Chapter 59

31.9K 842 61
                                    

CHAPTER 59

LUCY

"Babe, mahal, sinta, aking irog, mon amour, gising na, nandito na tayo. Oy, sleeping beauty, nilubugan ka na ng araw, gising na."

Napadaing na lang ako nang may yumogyug sa balikat ko. "Aking tinatangi, gising na. Nandito na tayo sa langit— 'di joke. Hoy gising na aba! Kung di ka gigising diyan ipapa-papak kita sa mga insekto rito."

Napilitan akong dumilat dahil sa nagiingay. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa passenger seat at may malaking balabal na ginawang kumot sa akin. Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Mark na nakaupo sa driver seat paharap sa akin.

"Magandang gabi, mahal kong esposa." ngiting bati niya. Napaunat na lang ako at umupo ng maayos. Napatingin ako mula sa labas ng bintana ng kotse na ngayon ay nakasara na.

"Saan na tayo? Anong oras na?"

Wala na akong makitang sinag ng araw, kasing dilim na ng gabi ang labas.

"Mag a-alas dyis na. Gusto mo na bang kumain? Gutom ka na? Tara baba na tayo."

Napahikab muna ako bago bumaba sa kotse. Napakunot ang noo ko nang makitang nasa isang parking lot kami ng isang hotel.

Hinawakan na ni Mark ang kamay ko at hinila papasok loob, sumalubong sa amin ang malawak na lobby. "Hoy anong gagawin natin dito?" puno ng panghuhusga kong tanong sa kanya na ikinakunot ng noo niya at maya-maya ay sumilay ang ngisi sa kanyang labi.

"Sekretong malupit." saad niya sabay taas-baba ng kilay, hinampas ko siya ng malakas sa balikat na ikinatawa niya lang.

Siya na ang kumausap sa receptionist at nagbook ng kwarto. Dalawang kwartong magkatabi ang kinuha niya, hinila na naman niya ako patungo sa elevator.

"Ano bang gagawin natin?" takang tanong ko sa kanya. "Saka nasaan tayo?"

Nagkibit balikat lang siya. "Gutom ka na? May gusto kang kainin?"

Imbis na sagutin ako ay binato niya ako ng dalawang magkasunod na tanong, Umiling na lang ako.

"Busog pa ako, ang dami kong kinain kanina eh."

Magkahawak kamay kaming lumabas sa elevator at nagtungo sa dalawang kwarto na kinuha niya.

Binuksan niya muna ang isang pintuan at sabay kaming pumasok sa loob. Simple lang ang kwarto, may king size na bed, dalawang malalaking aparador na may full length mirror, sala set sa gilid at coffee table sa gitna, may maliit na veranda rin na natatakpan ng kulay puting kurtina ang gawa sa salaming pintuan. Sa banyo naman ay may shower at bathtub tapos may isa pang pintuan kung saan naroon ang toilet.

Nilingon ko si Mark at bakas sa mukha niya ang pagod. Ang haba rin ng byahe namin. Alas onse kami umalis at ngayong alas dyis na ng gabi kami nakarating. Tapos siya lang ang nagmamaneho kasi ayaw niyang salitan kami, hindi ko raw kasi alam kung saan kami pupunta, ayaw din sabihin sa'kin.

Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit na agad niyang ginantihan. "Pahinga ka na." mahina kong bulong, ramdam ko ang pagtango niya.

"Ikaw rin, matulog ka na dahil maaga pa tayo bukas." Nalilito man sa gagawin namin ay tumango na lang ako.

"Hindi ka ba muna kakain ng hapunan?" tanong ko sa kanya bago pa siya makaalis sa kwarto.

"Busog pa ako, ang dami ko ring nakain kanina kasi ang dami mong hindi naubos." iling niya.

Natawa na na lang ako nang mahimigan ko sa tono niya ang pagrereklamo. Niyakap ko na lang siya ulit ng mahigpit.

"Rest well babe." Ramdam ko ang marahang pagdampi ng labi niya sa sentido ko at niyakap ako ng mas mahigpit.

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon