Chapter 1

159K 2.9K 274
                                    

LUCY


It's already past 12 noon but the rain is still pouring heavily. Ilang linggo na rin ang lumipas simula nang magkaroon ng bagyo at wala man lang nag suspende ng pasok. Tingin yata nila samin mga sirena, water proof.

Napatingin ako sa buong classroom. Ako pa lang ang nandito.

"Mukhang wala yatang papasok ah." bulong ko sa sarili.

Muli akong tumingin sa bintana. Makulimlim ang ulap  tila walang balak na tumitigil ang malakas na pag buhos ng ulan. Rinig na rinig ang bawat malalakas na pag patak sa yerong bubong ng bawat building. Umihip ang malakas na hangin at tinangay nito ang mga maliliit na sanga at dahon ng mga naglalakihang puno.

Huminga ako ng malalim at binaling ang tingin ko sa cellphone ko na biglang umilaw.

Otw – Annya.

Napailing nalang ako sa message niya, scam. Napalingon ako sa pintuan nang pumasok si Miss Bloom na nasa late 50's na. Her red lipstick, thick foundation, pink blush on, and thick eyeglasses always catches my attention.

"Where are the others?" she asked in a high pitch tone voice.

"Wala pa po." napatingin siya sa wall clock na nasa dulo ng classroom at bumakas sa mukha niya ang pag kairita.

"It's already 12:20!" sigaw niya at tumingin sakin. Bakit parang kasalanan ko?

"Maam it's raining." sabi ko. Given na siguro sa studyante ang malate lalo na at may bagyo.

"Eh bakit ako di na late?!" mataray niyang tanong. Bakit ba ako ang tinatanong mo? Hindi lahat ng tao pare-pareho ang pinagdadaanang daaanan papunta dito sa paaralan. 

Instead na sumagot ay ngumiti nalang ko.

"Pagbalik ko dito after 15 minutes at wala pa ang buong klase, I'll mark you all as absent even you Ms. Sandoval." sabi niya while pointing her red pen at me bago lumabas ng classroom leaving a loud bam on the door.

Napakamot nalang ako sa leeg, kinuha ang cellphone at pumunta sa group chat ng klase na kung saan lahat ng kaklase ko ay online at lahat nag tatanong kung "nandyan na ba si maam".

"Hello my dear Lucy!" sigaw ng isang babaeng nakatayo sa pintuan habang tumutulo ang mga butil ng tubig mula sa payong at kapote niya. She's smiling from ear to ear while raising her both arms in mid-air. Taliwas ang reaksyon niya sa mga stuyanteng hindi magkamayaw sa pagtakbo papunta sa kani-kanilang mga klase.

"You look happy." komento ko, she dramatically rolled her eyes and walk inside the classroom.

"I'm always happy."

"And you're late."

"I'm always late so what's new." sabi niya at binuksan ang payong saka inilagay sa dulo ng classroom para patuyuin ito.

"Lunes na lunes pang biyernes santo yang mukha mo." komento niya sakin. Inilagay niya muna ang pink niyang backpack sa kanyang pwesto saka umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko.

"Umuulan." maikli kong sagot.

"Alam ko. Everyone knows." pambabara niya, napairap nalang ako.

"Akala ko pa naman binuisit ka ng favorite enemy mo." napairap ulit ako sa sinabi niya pero tinawanan lang ako ng bruha at tumingin sa labas ng bintana.

"What's with you and the rain? You're always gloomy when it's raining."

"Hassle kasi."

"Oh well." saad niya at pinagmasdan ang mga dahon ng kahoy na tinatangay ng hangin.

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon