31

390 4 0
                                    

CHAPTER 31

DUMAAN ANG ILANG LINGGO,NANATILING MANLILIGAW SI LEANDER SA AKIN. Kahit na gabing-gabi ay umuuwi pa rin siya galing sa city hall. Malapit na rin ang eleksyon, halos mamatáy siya sa pagod sa pangangampanya at pag-aasikaso sa bagong ginagawang proyekto.

"Gusto mo?" tanong ko kay Zea nang kumagat siya sa binili kong buttercream,agad naman siyang tumango.

"Bumili ka sa tindahan."

Hinampas niya ako at inismiran. "Kapag ikaw talaga iniwan ni Leander, pagtatawanan kita."

"Ikaw ang magiging katawa-tawa dahil hindi ako iiwan no'n" supladang sagot ko.

Natatawang napahampas siya sa balikat ko.

Nakita ko ang padaan ni Isaiah sa gawi namin at binati pa siya ni Zea. Okay na sila ngayon pero nagtataka pa rin ako sa bilis nitong magmove on ngayon. Madalas ko rin silang nahuhuli ni Pierce na nagcu-cutting pero hindi ko iyon masabi-sabi dahil halata naman na kung ano ang mayron sa kanila. Akala siguro ng babaeng 'to hindi ko alam, at wala rin siyang balak sabihin sa akin iyon!!

Ngumingiti akong inaasar si Zea at kinuha mula sa upuan ang bulaklak na ibinigay ni Leander sa akin kanina. Siya ang naghahatid-sundo sa akin araw-araw. At lagi-lagi rin kaming may ginagawa bago bumaba ng kotse.

Pinainggitan ko siya ng hawak ko at umasim naman ang mukha niya.

"Hindi mo ikagaganda ang paghawak ng flowers na 'yan! Mukha kang tindera!" Asik niya na mas ikinatawa ko.

Kumuha siya ng isang piraso at itinabi para sa kanya.

Hindi ko napansing nakalapit na pala si Pierce sa amin. Tumabi siya sa kay Zea na parang wala lang. Tángina ng mga 'to, akala ko ba trio tayo dito. Ba't nagjowaan kayo??

"Kanino galing 'yan?" Maarteng tanong ni Pierce kay Zea.

Ganoon pa rin naman siya. Nagmemake-up at nagsusuot ng damit ayon sa puso niya. Masaya ako dahil iyon naman talaga ang gusto ni Pierce. Hindi alam ng tatay niya ang tungkol sa 'gusto' niyang ito, at masaya ako dahil hindi siya 'nagpakalalaki' para sa relasyon nila Zea. Hindi ba ganoon naman dapat?

"Kay Leander."

Hinablot ni Pierce ang bulaklak na ikinainis ni Zea. "Ano ba Pierce! Kahit kailan mo ikagaganda ang pagiging inggitera." aniya.

Nag-agawan pa sila sa bulaklak at napatayo. Umabot sila hanggang sa barrier dahilan ng pagkahulog nito. Malakas na sinúntok ni Zea ang ilong ni Pierce. Hindi ko alam kung arte ba nila iyon o natural lang sa relasyon nila.

"Hindi mo ikagaganda 'yang pamumutángína mo!!" Galit na sabi ni Zea at humahangos na lumapit sa akin.

Napapalunok namang sumunod si Pierce na parang wala na sa sarili. I guess, i'm out of this story?

Hindi ko na nakikita si Gyra dito dahil sa pagkakarinig ko, nagtransfer na siya. Hindi manlang ako nakapagpaalam kay kuya Gio at Gun. Noong kinuha ko ang alkansya sa Tondo ay wala na ang iba nilang gamit doon. Si Uncle lang ang nakita ko at galit pa sa akin.

~~~~~~~

I entered the house and walked into the dining room. I immediately saw the figure of Daphne cooking.

"Oh nakauwi ka na pala. Uuwi na rin ako pagkatapos nito. Dinalhan ko na rin si Larence nito kanina."

Palagi siyang ganoon. Araw-araw. Gustung-gusto kong gawin kay Leander ang ginagawa niya pero hindi naman niya ako pinagbibigyan. Kaunti na nga lang ay maiisipan ko nang gusto niya ang kapatid ng asawa niya.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now