Chapter 2

102K 2.4K 323
                                    


LUCY

Kasalukuyan akong nagbibisekleta palabas ng subdivision, basa pa ang daan dahil ka-katila lang ng malakas na ulan kanina. Tahimik lang akong nag pepedal papuntang gate 7 —ang main entrance at exit ng subdivision nang makasalubong ko si Kuya Gilbert ang isa sa mga gwardya na nag roronda. Huminto ako nang ihinto niya ang mobile car sa tabi ko.

"Ay nako Lucy sa gate 7 ba punta mo? Sarado muna ang daan papunta doon may natumba kasing poste at mga puno dahil sa ulan kanina." napatingin naman ako sa harapan ko dahil sa sinabi niya at nakita ko sa may kalayuan ang isang crane na sinusubukang igilid ang mga nagsitumbahang mga puno.

"Kung gusto mo ikot ka nalang daan ka sa Laurel street." suhesyon niya na ikinatigil ko. Nilingon ko siya para tingnan kung seryoso ba siya.

"Yun nga lang ay madadaanan mo sa ang Haunted forest." dagdag niya na parang nagbibigay ng babala sakin.

"Diba po sarado na yung Laurel street? Pinapadaan niyo na po?" tanong ko sakanya. Sa buong subdivision yung street na yun ang nag iisang walang mga bahay, puro bakanteng lote lang ang mga nandoon at pinakadulo narin yun ng subdivision at isa pa maraming history ang lugar na yun.

"Ngayong araw lang bubuksan kasi inaayos ang daan papuntang gate 7, sinarado rin kasi muna yung ibang exit kasi may clearing sa labas kaya sa gate 7 lang kayo pwede ngayon, eh ang kaso..." sumilip siya sa labas ng bintana para tingnan ang estado ng daan sa harapan ko na kasalukuyang tinatanggal ang mga puno at poste na nakaharang.

"May natumbang poste at mga puno, kaya sa Laurel street nalang muna kayo dumaan. Ngayong araw lang naman eh at saka marami kang kasabay kasi nag iisang daanan yun ngayon papasok at palabas ng subdivision." tuloy niya saka binigyan ako ng isang ngiti na parang nagsasabi sakin na 'Wag kang mag alala may makakakita sayo kung sakaling lamunin ka ng nag iisang nakakatakot na gubat sa Laurel street.'

"Kung gusto mo hintayin mo nalang matapos yung clearing diyan." sabi pa niya nang makita ang pag aalinlangan sa mukha ko.

"Hindi na po, gutom na rin po kasi ako eh." and as if on cue ay biglang tumunog ang tiyan ko, sinyales na gutom na ako. Natawa naman ang gwaardiya.

"Oh siya sige mag ingat ka at tandaan curiosity kills." sabi niya sakin at tuluyan ng umalis. I sighed, iniliko ko na ang bisekleta ko pabalik sa dinaanan ko kanina. Curiosity kills huh?

Itinukod ko ang paa ko sa sementadong daan nang makarating ako sa Laurel street.

Epal si Kuya Gilbert! Sabi niya may mga makakasabay ako. Palinga-linga ako sa paligid para mag hanap ng kasabay kaso wala akong nakita, muli akong humarap kung saan mula sa pwesto ko ay natatanaw ko na ang nag iisang gubat ng subdivisiong ito. Sobrang layo ko pa sa main exit, wala ring mga bahay sa paligid ko at wala rin akong nakikitang makakasabay ko.

Huminga ako ng malalim at sa pag buga ko ng hangin ay kasabay ang pag ihip ng malamig na hangin na nag resulta nang ingay ng mga dahon at sanga na naghahampasan sa isa't isa mula sa gubat na iyon. Tae naman, gusto ko lang naman kumain eh. Nahagip ng mata ko ang isang sign board na tila pansamantalang itinabi sa gilid ng daan, 'Do not Enter'.

Nang mapagtantong wala talaga akong makakasabay ay sinimulan ko na mag pedal, mukhang takot din yata ang lahat dumaan dito. Mabilis ang pag pe-pedal ko dahil ayoko magtagal sa lugar na ito, humahampas sa balat at mukha ko ang malamig na simoy ng hangin. Nadadaanan ko na ang gubat nang may biglang tumawid na pusa kaya bigla akong napahinto at napa subsob sa harapan.

Anak ng tokwa naman. Aalis na sana ako nang mapansin ko ang itim na pusa na nakatitig sakin. Ang paraan ng pagtitig ng berde niyang mata sakin ay naghatid ng panlalamig sa buong sistema ko lalo na nang bigla itong ngumiti bago tumakbo papasok sa loob ng gubat. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa tuluyan itong lamunin ng dilim.

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon