Chapter 3

80.3K 2.1K 230
                                    


LUCY

Kinandado ko na ang bahay ko bago ako umangkas sa bisekleta. Bago mag pedal ay tiningnan ko muna ang suot ko mula sa repleksyon ko sa nakaparadang kotse sa tapat ng bahay ko. Black high waist jeans, itim na knitted sleeveless top at itim na low cut converse shoes. Isinukbit ko ng maayos ang medium size backpack ko na itim din ang kulay. Huminga ako ng malalim, this is it pansit.

I'm wearing all black clothes, pati bra at panty ko black din. Kung saka-sakali mang mamatay ako sa loob ng gubat atleast maagang palamay sa sarili ko ang pag susuot ng itim na damit. Nilugay ko rin ang hanggang bewang kong buhok. Kulang nalang itim na smokey eyeshadow pwede na akong rakista, Rock n' roll hanggang mamatay! Rawstar!

I'm also wearing a light make up para kung sakaling mamatay man ako sa loob ng gubat, atleast fresh, mamatay akong fresh at plakado ang kilay.

Nagsimula na akong mag pedal papunta sa Laurel street. 


Mula sa malayo ay natatanaw ko na ang dulo ng subdivision, malapit na ako nang makasalubong ko ang mobile car ng mga gwardyang ng ro-ronda sa Laurel street. Bago pa ako makapag tago ay nakita na nila ako.

"Oh ineng, saan ka pupunta." tanong ng isang gwardya nang ihinto nila ang mobile car sa tabi ko. Kabado bente ko silang hinarap.

"Nag iikot ikot lang ho." sinubukan kong maging kaswal ang tono ng boses ko.

"Nako bawal mag ikot ikot banda dito sa subdivion. Bawal ka dito ineng." sabi pa ng isang gwardya na siyang nag mamaneho ng mobile car.

"Ganoon po ba, sige po." paalam ko at dali daling lumiko pabalik sa dinaanan ko kanina, pero hindi ako lumayo. Tumambay muna ako saglit sa may waiting shed naghahanap ng tyempo kaso anak ng tokwa may guard na na nagbabantay sa may guard house ng Laurel street. Parang nung binuksan yung street walang guard house diyan ah.

Napatingin ako sa relo ko, mag aala singko na, ilang oras na akong nag ma-manman at nag iikot malapit sa Laurel street pero hindi ko parin mapasok pasok yung street. Magbayad kaya ako ng tao para mag patumba ng poste at puno sa may gate 7 para buksan nila ulit ang Laurel street?

Napailing ako sa naisip ko.

Hininto ko ang bisekleta ko at napatingin sa kalangitan, kulay kahel na ito sinyales na papalubog na ang araw. Pucha ayoko pumunta doon ng gabi, Hulas na rin make up ko, bukas na nga lang!

Kung hindi tayo kikilos sino ang kikilos? Kung hindi ngayon kailan pa?

Malakas akong tumili para ilabas yung frustration ko. Peste ka Allison! Padabog akong nag pedal papunta ng Laurel street. May nakita ako kanina habang nag iikot-ikot, yung parte ng bakod ng street na malayo sa guard house at haunted forest. Malawak kasi at medyo malaki ang buong lote ng Laurel street at hindi pa kasama nito ang Haunted Forest.

Nagtago ako doon sa isang malaking puno, nag aantay ng tyempo dahil may mga nag ro-ronda pa akong nakikita. Tatlong mobile car ang nagroronda sa labas ng street na to, hindi ko lang alam kung ilan sa loob.

Alas otso na ng gabi at pinapapak na ako ng lamok, tanging mga lamp post nalang ang nagsisilbing liwanag sa sa kapaligiran at ang bilog na buwan. Muli akong sumilip sa daan at agad na nag tago nang makita ko ang ilaw ng mobile car na paparating.

Dalawang minuto ang hinayaan kong lumipas pag katapos dumaan ng mobile car sa harapan ko. Dali-daling akong tumakbo papunta sa bakod dala dala ang bisekleta ko. Buti nalang nag itim ako dahil medyo madilim ang paligid at ang la-layo din ng mga distansya ng bawat lamp post sa isa't isa. May magandang resulta din naman pala ang pagiging madrama ko.

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon