Chapter 56

36.5K 950 132
                                    

LUCY

"Saan na bebe mo?"

Napalingon ako kay Chaerin na tumabi sa'kin sa pagkakaupo dito sa terrace.

"MIA." maiksing sambit ko at muling ibinaling ang tingin sa dagat. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Chaerin.

"Bakit lahat ng mga nagiging bebe mo kung walang label laging mia. Baka mamaya niyan tatlong taon din mawawala yan tulad nung isa ah."

"Gaga mag ta-tatlong araw pa lang" pabiro kong saad sa kanya. Chaerin scoffed.

"Manghingi ka kasi ng label para may karapatan kang maghanap. Wag kang gumaya kay Eveyth na platonic landi ang hanap."

Tatawa na sana ako nang biglang sumulpot si Eveyth sa harapan namin. "Hoy! Narinig ko yun! I've change na kaya! Loyal na ako kay Lance noh. I've realized kasi na I have feelings for him pa pala, na after so many years it's him pa rin." saad niya habang pinagsiksikan niya ang sariling makaupo sa pagitan namin ni Chaerin.

"Ang hilig mo talagang ipagsiksikan sarili mo no? Kaya ka nasasaktan eh." saad ni Chaerin sa kanya habang umuusog para makaupo si Eveyth.

"Law of attraction baby girls! Magugustuhan rin ako ni Lance ehe!" saad niya sabay bungisngis at ipit ng buhok sa likod ng tainga.

"Kahit anong law of attraction mo pa diyan, wala pa rin siyang attraction sayo! Kulelat ka Eveyth kulelat." bwelta naman ni Chaerin na ikinairap ni Eveyth.

"Kaya nga nilalandi ko na diba? Pustahan tayo mahal na rin ako nun. I can feel it in my guts."

Napailing-iling na lang ako sa taas ng komyansa nitong si Eveyth.

"Di ka sure diyan."

Eveyth scoffed. "Na-ah. Sure ako, hindi naman ako nun hahalikan kung hindi niya ako love noh and it's not lust, I know it's not."

Sabay na nanlaki ang mata namin ni Chaerin sa narinig, bigla kaming napaayos ng upo at napaharap sa babaeng nakaupo sa gitna na may ngiting aso.

"Gago hinalikan ka? Saan? Gaga chika mo!"

"Saan ka hinalikan?" sunod kong tanong.

"Sa kwarto." bungisngis ni Eveyth, para siyang bulateng inasinan.

"Gaga saan banda ka hinalikan? Sa pisngi, sa labi? Saan?" tanong naman ni Chaerin.

Pabebeng hinawi ulit ni Eveyth ang buhok niya sabay hawak sa magkabilang pisngi.

"Sa noo."

Sabay na bumagsak ang balikat namin ni Chaerin sa narinig. We both looked at her flatly and disappointed.

"Noo? Ano ka lola? Hahahahaha! Akala ko pa naman kung saan." bwelta ni Chaerin na ikanatawa ko. Malakas naman siyang hinampas ni Eveyth sa likod na talaga gumawa pa ng tunog ang paghampas niya.

"Gaga wag ka nga! Syempre hindi lang doon!" sigaw niya samin.

Napairap nalang si Chaerin.

"Tangina mo, baga ko natanggal. Oh saan pa banda? Baka mamaya nagmano pa yun sayo."

"Augh! Forehead kisses are sweet kaya! Hindi ba ginagawa sayo ni Nico yun? Like dude he's the type of guy na hahalikan ka muna sa noo o pisngi bago sa labi."

Mabilis siyang hinampas ni Chaerin ng throw pillow.

"Oh my god! May something sa inyo ni Nico?" bulalas ko.

Mabilis na umiling si Chaerin. "Wala! Issue lang yang dagta na yan."

Umirap ulit si Eveyth bago humarap sa akin.

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon