Chapter 21

33K 1K 66
                                    


LUCY

Inaantok kong tinitigan si Annya habang nakatalukbong ng kumot, rinig na rinig ko ang impit niyang mga tawa habang nakaharap sa cellphone niya. Napairap ako. Jusko alas tres palang ng madaling araw at itong si Annya dilat na dilat parin at humahagikhik.

"Alam mo teh yung kilig mo abot hanggang panaginip ko." bagot kong sabi, bigla namang napabalikwas si Annya mula sa pagkakatalukbong at gulat na napatingin sakin.

"Gising ka pala."

"Hindi, nagising ako." bara ko. She gave me a sheepish smile before glancing back to her phone.

"Sino ba yang pinagpupuyatan mo?" tanong ko habang pinapanood siyang may malawaak na ngiti habang nag titipa sa cellphone niya.

"Aaron." kinikilig niyang sabi at humiga ulit habang nakatuon parin ang atensyon sa cullular phone niya.

Sandali akong napatingin sa katabing kama ko kung saan mahimbing na natutulog si Tiffany bago nilingon ulit si Annya na may malawak na ngiti sa labi.

Huminga ako ng malalim.

"Annya." tawag ko sakanya. "Oh?"

Huminga ako ng malalim. Mukhang napalapit na talag siya sa mga transferees lalo na kay Aaron. I don't like that Aaron guy for her, mas boto ako kay Mirko kesa sakanya, katagalan kasi napapansin ko para siyang si Eveyth—two-face. Masyado siyang maangas at mayabang pag hindi kaharap sila Annya at para naman siyang maamong tupa at santo pag nasa harap sila Annya. Bakit ba hindi yun napapansin ng mga kaibigan ko na two faced ang gang ni Dara?

"Wag kang mag puyat sa maling tao." sabi ko sakanya.

Napatigil naman siya sa pag tipa at lumingon sa gawi ko na puno ng pag tataka.

"Payo ko lang sayo." dagdag ko pa bago bumalik ulit sa pagkakahiga.

"Wag ka ring mag pakalunod sa taong hindi kayang lumangoy para sagipin ka." sabi niya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. Mahina naman akong napatawa.

Lunod na lunod na ako Annya too late for your advice. Wala sa sariling napatingin ako sa side table ko kung nasaan ang moon lamp na nakapatay.

"Pag sinaktan ka ni Aaron sabihin mo lang sakin, papatumba natin siya." pabirong sabi ko at narinig ko naman ang pagtawa niya.

Kahit anong payo ko kay Aanya kung gusto niya talaga si Aaron ay hindi siya makikinig sa mga payo ko, so might as well hayaan nalang at pag nasaktan siya dahil sa mga naging maling desisyon niya ay nandito naman kaming mga kaibigan niya para tulungan siya.

We're always be here for her and support her kahit na may mga desisyon siyang ayaw namin, kahit may mga tao siyang ayaw namin na gusto niya. Hinayaan lang namin siya ni Tiffany na makipag kaibigan sa mga transferees, as long as they don't hurt or do anything that could harm our Annya then its fine.

I let out a sigh. Tumagilid na ako ng higa paharap sa side table ko at pinagmasdan ang nakapatay na moon lamp. Sariwa pa sa alala-ala ko ang nangyari noong araw na binigay niya sakin ang lamp, that was the best day of my life, the best night. That Marru was so different from the Marru right now. Ako lang ba talaga ang nakakapansin na para mag kaibang tao sila? Sa Marru na nakasama ko at sa Marru ngayon? There's really something wrong going on here and it's bothering me.

Moon lamp, alam kong may mali please give me a sign na tama ang hinala ko.



"Ok students listen to me!" sigaw ni Ms. Rivera para maagaw ang atensyon naming lahat. Nasa malawak kami ng field sa South Wing ng White Empire. We are here to play a game again. This is our last game for the month dahil ranking na ulit next week, panibagong studyante na naman ang mawawala. I feel sorry for them, they really tried so hard to stay but reality sucks, parang estado ng relasyon namin ni Marru.

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon