CHAPTER 6

702 4 0
                                    

CHAPTER 6

Ipinasuot ni ate Fiona sa akin ang isang dress. Or gown!?. Namangha ako sa ganda nito. Habang isinusuot sa akin 'yon at feeling ko sagrado ako. Kahit alam ko naman na kapag binili ako, iba na ang magiging pagtingin ko sa sarili ko.

Hindi sapat ang kinikita ko sa café na pinagtatrabahuan ko. Hindi rin sapat ang live selling dahil wala na akong paninda na maibebenta. Pero itong event na 'to, sapat o baka sosobra pa. Huminga ako ng malalim.

Ayokong manghingi ng pera kay lolo. Dahil baka alamin niya kung ano ba talagang kondisyon ko dito.

KUNG BAKIT BA KASI DOON PA LUMABAS ANG SINDÍKATONG 'YON! Nakatakip kasi ang babasaging painting ni tita sa bintana. OO BINTANA! HINDI KO ALAM KUNG MAGKANO ANG PAINTING NA IYON AT KUNG BAKIT SA SALAMIN PA NG KUSINA KINAKAILANGANG I-FRAME.

Saglit kong naalala ang mukha ng lalaking 'yon. He entered my heart with grace and elegance. Joke. Ang magandang hugis ng labi na na tinernuhan ng magandang kulay ang nagpapaexcite sa akin. Ano kayang feeling kapag nakalapat iyon sa leeg ko.

"May boyfriend ka na?"

Napabalikwas ako sa itinanong niya. Nahihiya akong umiling, baka isipin niya ang ganda-ganda ko tapos hindi pa rin nadiligan. She made a face. "Weh? Eh bakit ang ganda ngiti mo?"

"Huh?" Taka akong napatingin sa kaharap kong salamin.

Doon ko napagtanto na kanina pa pala may sumisilay na ngiti. Nag-init ang pisngi ko at napaiwas ng tingin.

"Ikaw ha... pero hindi naman sa nanghihimasok ako ah. Alam ba ng boyfriend mo na nandito ka?" maingat niyang sabi.

Luh.

"Hindi po" agad kong sabi.

Malungkot niya akong tiningnan. "Pinilit ka ba ni Doliara dito? Gusto mo itakas kita?"

Nagulat ako sa seryoso niyang pagkakabigkas. Hindi niya ata ako naiintindihan.

Ngumiti ako bago sumagot. "Wala po akong boyfriend." maliit na tinig kong sabi.

Tumango-tango siya at itinaas na ang zipper sa may balakang ko. "Maraming bachelors na sumasali tuwing Diamond Aúction. For sure matitipuhan ka ng mga 'yon."

Hindi ko gaanong inintindi ang sinabi niya. Inapply niya ang red lipstick sa akin at lip gloss bilang top coat. "You really look seductive tonight! Buti hindi ka katulad ni Gyra. Wala na ngang talent, wala pang utak. Joke lang ata buhay no'n." pangd-dog show nito sa pinsan ko.

~~~~~~~~~~~~~~~

"Hello ladies and gentlemen. The Diamond Auction will soon begin in just five seconds. It is another honor for me to host this prestigious event in the famous Truthella. Good evening, Lord Struther Darragon I know you're just there in the VIP room watching. By the way, I am Deon Revellano, your host."panimula ng lalaki sa entablado.

Nasa likuran kaming lahat at abala sa pag-aayos. Lahat sila ay nakapulang dress, matalim namang sinisiyasat ni Gyra ang suot ko. At bumaliktad ang mundo nang ngumiti si Auntie Dolly sa akin habang ang anak niyang babae ay galit na nakatingin.

"Akala ko kinakailangan pa na isang linggo kang nandito. Pero mukhang isang gabi pa lang, tiba-tiba na ang wallet ko." aniya na ikinalito ko.

What does she mean? Hindi pa ako lumalabas,may nakabili na sa akin?!

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now