Chapter 33

29.5K 1K 8
                                    


LUCY

Minumulto na ba ako ni Marru? Pero hindi pa naman siya patay diba? Masyado ko na ba siyang na miss para mamalik-mata ako? Masyado na ba akong paranoid sa sitwasyon niya? Sa pagkawala niya? But I was so sure that I saw him earlier this morning. Those piercing eyes, soul-though glares, emotionless face... it's him, Marru Hasherine, and he was standing few meters away from me, staring intently at me. I don't think na namalik-mata lang ako.

"Hoy kanina ka pa balisa diyan, ayos ka lang ba?"

I was brought back from my reverie when I heard Chaerin's voice. Wala sa sarili akong tumango. Huminga ako ng malalim, trying to let out all my frustration about Marru. I am drowning again with my unending thoughts and dilemmas.

"Aw!" sigaw ko nang maramdaman ko ang isang malambot na bagay na malakas na humampas sa'kin, the force totally brought me back to reality.

Nilingon ko ang walang hiyang humampas sa'kin ng unan. Sa sobrang inis ko ay kinuha ko ang unan sa kamang hini-higian ko at binato sa kanya.

"Kanina ka pa ah!" sigaw ko habang hinihimas kanang balikat ko na hinampas niya ng unan. Inirapan naman niya ako bago humiga sa katabing kama ko. She cocooned herself inside in a comforter.

Lagpas alas otso na ng gabi at heto kami ngayon sa isang hotel room, pansamantalang tumutuloy habang hinahanap pa rin namin ang portal papunta sa lungga ni Mr. Parker. We failed to find the portal—obviously, nasuyod na namin ang buong mall kanina but we can't find any portal. Ang sabi sa mapa, 'The map will only glow when a portal is near.' pero kahit segundo lang ay hindi nagliwanag ang mapa.

Inabot na kami ng gabi kaya napagdesisyunan na muna naming magpalipas ng gabi sa isang malapit na hotel. Since dalawang tao lang ang pwede per room ay kami ni Chaerin ang magkasama, nagkagulo pa kanina kasi gusto ni Eveyth magkasama sila ni Marru sa iisang kwarto, tapos itong sila Ivan at Cyrus naman sinuhestyon pang isama sa iisang kwarto si Aaron at Mirko na kanina pa mainit ang tensyon sa isa't isa.

They are trying to make a joke out of the forming tension between Aaron and Mirko but it those jokes are just making everything worst, dagdag pa ang di nakakatulong na pagpaparinig ni Mayka sa'kin, ang nakakairita at walang pakundangang reklamo ni Dara, ang landian ng pekeng Hasherine at ni Eveyth, ang mga biruan nila Ivan at Cyrus, ang pasimpleng pang babara nila Chaerin at Tiffany sa mga reklamo at pagpaparinig ni Dara at Mayka na sinamahan pa ng pang aalaska ni Yurika. Ang tanging tahimik lang sa buong grupo ay si Annya at ako na nagtitimpi lang sa buong araw na naghahanap kami sa portal.

If I explode then it will be the end of the group. Kanina pa ako nagtitimpi mula umaga simula nang malaman ko ang ginawa nila sa pera ko, mga walang hiya.

I don't think we are going to work as a team, the whole group itself is already a chaos, simula palang bago pa ibigay ang misyong ito sa amin. Simple-simpleng problema pinagkakaguluhan, pinag-aawayan, mga walang katapusang personal na problema sa isa't isa na hindi magawang isantabi. We are happily eating this morning but those laughter and smiles are just façade of what's happening inside the group.

Looks like each one of us including Annya who were fond of Dara's gang are done with each other. We are fed up, ramdam ko na rin na napipikon na sila Annya at Yurika kila Dara.

What happened to this friendship of ours? Maayos lang naman kami sa una, nagkagulo lang nang dumating ang mga transferees.

These transferees except Chaerin are messing up with us. The love triangle of Annya, Aaron and Mirko and their unending tensions, the irritating attitude of Dara that could snap everyone's nerves especially Tiffany, Chaerin and I's, the foul-mouthed insensitive Mayka, ang walang katapusang kaharutan ni Eveyth...

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon