Chapter 20

37.5K 1K 84
                                    


LUCY

Time passed really fast. Hindi ko na namalayan ang pagtakbo ng panahon. Una ay oras, araw hanggang sa naging buwan. Nakatayo lang ako sa may pintuan habang pinapanood sila Annya na masayang nakikipag kwentuhan kila Dara. Si Tiffany ay na nakayukyok lang sa mesa niya hindi nakikisali sa tawanan nila Annya at sa gang ni Dara, si Eveyth naman nakaupo sa upuan ko habang pabebeng tumatawa kasama ni Marru.

Sabi nila bumibilis ang takbo ng oras pag masaya ka but in my case.... baliktad. I am not happy nor sad, I'm fucking pissed. Pakiramdam ko napalitan ako. Pinagmasdan ko si Eveyth na nakaupo sa pwesto ko, galeng pati upuan ko inagaw.

Sa loob din ng halos dalawang ay buwan parating magkasama si Marru and Eveyth. Marru always tried to approach and talk to me pero parating may Eveyth na umi-epal, lagi siyang nakasunod kay Marru like what the fuck, wala ba siyang sariling buhay?

Naramdaman ko ang presensya ng taong tumabi sakin. Nilingon ko ito at nakita ko si Juluis ang bakla kong kaklase na nakataas ang kilay na pinagmamasdan sila Marru at Eveyth.

"Alam mo gurl sabihin mo lang kung gusto mo ng ipatumba yang si Eveyth, willing kang tulungan ng buong section." sabi niya sakin na hindi parin inaalis ang tingin kila Eveyth at Marru. Napaismid naman ako at nilingon ulit sila Eveyth.

Napaigtad naman ako nang may umakbay sakin.

"Susugurin na ba natin si taong dagta?" maangas na tanong ni Chaerin sakin habang ngumunguya ng bubble gum.

I and Chaerin together with Tiffany started became close simula noong nag usap kami sa comfort room months ago. We share the same dislikes about Dara's gang— Mayka, Aaron and Eveyth kaya naging close kaming tatlo. Pare-pareho lang naming pinapakisamahan ang grupo nila Dara na close na close na ngayon sila Annya. Hindi ko alam kung anong nakita nila Annya sakanila na hindi namin makita because clearly ginagamit lang sila nila Dara para sa kasikatan at koneksyon, hindi ko alam kung bakit hindi yun makita nila Aanya.

They're just using them, nahalata ko yun 1 week after ko sila makilala. They are enjoying the fame, connection and attention na binibigay ng mga studyante sakanila just because they are friends with the royalties. Minsan ko nang nakita sila Mayka na ginagamit ang pangalan nila Annya para makuha ang gusto nila and that's foul for me. Sinabi ko yun kila Annya pero they just shrugged it off.

I heard someone from our back inhaled sharply na para bang nagpipigil ng galit. Bago ko pa ito lingunin ay binati na siya ni Juluis.

"Oy Mirko!" bati niya kay Mirko na may mapang asar na ngiti. Chaerin whistled while she eyed Mirko from head to toe.

"Pogi natin ah." pang aasar niya, tumabi samin si Mirko samin kaya tuluyan na naming naharangan ang daanan sa pintuan.

"Nako kahit anong pag papa impress mo kay Annya, na kay Aaron na puso niya." pang aasar ko.

The tension between Aaron and Mirko tighten, lalo na at mas lalong naging close si Aaron at Annya. Minsan naisip namin nila Tiffany na i-recruit si Mirko sa transferees hate club namin kaso si kay Aaron lang kumukulo ang dugo niya samantalang kaming tatlo ni Chaerin at Tiffany ay sa lahat ng kasama ni Chaerin lumipat sa section namin.

Tinapunan ko ng tingin si Annya na nakikipagtawanan na kay Aaron bago lingunin si Mirko na madilim ang mukhang nakatingin sa gawi ng kaibigan ko. Kupad kasi eh. Mas makintab pa sa malapad na noo ni Chaerin na may gusto si Mirko kay Annya, ang kaso si koya torpe kaya ayan naunahan ng bagong salta.

"Para kang si Lucy." nawala ang ngisi ko sa sinabi ni Julius, napatingin ako sa kanya.

"Parehong inagawan ng taong nyebe." dugtong pa niya. Lumayo ako sa pagkakaakbay ni Chaerin sakin at dinagukan si Juluis na sinundan din ng malakas na pagbatok ni Mirko sakanya. Maarteng napaaray si Juluis habang nakahawak sa batok at ulo niya.

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon