Chapter 6

64.4K 1.7K 121
                                    


LUCY

Nakatukod ang isa kong siko ko sa armrest ng upuan habang hinihilot ang sintido ko. Hindi ko inalis ang tingin ko sa mesa kung nasaan nakalapag ang isang dyaryo at maraming litrato. Litrato naming dalawa ni Marru na nagsasabunutan sa loob ng kotse niya kahapon. Kakarating ko lang sa bahay, hindi pa umiinit ang pwet ko sa upuan nang dumating sila Annya, Tiffany at Yurika dala ang dyaryo na kami ang headline at mga larawan na may iba't ibang anggulo ng pag papatayan namin ni Marru.

"Sabunutan sa loob ng kotse." sambit ni Tiffany na natatawa, sumunod namang tumawa si Yurika at Annya.

"I never thought na aabot kayo sa ganito, knowing Marru he won't do such petty thing and careless actions." napaayos naman ako ng upo sa sinabi ni Yurika.

"Careless things? Petty actions? Nagpapatawa ka ba eh simula nang mapunta ako dito eh wala nang ibang ginawa yang bakulaw na yan kundi gumawa ng kung ano-anong kalokohan sakin."

Napailing nalang sila sa sinabi ko, padabog ko namang kinuha ang dyaryo at binasa ang headline.

"Scandalous girl? What the fuck. His Royal highness vs. The Unknown Amazona, tanginang headline yan sinong gumawa nito?" tanong ko at ibinalibag ang dyaryo sa coffee table na nasa harapan ko, humagalpak naman sila Annya ng tawa sa sinabi ko.

"You'll be known as the scandalous amazona not a Nakahara." natatawang komento ni Tiffany na lalong ikinasama ng mukha ko, padabog na akong tumayo para iwanan sila sa sala.

"Lucy wait up! Ngayon ang release ng test result mo. Kailangan mong kunin yun mamayang 5pm para ma settle mo na enrollment mo at makuha narin yung schedule mo!" sigaw ni Annya habang tumatawa, pero hindi ko na sila sinagot at nagpatuloy na sa pag akyat papunta sa kwarto ko.

Buisit na Marru na yun, kasalanan niya to eh. Kung hindi niya sakin pinahid ang kamay niyang amoy tae ay hindi kami aabot sa sabunutan. Now that my face is everywhere makes me want to rip Marru's head out of his body. Hindi na ako naiintimidate sakanya letche siya. Pag talaga nakita ko ulit yun gigilitan ko siya sa leeg kahit saksakan pa siya ng kakisigan.

Napatitig ako sa mukha ni Marru, even with those bruises and small cuts on his face, he never failed to showcase his handsomeness. Pasimple ko siyang pinagmasdan mula ulo hanggang paa, I can smell his manly perfume again as he stands in front of me. Sinalubong ko ang titig niya and there I saw his deep green eyes staring intently at me. Napakurap kurap ako at napahawak sa hamba ng gate ng bahay ko. Why is my heart beating so fast? What the fuck. Tumikhim siya na ikinapitlag ko.

"Done eye raping me?" napakunot naman ang noo ko na ikinangisi niya. Biglang nawala ang naramdaman ko kani-kanina lang at napalitan ito ng inis. Diba sabi ko gigilitan ko siya sa leeg pag nagkita kami ulit? Next time nalang sayang porma niya ngayon. He's wearing a gray sweater, a chino shorts and a black sandal. Bakit ba ang lakas ng appeal ng lalaking to?

Humalukipkip ako sa sumundal sa hamba ng gate.

"What are you doing here?" pagtataray ko, napakamot naman siya sa sa kanang kilay niya. Ang kapal ng kilay niya at bagay na bagay ito sakanya.

"I'm here to fetch you, ngayon lalabas ang result ng test mo kaya mag bihis ka na dahil nakakaabala ka sakin." tiningnan ko naman siya ng masama.

"Dude kung ayaw mo sa ginagawa mo, wag mong gawin." inis kong sabi, huminga naman siya ng malalim at hinila na ako papasok sa bahay ko.

"Bilis na Lucy, wag na pabebe." sinipa ko naman siya sa binti dahil sa sinabi niya, pero mabilis siyang nakaiwas.

"Gusto mo round 2?" inirapan niya lang ang tanong ko at prenteng umupo sa mahabang sofa at ipinatong ang dalawang paa sa coffee table ko. Inabot niya ang dyaryo at mga litrato na nasa mesa, yun yung mga larawan na dala-dala nila Annya kanina hindi ko na kasi itong pinagkaabalahang alisin sa mesa noong umalis na sila.

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon