Chapter 3

867 8 0
                                    

2 DAYS LATER~

Nakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan si Pierce na inuuto ng bago niyang boylet. Si Zea naman ay natatawa dahil sa pilit na ngiti ng bago nitong lalaki habang sinusubuan ni Pierce.

"Tara,gutom ka pa ba?" tanong ni Pierce, agad na umiling ang lalaki.

Pabiro niyang hinampas ng mahina ang boylet niya. "Ano ka ba, wag ka nang mahiya. Kung gutom ka pa sabihin mo lang, bubusugin kita agad ng pagmamahal ko." May harot niyang sabi.

Umaktong nasusuka si Zea sa narinig at ganoon din ako. Mahina kong sinápak si Pierce.

"What?"

" 'Wag nga kayong PDA." inismiran niya ako.

Hinarap niya ang sarili sa akin at nginuya ang burger niya. We're in the same class, simula nang nag-aral ako ay sila ni Zea at Rise ang naging kaibigan ko. Kaya lang nag-migrate ang pamilya ni Rise at sa chat nalang kami mostly nagkakausap.

"Si Zea may Isaiah, ako may boylet na... tapos ikaw si Lucy ka pa rin."aniya.

Magsasalita na sana ako kaya lang laking gulat ko nang maglabas ng mga relo si Zea na binili namin kanina sa palengke. Taka kaming nagkatinginan ni Pierce.

"NAGBEBENTA PO AKO NG RELO, PM NALANG SA MAY GUSTO NG ORAS KO." Palengkera niyang sigaw.

Nadako ang tingin namin kay Isaiah na kadarating lang. Kaya naman pala.

Pierce rolled his eyes and entertained his boylet again.

Dinaanan lang si Zea ng ex niya. Bumagsak ang balikat ng kaibigan ko pero alam kong hindi siya susuko.

"MAHALIN NIYO NAMAN AKO KAHIT BIRO LANG. AKO NANG BAHALA SUMERYOSO OH."saad niya.

Hinila ko siya. "Hoy anong ginagawa mo??"

"Hinahanap siya ni mommy sa akin!" desperada niyang sabi at tuluyan nang lumapit sa lalaki.

Napaface-palm ako. Sa kinahaba-haba ng advice ko sa kanya noon, masasayang dahil sa 'hinahanap si Isaiah ng mommy niya'.

"Hey wanna grow old together?" bati niya.

Tumaas ang kilay ni Isaiah. "Actually i'm planning on dying young." tamad ngunit bara niyang sabi habang pinaglalaruan ang keychain sa kamay niya.

Bumagsak ang panga ni Zea sa lupa. Hindi siya pinansin ni Isaiah at naglakad papalayo sa amin.

Natatawa akong lumapit sa kaibigan kong wala na ngang syota,nabobroken pa. Nagpaalam na ako sa kanilang umalis dahil hindi pa ako naghahapunan at gabi na rin kasi. Nakatulala lang si Zea. Gusto ko pa sana siyang bungangaan kaya lang anong magagawa ko sa karupukan n'on.

Bebeso na sana ako sa kanya nang bigla siyang humagulhol.

I looked at Pierce at the moment. Nagkibit-balikat siya at tinapik ang boylet niya. Umalis ito at iniwan na kaming tatlo. Ibinaba ko ang bag ko at tumabi sa tabi ni Zea.

Patuloy lang siya sa pag-iyak. Si Pierce naman ay sinusuklay ang buhok ni Zea habang minumurá ng palihim si Isaiah.

"Ang dali-dali niya a-akong napaikot..."

"Ang s-sakit-sakit pa rin Lucy, Pierce. Limang buwan lang naman k-kami pero bakit isang taon na akong nagluluksa sa pag-iwan niya s-sa akin??" dugtong niya.

"Bakit? Saan ba dapat kayo papunta?" At doon ako nakauwi nang may pasá  sa kanilang dalawa.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now