Chapter 22

432 1 0
                                    

CHAPTER 22

"Who is she,Larence?" hilaw na ngiti niya habang sinisipat ako.

Lumingon naman si Leander sa akin. "She's Lucy. I thought pumunta ka dito kanina? Hindi mo siya nakita?" he said confused.

Binuhat ni Leander ang batang si Lathan na nakatingin sa akin kanina pa. Halatang-halata ang pagkakahawig nila. From gray eyes to aura. Napalunok ako. Ano ba 'tong pinasukan ko. Bakit ba nakalimutan kong may anak na 'tong gusto ko?

I unconciously stepped back. Ayokong makasira ng pamilya.

"Lucy?Saan ka pupunta?"Umalingawngaw ang tanong ni Leander sa tainga ko.

Dumulas ang tingin ko sa babaeng winalis ko kanina. Ngumisi siya sa akin at lumapit papunta sa tabi ni Leander. They look a perfect together. "Lathan,anak. May kakausapin pa si Dada kaya kay mommy ka muna okay?" malambing niya sabi at kinuha ang batang lalaki na parang mini-me ni Leander.

Leander sweetly smiled at her. The way they look at each other... it's full of affection. Malamang Lucy, kita mo naman ang resulta ng affection na iyon diba? Niligtas mo pa nga sa kidnapper.

Akmang lalapit si Leander sa akin. "Parang sumakit ang ulo ko. Magpapahinga muna ako sa taas. Masyado ata akong nababad sa pagc-cellphone." pagrarason ko.

Tuluyan siyang lumapit sa akin at sinapo ang leeg ko. "Masakit ba talaga?"malambing niyang sabi,tumango ako.

Bumuntong-hininga siya at hinawakan ang kamay ko. Bakit ba ang lambing-lambing niya ngayon? 'Wag kang gan'yan! Mas lalo akong nahuhulog at hindi pwede iyon. Tiningnan ko ang babae at masama ang tingin no'n sa akin.

Nakakahiya. Ang kápal ng mukha kong walisin siya sa bahay ng ama ng anak niya samantalang wala naman pala akong karapatan.

Bumitaw ako sa kamay niya at umakyat ulit sa itaas.

Narinig ko pa ang pagtawag niya kaya lang ay tinawag din siya ng babae. "Larence,hayaan mo muna. Baka pagod lang."she said affectionately.

Nakaramdam ako ng hapdi sa dibdib dahil sa nangyayari. Larence... she maybe made that nickname for him. Siguro sobrang close na nila ang isa't-isa. Natawa ako sa isip. Yeah. They were close enough to have a baby.

Mapait kong sinarado ang pintuan ng kwarto at hinubad ang kwintas na isinuot niya sa akin.

Nananakit ang dibdib ko na napasubsob sa table. Hindi ko naramdaman na umiiyak na pala ako.

"The héll,Lucy. Wala kang dapat iyakan."puna ko sa sarili sa tapat ng salamin.

Pinunasan ko ito pero nagtutuluan pa rin.

"Akalako ba gusto mo lang siya? Hindi ba gusto mo rin naman siyang sumaya? Umalis ka na r-rito,hindi ka naman niya kailangan."

"Tama ka. Wala ka namang kwenta."boses ng isang babae.

Bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang nanay ni Lathan. Plastic itong ngumisi sa akin. "What a coincidence. 'UGLY' starts with 'U' " Mapanuyang sabi niya at ini-lock ang pinto.

"Anong ginagawa mo dito?"nangangatal kong sabi.

"Bakit natatakot ka? Tingin mo gagawa ako ng krímen para lang sa isang past time na tulad mo?"insulto nito.

Past-time? Parang bumaluktot ang sikmura ko sa mangyayari.

Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng kwarto. "So dito ka na natutulog sa kwarto niya?" Natatawang sabi niya habang may pait sa mga mata.

"Alam mo... sa lahat ng malalánding nakilala ko. Ikaw lang ang pinakamagandang nagdala. Kung pera lang ang habol mo" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Umalis ka nalang. Nandito ako para sabihin sa 'yo na wala ka rin namang maaasahan dito. Lalo na kung yung nilalándi mo, may hinihintay na iba habang pinaglalaruan ka." Nanghina ako sa sinámpal niyang mga salita.

Under the Mayor's Possession Where stories live. Discover now