Chapter 60

30.8K 897 179
                                    

CHAPTER 60

LUCY

Wala na ni isa sa amin ang umimik pa. Muling na niyang pinaandar ang kotse at ipinausad patungo sa destinasyon namin. Walang ni isa ang nagsalita, hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko siya matingnan sa mata. Panay ang buntong-hininga niya habang nasa byahe kami, pasimple ko siyang sinusulyapan at kitang-kita ko sa mukha niya ang pagiging seryoso, wala na ang bakas ng ngiti at pagbibiro niya kanina. Malalim ang iniisip niya habang panay ang buntong-hininga niya, nakatunkod pa rin ang kanyang siko may sa bintana habang ang isang kamay ay nakahawak sa manubela. Panay ang mariing kagat niya sa daliri niya at tila dinadala na siya ng malalim niyang pag-iisip sa kalaliman nito.

Gusto ko sanang kausapin siya pero nawalan na ako ng lakas hanggang sa nakarating na kami sa destinasyon ay wala pa ring nagsalita sa amin. Halos dalawang oras ang byahe at sa loob ng byaheng yun ay sa labas lang ng bintana ang atensyon ko, minsan sumusulyap sa kanya habang nakikipagtalo sa sarili kung kakausapin ko ba siya o hindi.

What is he thinking right now? Is he mad?

I puffed a breath. Ipinark niya ang kotse sa hindi ko alam kung saang eksaktong lugar kami. Hindi pamilyar sa aking paligid. Sumilip ako sa bintana at wala akong makita kundi ang mga nagtataasang mga dahon sa harapan ng kotse na binabalot ng iilang mga hamog.

Pasimple akong napayakap sa sarili ko nang umihip ang malamig na simoy ng hangin. Mas malamig pa ang hangin dito kesa sa pinaggalingan namin kanina.

Bago ko pa kunin ang hinubad kong makapal na cardigan ay inunahan niya na ako at isinuot ito sa'kin na ikinatigil ko.

"Nilalamig ka pa rin?" malamyos niyang tanong sa akin, puno ng pagmamalasakit at lambing.

Hindi ko alam ang sasabihin, hindi ko alam ang gagawin, ang irereact ko. Hindi ba siya galit sa'kin? Sa nalaman niya na iiwan ko na naman siya at sa pagkakataong ito hindi na ako makakabalik pa?

Marahan niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko, hinaplos niya ito. Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa labi niya.

"I'm not mad, I'll try to understand you reasons, your decisions. I know where you came from, Lucy, I saw all you pain and sufferings. Tutol man ako sa ginawa mo at masakit man ang katotohanan ay wala na akong magagawa pa, you already did what you did. Hindi pa rin nagsi-sink-in sa akin lahat... pero masakit na, but I'm not mad at you okay? I understand you, babe, I do understand you. I can't blame you for trading your life, if I were in your shoe I will do the same for the person I love."

Hinila niya ako at niyakap nang mahigpit na para bang ano mang oras ay mawawala na ako.

"Just keep this in mind that I will be here with you until your..." huminga siya nang malalim at humigpit ang pagkayakap sa'kin.

"... Until your last breath. I will do everything to keep you alive until the end."

Tuluyan nang tumulo ang luha ko. Iniangat ko ang kamay ko at ginantihan siya ng yakap.

"Thank you... and I'm sorry."

I felt his kiss on my head. It was so gentle and soft. Oh how I wish we could stay like this forever.

"You don't have to say sorry... I'm fine, I'll be fine."

Isang ngiti na puno ng kasiguraduhan ang sumilay sa labi niya. "I'll be fine. I'll seize every second with you. Magwawakas man ang kwento natin ng maaga, may babaunin naman akong mga alaalang kasama ka sa bawat segundo na walang pagsisi at agam-agam. Mahal na mahal kita."

Ibinaon ko na lang ang mukha ko sa dibdib niya habang dinadama ang mahigit niyang yakap. Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas bago kami kumalas sa isa't isa. Nang mailayo niya ang sarili sa'kin ay hindi nakatakas sa paningin ko ang pasimple niyang pagpunas ng mga luha sa mga mata niya.

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon