Chapter 9

68.3K 1.6K 97
                                    


LUCY

Nakatitig lang ako kay Marru habang humahagalpak siya ng tawa, pulang pula na ang mukha niya ngayon at nakayukyuk siya sa manibela, kitang kita ko kung paano gumalaw ang balikat niya sa sobarang pag tawa.

"Ah shit!" sigaw niya at mas lalo pang tumawa ng malakas, wala na siyang pakiaalam kahit na napipikon na ako sakanya.

"Tapos ka na?" naiinis kong tanong, iwina-gayway naman niya ang kaliwang kamay niya habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa tiyan niya.

"No, wait." he managed to say while laughing. Napairap nalang ako sa sobrang inis nang maalala ko kung bakit siya tumatawa ngayon.

Habang nasa loob kami ng haunted mansion, habang sumisigaw ako na parang wala ng bukas. Sa kalagitnaan ng takot at gulat ay napaihi ako... potangina. It was so embarrassing at parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa. Kakatapos ko lang magpalit ng isang dress na binili ni Marru sa loob ng mall, sa loob ng kotse na rin ako nagbihis. Huminga ako ng malalim dahil hindi ko alam kung anong una kong mararamdaman kung ang pagkahiya ba o ang pagkapikon ko kay Marru.

Kanina pa siya tumatawa simula noong lumabas kami ng Haunted mansion and I bet na noong bumili din siya ng pamalit ko ay tawa parin siya ng tawa. Mas lalong namula ang mukha ko nang maalalang bumili din siya ng underwear ko. Lupa lamunin mo na ako please.

Tangina Lucy pwede naman kasing mahimaty sa takot bakit naihi ka pa?!

"Ah tangina." natatawang sabi niya at sinubukang umupo ng maayos, sumandal siya sa upuan at nilingon ako.

"Damn Lucy." hinihingal niyang sambit habang nag pupunas ng luha na kanina pa lumalabas sa mga mata niya dahil sa kakatawa.

"Tangina mo." sabi ko pero tinawanan niya lang ulit ako ng malakas.

"Dude you exceeded my expectation, akala ko mahihimatay ka lang sa takot pero iba ang nangyari..." hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang humagalpak ulit siya ng tawa.

Sa sobrang buisit ko ay lumabas na ako ng kotse.

"Hoy Nakahara!" rinig kong sigaw niya pero hindi na ako lumingon at nagmadaling maglakad paalis sa parking lot pero mabilis akong naabutan ni Marru at inakbayan.

"Hey no need to feel embarrassed! Tanggap kita kahit napaihi ka sa salawal mo dahil sa sobrang takot—" hindi ko na siya pinatapos magsalita at sinabunutan siya, hinawakan naman niya ang kamay ko at sinubukan tanggalin ito sa buhok niya.

"Nakahara masakit!" sigaw niya. Tangina ng lalaking to, kung hindi niya ako dinala-dala sa haunted mansion na yun hindi ako mapapahiya ng sobra.

Buong lakas kong hinila-hila ang buhok niya, wala na akong pakialam kung ma dyaryo ulit kami.

"Ako lang nakakakita nun Nakahara!" sigaw naman ni Marru habang sinusubukan parin makawala sa pagkakasabunot ko sakanya.

Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok niya at hinila ito lalo.

"Marru?" napatigil naman kaming dalawa ni Marru naag may tumawag sakanya mula sa likuran namin, kinuha ni Marru ang tsansang nakatigil ako at mabilis niyang tinanggal ang kamay ko sa magkakakapit sa buhok niya at tumayo ng maaayos.

"Aunt Trisha!" bati niya sa ginang na nasa harapan namin, she's wearing a brown dress while pushing a cart full of boxes. Bakas sa mukha niya ang gulat at pagtataka habang palipat-lipat ang tingin niya saaming dalawa ni Marru.

"Nagsasabunutan na naman kayo?" tanong niya kay Marru at muling napatingin sakin. Napakamot naman si Marru sa batok niya.

"Away magkasintahan lang ho," kulang nalang ay pumitik na ang leeg ko sa bilis ng paglingon ko kay Marru. Kasintahan? Tangina nito ah.

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon