabot ni Miabella ang plastík ng tatlong turon kay Zea. Pinasadahan ko ng tingin ang babae at naramdaman niya ang pagtitig ko. Taka niya akong tiningnan. "Bibili ka rin ng turon?" tanong nito na parang hindi ako kilala.

Narinig ko ang pagtayo ni Zea sa harap ko. "May pupuntahan lang ako."

Hindi ko siya pinansin at hinayaan nalang dahil gusto kong makausap si Miabella.

Aalis na sana ito sa harap ko kaya hinablot ko siya papunta sa walang katao-taong bahagi ng canteen. Nagpupumiglas siya sa hawak ko pero mahigpit ang kapit ko. "A-ano ba 'yon, Aquino." tawag niya sa apilyedo ko.

Binitawan ko siya. She looked confused.

"May kailangan ka—-"

"Saan ka nagtatrabaho?"ani ko.

Mas lalo siyang nagtaka sa sinabi ko. Matapos ay namutla sa hindi ko alam na dahilan. Nagtangka siyang umalis pero agad ko siyang pinigilan. Padabog niyang binawi ang kamay niya at galit na tumingin sa akin.

"Wala akong alam sa sinasabi mo."

Inabot ko ang braso niya at mahigpit na hinawakan siya. "Pinasusundan ba ako ni Struther sa 'yo?"matapang na tanong ko pero hindi niya makuha iyon.

~~~~~~~~~

LEANDER'S POV

I am here at city hall. Checking the documents and signing some expences of SP again. Isa-isa ko ring chinecheck ang pagawaan at ang team ko dahil sa darating na eleksyon. I'm running for mayor because this is what I want before I met her.

Pero ngayon... nakakadalawang-isip dahil mataas ang posibilidad na mapahamak si Lucy.

"Uh sir, nagkaroon po ng deperensya sa dalawang printer kaya mabagal ang pagproduce ng mga damit, tarpaulin at calendars." bungad ng co-op.

"Dapat sinabi niyo agad. Kailan pa ba nasira?"

"Kagabi lang po."

Sinenyasan ko si Arturo na magmanage sa problemang iyon. Marami nang nagawang merchandise pero hindi sasapat iyon. Napabuntung-hininga nalang ako.

MY PHONE RANG. Sinagot ko iyon dahil si 02 ang tumatawag, siya ang nagbabantay kay Lucy habang nasa eskwelahan ito.

"Lucy is with Struther's  personnel." Nagpantig ang tainga ko sa narinig.

Lumayo ako sa mga trabahador at pumunta sa kotse ko. "What? Bantayan niyo ng maigi si Lucy, papunta na ako d'yan. Text me immediately when Struther comes."sagot ko at ibinaba ang tawag.

Nagmaneho ako papunta sa La Salle.

~~~~~~

Agad akong bumaba ng sasakyan nang makita si 02 na sumenyas. Pumunta ako sa cafeteria at nakita si Lucy doon habang hawak-hawak ang braso ni Miabella. Tsk, this girl is so stubborn. Pinagsabihan ko na nga na layuan pero siya pa mismo ang lumapit.

Napatiim-bagang ako nang pumasok din si Struther sa kabilang pintuan. We glared to each other,raging in heat.

Pasalamat ka talaga at nakatakas ka sa Truthella. Dahil kung hindi, babaliin ko ang batas para ako mismo ang magparusa sa 'yo.

Naglakad ako papalapit sa dalawang babae at unang beses kong nakita ang taranta sa mukha ni Struther. Naglakad din siya palapit kay Lucy, nagtagis ang panga ko. Matalim niya akong pinapanood habang papalapit kami sa isa't isa.

"L-leander?"

"S-struther."

I possessively grabbed Lucy's waist closer to me. Ganoon din ang ginawa ni Struther habang hindi nawawala ang tensyon sa pagitan namin.

"Anong ginagawa mo dito, b-baka kung anong mangyari sa 'yo." alalang sabi ni Miabella sa kanya.

Napatingin ako sa dalaga. I smirked.

Hindi na ako nagulat nang hapitin ni Struther ang babae para maitago sa dibdib niya. Now do you know the fear that something will happen to the woman you want to take care of?

"Wow." humahangang tono ni Lucy habang nakangangang nakatingin sa karibal ko.

Inis akong napabalikwas ng tingin sa kanya at isinubsob din siya sa dibdib ko. Oh héll.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now