Chapter 34

32K 1K 10
                                    


LUCY

"Where are we?" tanong ko kay Marru pagkapasok na pagkapasok niya sa kotse habang inaayos ko ang bagong T-shirt na suot ko rito sa loob ng isang itim na Sedan—na ayon sa kanya ay pag mamay-ari niya.

Gaano ba kayaman ang lalaking to? I am aware that he's a royalty, a successor to the throne, but never sumagi sa isip ko na may yaman din siya sa labas ng Immortal City. I am aware of his wealth, his family's wealth, pero abot din ba ang yaman nila hanggang sa labas ng mundong ginagawalan namin? Looks like the answer is yes.

"Gaano ka kayaman?" sunod na tanong ko, matapos kong magbihis ay isinilid ko sa isang paper bag ang pajamas at malaking t-shirt na suot ko kanina.

"Mayaman na para buhayin ka at ang magiging pamilya natin."

I looked at him with a raised eyebrow, nginisihan niya ako sabay kindat. I scoffed.

"Wow." I sarcastically reacted.

Tinawanan niya lang ako, hindi ko na lang siya pinansin at kinuha ang wet tissue na nasa dashboard ng kotse niya at sinimulan nang linisin ang talampakan ko.

"Seriously Hasherine where are we?" tanong ko sa kanya habang nakatuon ang buong atensyon ko sa paglilinis sa talampakan ko. "Saang lupalup tayo ng Pilipinas?" dagdag ko pa.

Tinapon ko sa isang kulay puti na plastic bag ang tissue na pinampunas sa paa ko bago sinimulang mag suot ng medyas at sapatos na inabot niya sakin kanina kasama ng isang t-shirt at itim na pantalon.

"Sinong may sabing nasa Pilipinas tayo?" napatigil ako sa ginagawa ko at napalingon sakanya.

"Ha?"

"Hatdog."

Mabilis kong kinuha ang air freshener at binato sa kanya na agad naman niyang nasalo.

"Tangina seryoso kasi." saad ko, tinawanan naman niya ako at ibinalik sa dashboard ang binato ko sakanya.

"We are in Thailand." napaupo ako ng maayos dahil sa sinabi niya. Nakatitig ako sa kanya ngayon na prenteng nakasandal sa driver seat.

"Saan?" ulit kong tanong.

"Chiang Mai Thailand." maiksi niyang sagot na ikinatigil ko lalo, then I suddenly remembered what happened earlier bago kami makapunta sa lugar na to.

Nanlaki ang mata kong napatingin sakanya.

"Mula Pilipinas papuntang Thailand nag teleport tayo?" gulat na tanong ko. I know he can teleport to far places... but this kind of far? What the hell.

Kaya ni Marru mag teleport papunta sa malalayong lugar pero ako? Ni hindi ko pa nga na susubukang mag teleport mula White Land papuntang Dark Land eh, but him? He just teleported from one country to another which is fucking miles away from each other at sinama pa niya ako.

Wala sa sarili akong napaturo sa sarili ko. He rolled his eyes at my gesture.

"You're fine Lucy, alive and kicking. You can teleport to far places, it's part of your ability so stop looking at me like that and acting dumb."

"Pero hindi ko pa nasusubukan, ni hindi nga ako dumaan sa kahit anong training eh."

Tinitigan naman ako ni Marru.

"You're natural, no need for any training." kaswal niyang saad. Napatitig naman ako sa kanya at pinaningkitan siya ng mata.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa ability kong yun?" tanong ko, as far as I can remember wala akong sinabihan tungkol sa ability kong yun matapos kong mabasa ang tungkol doon sa librong hiniram ko sa library.

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon