Chapter 54

37.3K 1K 160
                                    


"Paparating na magmadali ka!"

"Sila Ivo nasaan na ngayon?"

"Nagkausap na kami kaninang madaling araw, makikipagtagpo tayo sa kanila sa gubat malapit sa bayan."

Mabilis na isinilid ni Skitt ang kanyang mga lumang damit sa bagaheng gawa sa abaniko. Nagmamadli ang mga kilos nila ng kanyang asawa na parang may humahabol sa kanila.

"Halika ka na!" nagmamadaling saad ng kanyang asawa. Mabilis niyang binitbit ang mga gamit at patakbong lumabas sa kanilang kubo. Malamig ang simoy ng hangin na sinasabayan ng marahang hampas ng alon sa dalampasigan. Walang ingay na maririnig kundi ang mga nadmamadali lang nilang mga yapak, ang sipol ng hangin at ang alon ng karagatan.

Tanging liwanag na nagmumula sa buwan ang nagsisilbi nilang liwanag sa madilim na daang na kanilang tinatahak.

Kung gaano ka kalmado ang paligid ay siya namang kabaliktaran ng kanilang mga nararamdaman. Ang kabog ng puso niya ay di mapigil, kabado sa bawat hakbang na ginagawa, takot na takot na baka ito na ang huling araw nila ng kanyang asawa.

Bakit ba nangyayari sa kanila ito? Bakit ba kailangan nilang danasin ang buhay na ganito? Tumatakbo at nagtatago na tila walang katapusan. Tinataguan ang dalawang taong gustong pagtangkaan ang buhay sa hindi malamang dahilan.

Halos anim na taon na silang ganito. Anim na taong tumatakbo, nagtatago, paulit-ulit. Hindi lang ang dalawang taong tinatakbuhan nila ngayon ang kanilang pinagtataguan, kundi pati na rin ang mga tao sa paligid nila. Ingat at tinatago ang kanilang totoong anyo dahil naiiba sila sa lahat. Sila ay nagtataglay ng mahika at kapangyarihan at pag ito ay nalaman ng lahat ay ito ang kanilang magiging katapusan.

Taong labingwalo't apatnapu, sa panahon ito sino ang tatanggap sa tunay nilang uri? Wala, kamatayan ang tatanggap sa kanila pag nalaman ng lahat ang kanilang kakayahan.

Mahirap ang buhay nila, kailangan nilang magpanggap sa lahat, ipain ang sarili sa mundong isang maling galaw lang ay maghahatid na sa kanila sa kamatayan. Ngayon heto ulit sila, tulad ng dati, tumatakbo at tinatakasan ang dalawang taong pilit silang hinahatid sa kamatayan.

Kailan ba sila magkakaroon ng buhay na malayo sa kapahamakan? Malayo sa gulo? Yung buhay na malaya? Kasing laya ng agila na nakikita niya tuwing inaakyat niya ang burol sa dati nilang bahay ng kanyang asawa.

Kailan sila makakalaya sa tanikalang humihila sa kanila sa katapusan? O may katapusan pa ba ito?

"Buti at nakarating kayo ng maayos ang inyong kalagayan! Akala namin ay nahuli na kayo nila Lady Yu!" saad ng kanyang kaibigan na si Narika, bakas sa mukha nito ang kaginhawaan ng makita sila ng kanyang asawa na si Casper na tumatakbo papalapit sa kanila.

"Hali na kayo at pumasok na tayo sa loob ng gubat nang makaalis na sa lugar na ito." saad ng asawa ng kanyang kaibigan, si Primotivo.

Mabilis na naglakad ang apat papasok sa loob ng gubat. May ginawang lagusan si Primotivo sa loob ng kagubatan at ang lagusang iyon ay ang magdadala sa kanila sa panibagong lugar. Ang bagong lugar na kanilang pagtataguan ulit. Ang lugar na magbibigay sa kanila ng panandaliang kalayaan.

May mga kakilala sila na tulad rin nila at sa lugar ng mga taong iyo ay doon muna sila pansamantalang mananatili. Maraming kauri na nila ang kanilang nakikilala at mahirap itong hanapin dahil tulad nila ay nagtatago rin ito sa mundong kanilang ginagalawan.

Marami na silang kakilala kaya kahit papaano ay nabawasan ang hirap nilang magtago, magtago kila Lady Yu at sa mundong kanilang ginagalawan.

Ang plano ng kanyang asawa at ni Primotivo ay pagsama-samahin ang lahat ng uri nila at bumuo ng mundo kung saan malaya silang makakapamuhay. May kakayahan si Primotivo at ang kanyang asawa na gawin ito kaya maraming kauri nila ang suportado sa planong iyon.

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon