Chapter 10

55K 1.4K 47
                                    


LUCY

Nagising ako sa ingay ng doorbell ng bahay ko, napatingin ako sa alarm clock ko na hindi pa tumutunog. Sinong nakakatol ang mag d-doorbell ng ganitong oras? Jusko alas tres palang ng madaling araw.

"Lucy! Gising naaa!" napatingin naman ako sa bintana kong nakasarado nang marinig ko ang boses ni Annya mula sa labas.

"Wake up sleeping beauty!" napatayo na ako nang sunod ko namang marinig ang boses ni Yurika.

What the hell? Hinawi ko ang kurtina at nakita ko ang buong tropa kasama si Marru na nakahalukipkip habang nakasandal sa van, nakayuko siya na para bang umiidilip.

"Finally after 20 minutes nagising din!" sigaw ni Tiffany.

"Lucy naninigas na kami dito!" sigaw ni Cyrus, all of them are wearing thick jackets, mittens, and scarfs at halatang-halata sa mukha nila ang panlalamig kaya dali-dali na akong bumaba para papasukin sila sa bahay.

Iniwan muna nila ang van at sa tapat ng bahay ko at isa-isang nagsipasukan sa loob.

"Ang aga niyo naman mang buisit. Bakit kayo nandito ng alas tres ng madaling araw?" puno ng pagtataka kong tanong na may halong inis habang pinapanood silang isa-isang nag si upuan.

Nagtataka namang napatingin sakin si Annya.

"Marru didn't tell you?" tanong niya. Tell what? Napalingon naman ako kay Marru na naka sandal ang likod at ulo sa sandalan ng single couch habang nakapikit. Muli kong tiningnan si Annya.

"Bakit? May field trip?" takang tanong ko, napasampal naman si Yurika sa noo niya nang marinig ang tinanong ko. Bakit? Ano bang meron? Bigla namang hinampas ni Tiffany si Marru ng unan.

"Bakit di mo sinabi kay Lucy?!" pasigaw na tanong niya, tamad at inaantok naman niyang tinitigan si Tiffany.

"Nakalimutan ko." maiksi niyang sagot at umidlip ulit, napairap naman si Tiffany sa tinuran ni Marru.

"3 days ago, inannounce na ang pagbabalik ng Old Rule sa buong White Empire, meaning all students are mandated to stay in the dorm inside the campus, and also maghihigpit na ang paaralan regarding trainings, magsisimula narin ang mga quest, competitions to test the abilities and magics of each students and each winning students. Magsisimula narin ang pagbibigay ng mga missions." paliwanag ni Ivan sakin.

"Bakit parang biglaan?" nagtatakang tanong ko, no one mentioned about the old rule before, kahit noong first day of school.

"This is a direct order from the King to bring back the Old Rule. It was decades ago noong tinanggal ito and now ibabalik na and for what reason? We don't know." sagot naman ni Mirko. Napatango nalang ako.

"Based on what I've heard the Old Rule is more exciting than our normal boring class." sabi ni Yurika at bigla akong pinagtulakan paakyat sa hagdan.

"Kaya Lucy bilis! Mag impake ka na!" sabi niya kaya wala na akong nagawa kundi ang umakyat at magsimulang mag impake. Tinulungan naman nila akong maglagay ng mga gamit sa maleta.

"This is pretty, saan mo to nabili?" tanong sakin ni Yurika habang hawak niya nag moon lamp na binigay ni Marru sakin kagabi, nag i-iba iba ang kulay nito tuwing tumatama ang daliri ni Yurika sa maliit na sensor ng moon lamp.

Bumalik ako sa pag lalagay ng naka zip lock kong toiletries sa bulsa ng maleta.

"Bigay yan." maiksi kong sagot, na ikinatingin nila Annya sakin. Puno ng kuryusidad ang mga tingin nila. Jusko ayan na naman sila sa pagiging chismosa.

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon