Chapter 26

30.9K 1K 24
                                    


LUCY

Nginitian ako ni Chaerin na nag aabang sakin sa labas ng office ni Ms. Bianca. Binigyan niya ako ng isang mapang asar na ngiti.

"Ano na kick out ka na?" pang aasar niya. Inirapan ko lang siya at nagsimula ng maglakad.

"Tagal mo dun sa loob ah, isang oras mahigit din." natatawa niyang sabi habang naglalakad katabi ko.

5 hours after kong tumambay sa library ay pinatawag ako sa Headmistress office, I already see it coming. What I did was a major offense, I almost killed the pretend Marru Hasherine. Sobrang sermon ang natanggap ko mula kay Ms. Bianca, halos maputol na ang mga ugat niya sa leeg dahil sa galit niya sakin. It's my fault and I wholeheartedly accept her outburst.

Lola Sol was right I should be careful with my decisions. Pero buo parin ang desisyon at plano ko sa pag labag ng batas ng dalawang lupain. I even sneaked out the book. I hid it with my summoning power, lalabas lang ito pag gusto ko.

Lola Sol gave me permission to borrow books from the library, so I did. Hindi naman niya sinabi na maliban sa mga libro ng restricted area eh. So I borrowed it, I didn't sneak out the book.

Yeah right Lucy, ibang libro ang nilagay mo sa record nila.

Pakiramdam ko yata pinanganak ako para lumabag sa batas eh.

Huminto kami ni Chaerin sa paglalakad nang makita namin sila Eos at Eya na naglalakad papunta sa direksyon namin.

"Wazzap Lucy!" mapang asar na bati ni Eos sakin, inakbayan naman niya ako at iginaya sa paglalakad papunta sa opposite direction na tinatahak namin ni Chaerin.

"Mukhang magiging suki ka na namin ah." natatawang sabi ni Eya sakin habang katabing nalakakad si Chaerin.

Eos and Eya are the twins from the disciplinary student council at head sila ng nasabing council at ka-klase ko rin sila.

"First offense yung sa ginawa mo kay Eveyth kaya sermon lang inabot mo and also pinagtanggol ka rin namin noon kaya walang disciplinary action na naganap but this time, hindi na pwedeng i-daan sa sermon." saad ni Eos habang pababa kami ng building.

"We understand where your galit came from but you went overboard this time sissy." sabi pa ni Eya na parang may pinapahiwatig sakin.

I sighed.

"Yeah I know." I flatly said. Handa akong tanggapin ang parusang nakaatang sakin, I acknowledge my mistakes, hinahanap ko ang guilt sa sarili ko pero wala akong makapa.

Pinagsisihan ko ang ginawa ko hindi dahil sa guilty ako kundi dahil sa parusang mararanasan ko ngayon minutes away from now.

That imposter deserves it actually, mas malala pa sa treason ang ginagawa niya. He's pretending to be Marru, hindi siya mag papanggap kung wala siyang plano. That shit of a guy is the one should be punish but then again, naiintindihan ko ang sitwasyon ko. Lahat sila naniniwala sa impostor na Marru na muntik ng mamatay dahil sakin. Ano ba agad ang una nilang maisip na gawin sa nangyari? Edi parusahan ang may sala which is ako.

"This is not just a simple major-slash-serious offense so asahan mo mabigat na parusa sayo." marahang sabi ni Eos na para bang iniingatan ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.

We stopped in front of the double door located in the ground floor, nasa pinakasulok-sulukan ito ng buong floor kaya hindi madaling hanapin kaya walang masyadong studyante. Bumitaw na sa pag kaka akbay sakin si Eos.

Eya opened the door at sinalubong kami ng isang passage way papunta sa isang tagong lugar ng Academy, tanging mga sulo na nakadikit sa pader ang nagsisilbing ilaw sa buong pasilyong gawa sa bato at semento.

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon