Chapter 36

31.8K 982 42
                                    


LUCY

"What did he really tell you?"

My mind was focused outside the bus window, to the passing houses, tress, and cars when Annya called my attention. We are now our way home to the Metro, babalik na kami ng White Land before tomorrow ends as what Mr. Parker told me. Hindi na nila naabutan si Mr. Parker nang puntahan nila ako sa pwesto ko sa rooftop, I was bombarded with questions matapos kong sabihin ang sinabi sa'kin ni Mr. Parker na umuwi na kami at siya na ang bahala kumusap kila Miss Bianca.

"Is he playing with us?" puno ng pagkapikon na tanong ni Yurika at padabog na umupo sa inupuan kong bench.

"Let's just be grateful, pinadali na niya trabaho natin, siguro naawa na sa'tin." saad ko sa kanila at sumandal sa railing habang isa-isa silang pinagmamasdan.

"Anong eksaktong sinabi niya?" tanong ni Aaron. Nagkibit balikat ako.

"He told us to go home, siya na ang bahalang kumausap kila Ms. Bianca." I flatly answered. Napatango naman siya.

"So he's really going to help us huh." I heard Mayka almost whispered.

One, eaten by greed, two, blinded by belief, third is forced, fourth is accursed, the fifth is stuck between a rock and a hard place and lastly the sixth went after fifth. Make your enemies closer...

I recalled what that Parker said. Muli ko silang pinagmasdan isa-isa... what he said are just clues right? Clues about the traitors, who are they? Am I really too preoccupied of Marru's situation na halos hindi ko na namamalayan ang mga tao sa paligid ko?

Maybe I should put my priorities to its right places. Nasa harapan ko na sila, if I let my guards down then it will be the end of me. I gotta do what I gotta do.

"Hoy Lucy."

I was brought back to reality when Annya called me again. Wala sa sariling napalingon ako sa kanya na ngayon ay katabi ko sa bus. I was kind of surprised earlier nang pinili niyang tumabi sa'kin at hindi kay Aaron.

"Ha?" I absentmindedly asked. Pabiro naman siyang umirap.

"Lumilipad na naman ang isip mo." pabirong kanta niya kaya mahina ko siyang siniko.

"Ano sinabi sayo ni Mr. Parker?"

Sandali ko siyang tinitigan bago binaling ang tingin sa madilim na labas. Mag a-alas-syete na ng gabi at medyo malayo pa kami sa syudad, baka anong oras na rin kami makauwi pero kailangan makabalik na kami ng White Land bago lumubog ang araw bukas.

I don't know why but a sudden fear started to grow in me the moment I stepped in this bus, lalo akong kinabahan nang maalala ko ang sinabi ni Mr, Parker.

Kakailanganin kami sa White Land...

Those were just simple words yet it brings fear and anxiety to me.

"Hoy Lucy!"

Napatalon ako sa gulat at mabilis na napalingon kay Annya nang sumigaw siya, napatingin tuloy sa amin ang kondoktor ng bus dahil sa lakas ng boses niya. Napapalibutan ang pwesto namin ng buong tropa at nasa may bandang likod kaming lahat nakaupo.

"Bakit?" gulat na tanong ko dahil sa pagsigaw niya. Gagang to kala mo nakalunok ng megaphone.

"Tinatanong kita." kalamado na niyang saad. Napabuntong-hininga naman ako.

"Ang sabi niya umuwi na tayo, siya na ang bahala kumausap kila Ms. Bianca." pag u-ulit ko sa sinabi ko kanina sa kanila pero mukhang hindi kumbinsido si Annya.

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon