Chapter 39

33.1K 959 58
                                    


LUCY

Ivan Green Fuentabella.

I crossed out Ivan's name with a red pen, indicating that he's a traitor. Isa-isa kong pinagmasdan ang mga natitirang pangalan sa papel na hindi pa namarkahan. 1 down 5 more to go. I let the paper vanished in mid-air bago umayos ng pagkakahiga sa kama at hinayaan ang sariling titigan ang kisame ng kwarto.

"Que sera, que sera. Whatever will be, will be." I whispred.

Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko, pinapakiramdaman ang tibok ng puso.

"Murderer!"

"Trydor!"

I took a deep breath as I suddenly remembered the words that those people were shouting. What really happened? The memory itself pained me already. Am I living a hell whole life back then? Was I accused of something that I didn't do?

"Let the memories walk with me." wala sa sariling bulong ko.

Nakatitig lang ako sa kisame hanggang sa kainin na ako ng antok.

"What are your dreams?"

Nilingon ko ang lalaking katabi ko ngayon dito sa burol. Nginitian ko siya bago ibinaling ang mga mata sa asul na kalangitan.

I always admire the blue sky with its white clouds scattered everywhere, it gave me peace.

Pinagpatuloy kong pinagmasdan ang kalangitan, ang mga pabago-bagong anyo ng mga ulap habang dinadama ang malamyos na simoy ng hangin at ang kapayapaang hatid ng lugar na ito habang ang katabi ko ay naghihintay ng sagot sa tanong niya.

"Ang baguhin ang mundo." sagot ko sa tanong ng kaibigan ko. Kinuha ko ang panali sa bulsa ng kupas kong mahabang palda at sinumulang talian ang kulay pula at medyo kulot kong buhok.

Ako lang sa pamilya namin ang may ganitong kulay ng buhok dahil lahat sila ay kulay mais na, ang sabi ni mama namana ko raw ang buhok ko sa mama niya— kay lola. Ang kwento niya ay si lola lang din daw ang may kulay tansong buhok. Asset daw ito sabi ni mama kaya ingatan at alagaan ko raw at huwag kamuhian pero kahit anong puri niya sa buhok ko ay mananatili ang inis ko rito. Minsan naisip ko na sana ay hindi nalang ganito ang kulay ng buhok ko, dahil naiiba ako sa pamilya ko ay mas napapansin ako ng lahat. Mas napagiinitan ng mga nakakataas samin.

Narinig kong umismid ang katabi ko kaya napalingon ako sa gawi niya na puno ng pagtataka.

"Bakit?" tanong ko sa kanya matapos kong matalian ang buhok ko.

"Yung makatotohanang pangarap naman." reklamo niya kaya kinunutan ko siya ng noo.

"Makatotohanan naman ang pangarap ko ah." depensa ko.

May mali ba sa pangarap ko? Wala naman ah. Anong mali kung gusto ko baguhin ang mundo? Baguhin ito at gawing pantay-pantay para sa lahat. This world we are living is unfair and cruel. We all live in more advance than the normal people down there, we adapt the modern way of living yet namumuhay parin kaming hindi pantay-pantay ang lahat. Maraming naghihirap, maraming mayayaman ang nakikinabang sa pera na dapat ay sa mahihirap. Maraming naabusong mahihirap dahil mas makapangyarihan ang nasa itaas. Mas mataas ang antas ng mahika, mas malayang makakapangkutsa at makapang-apak sa mas nakakababa sa kanila.

Our world is cruel and unfair façade in a peace, sacred, and paradise place. Everyone knows about the reality of this world but still turned blind-eye of what's really happening, maliban sa amin na nasa laylayan ng ng kahirapan. Only the poor people can see and experience the cruelty of reality dahil masyado ng nabulag sa yaman at kapangyarihan ang mga nasa itaas, masyado silang nagmamalinis at takot madumihan. Mga bulag dahil sa pribelihyong tinatamasa.

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon