Chapter 29

31.6K 1K 92
                                    


LUCY

I saw them walking away to the opposite direction, pinanood ko lang sila hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko. Ilang minuto akong nakatayo habang nakatingin sa daang tinahak nila Annya papunta sa pa despida party.

Aalis na sana ako nang biglang may humarang sa daraanan ko.

"Lucy Nakahara." bahagya akong napaatras nang makita ko yung lalaki nag parusa sakin noong nakaraang araw. Yung lalaking may hawak ng latigo.

Anong ginagawa niya ulit dito? Natapos ko na ang 50 lashes sabi ni Chaerin ah. Napasilip ako sa kamay niya at nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala siyang bitbit na anumang pwedeng ihampas sakin.

"Sumama ka sakin." his voice sent shiver down to my spine. Parang hinugot sa kailaliman ng balon ang boses niya dahil sa sobrang lalim nito.

"Bakit?" tanong ko sakanya nang akma na siyang tatalikod. Hinarap niya ulit ako. He's wearing an all-black 3-piece suit, may emblem din ng palasyo at ng pamilya Hasherine na nakakabit sa kaliwang dibdib ng damit niya.

"King's order." maiksi niyang sagot bago nag lakad papunta sa isang direksyon, wala na akong nagawa kundi ang sundan siya.

King's order? Bakit gusto akong makita ng Hari? Dahil ba ito sa issue ng anak niya? Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba, alam kong may ideya na siya sa sitwasyon ng anak niya pero hindi ko alam kung paano nila yun ia-approach. I don't know what they're going to do with the information, hahayaan nalang ba nila? O hahanapin nila ang anak nilang nawawala?

Mas lalo akong nakaramdam ng kaba dahil hindi ko pa nakikilala at nakikita ng personal ang Hari at Reyna. Gusto kong makilala ang parents ni Marru pero hindi sa ganitong paraan.

I sighed.

Napakunot ang noo ko nang naging pamilyar sakin ang tinatahak naming daanan. Bakit papunta kami sa opisina ng Headmistress? Napatingin ako sa lalaking naka-itim na naunang naglalakad sakin. I'm just silently following him.

Ilang minuto pa ang lumipas ay huminto kami sa tapat ng malaking double door ng opisina ni Ms. Bianca. Nandito ba ang hari?

Kumatok muna ang lalaki bago pumasok sa loob ng opisina. We were greeted by silence as we entered the office. Hinanap ng mata ko si Ms. Bianca pero hindi ko siya mahagilap.

"Why are we here?" tanong ko, bago pa makasagot si kuyang men in black ay biglang bumukas ang pintuan sa second floor ng opisina at iniluwa nito ang Headmistress. Nang makita niya ako ay nagmadali siyang bumaba at niyakap ako ng mahigpit.

"Thank God you're okay!" she said in relief. Niyakap ko naman siya pabalik.

"I'm sorry." paghingi ko ng tawad, mabilis siyang umiling.

"You don't have to say sorry. I understand now." sabi niya at kumalas sa yakap ko. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Understand what?

"His parents explained everything to me." saad niya nang makita ang pagkalito sa mukha ko. Matagal akong napatitig sakanya bago mag sink in sakin ang sinabi niya.

"Oh.."

Sinabi na ng parents ni Marru ang tungkol sa nangyayari kay Marru.

Ngumiti si Ms. Bianca sakin.

"You're such a brave and wise woman Lucy, kung hindi dahil sayo hindi natin malalaman na may nakapasok na pala sa White Land at sa academy."

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon