Chapter 17

42.9K 1.1K 27
                                    


LUCY

­Sinalubong kami ng ingay ng mga tao dito sa isa sa mga palengke dito sa Crygrovian pag kababa namin ni Marru sa sasakyan niya. Pupuntahan namin ang isa sa mga kilala ni Marru dito na mag bibigay ng tip sakanya tungkol sa kinaroroonan ng Malediction gem. We already discard the idea of using the map, what's the point of using it kung walking map naman tong si Marru. Nasuyod na niya ang buong Dark Land, malakas ang loob niya dahil hindi alam ng mga Dark users ang itsura ng prinsipe ng White Land at hanggang ngayon ay wala pa ring alam ang nakakataas ng Dark Land na may naglalabas pasok sa teritoryo nila at kahit ang nakakataas ng White Land ay hindi rin alam ang tungkol sa piangagawa ni Marru.

May bahay din siya sa tatlong tribe ng Dark Land maliban sa Nirviana, pero yung bahay na pinag stay-an namin ngayon ay bahay ni Alexander.

Habang naglalakad kami ni Marru ay pinagmasdan ko ang buong lugar, para akong nasa divisoria sa sobrang daming mga pwesto at bangketa sa tabi tabi, may mga malalaking payong din na nakalutang sa mga pwesto nila na nagsisilbing panangga nila sa nyebeng bumabagsak. Ang sabi ni Marru, sa Crygrovian kalahati ng mga nakatira dito ay ang mga Dark user na binabansagan nilang "isang kahig isang tuka", ang Crygrovian din daw ang may mataas na crime rate, kaya may pag iingat din kami ni Marru 'cause the last thing we want to happen is get involve in to a fight.

"Madalas ka ba sa palengkeng to?" tanong ko kay Marru habang iniiwasang makabangga ng mga nakakasalubong namin, nakahawak sa kamay ko si Marru para hindi kami magkahiwalay dahil sa dami ng tao na nandito.

"Hindi masyado, pumupunta lang ako dito pag dinadalaw ko yung kaibigan ko na may pwesto sa lugar na to." sagot niya, tinutukoy niya yung kaibigan niyang magbibigay ng tip samin.

Huminto kami sa tapat ng isang lumang shop. Mula sa labas ay kitang-kita ang mga lumang camera na naka display. Tinulak ni Marru ang glass door at sumalubong samin ang mga hile-hilerang estante ng mga lumang camera.

"Welcome to How to shoot 101 shop!" bati ng isang lalaki sa amin na nakatayo sa likod ng glass display na napupuno din ng mga vintage camera.

"How to shoot 101 shop?" sambit ko sa pangalan ng camera shop. Napatingin sakin ang lalaki at nakita ko ang pagkatigalgal niya habang nakatitig sakin na ikinataka ko.

He looks so dumbstruck while staring at me. I know I'm gorge but why stare at me like that?

"What?" nakataas kilay kong tanong nang hindi parin naalis ang titig niya sakin.

I eyed the guy from head to toe. Mukhang kaedad lang namin siya ni Marru. He has an expressive black eyes, tanned skin, pointed nose, and full lips, he's wearing a white shirt that complements to his tanned skin at kasing tangkad lang din siya ni Marru,

"May dumi ba sa mukha ko kuya?" tanong ko sakanya and he was taken aback. Nagtataka akong napatingin kay Marru na nakatingin lang sa kaibigan niya.

"Lance." he said in a warning tone, mukhang nagising naman sa realidad ang tinawag ni Marru na Lance.

"So it's true..." he whispered. Nagtataka akong tumabi kay Marru na nakatayo ngayon sa harapan nung Lance, napapagitnaan lang kami ng glass display ng mga camera.

Lance and Marru exchange glances to each other and it lasted for seconds bago ako lingunin ni Lance, he flashed a smile at me.

"Sorry, I'm Lance by the way." pakilala niya sakin.

"Lucy."

Ngumiti naman siya at muling makahulugang tiningnan si Marru. What's up with this two? Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nila, they're silently talking with their eyes like I'm not here.

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon