Chapter 46

33.7K 998 44
                                    

LUCY

"Lucy princess, your friend Eveyth is in downstairs, aalis daw kayo?"

"Yes mom." I answered as I hurriedly dried my messy wet hair.

Magulo ang maliit kong vanity mirror, makalat ang kama dahil sa mga damit nakapatong rito. Basa ang may kakulutan kong buhok dahil kakatapos ko lang maligo at magbihis. Kanina pa ako nagmamadali dahil late akong nagising sa usapang oras namin.

I and my friends are planning to go biking around the playground. Nandito ang pinsan ko ngayon kasama ang isa pa naming kaibigan na si Nico. Madalang lang silang makakadalaw rito sa amin dahil sa kabilang city pa sila nakatira. Tito Cedric just dropped them off here to play with us.

Mabilis ang mga kilos ko habang sinisimulang suklayan ang buhok ko.

"Ok hurry up, naiinis na naman ang kambal mo sa pangungulit ni Eveyth." bahagya akong tumawa sa sinabi ni mommy. I looked at mom through the mirror.

"Lance is always annoyed mom, nothing new." I jokingly said, tumawa si mommy sa tinuran ko bago isinara ang pintuan.

Mabilis ko ng tinapos ang pag aayos ko bago tumako pababa sa sala and there I saw, Eveyth clinging at my twin's arm.

"Baby Lance kailan mo ba ako sasagutin hmm?" tanong ng kaibigan kong halos kumikinang na sa sinag ng araw dahil sa kaputian niya.

Pag talaga tumabi kami sa kanya pakiramdam namin nangingitim kami.

Tinapon ko ang tingin ko sa kakambal ko na ngayon ay nakasimangot na. I silently laughed. He hates her, I don't know why thou... maybe because she's clingy? Annoying? But Eveyth's is pretty, outgoing, kind, carefree, and smart. She can be annoying sometimes but its bearable.

Kung lalaki lang ako, niligawan ko na tong si Eveyth eh.

"Lancyyy, notice me naman. I'm talking here but you're not making me pansin."

Lalong sumama ang mukha ng ka-kambal ko dahil nagsimula na namang maging conyo ang babaeng nangungulit sa kanya. Alam na alam ni Eveyth na napipikon si Lance pag nagiging conyo at nagiging maarte ang pananalita niya.

Bago pa sumabog ang kapatid ko ay nilapitan ko na silang dalawa.

"Eveyth tara na."

Eveyth's eyes drifted on me.

"Pwede bang kayo na lang ni Chaerin ang pumunta sa playground? I want to stay here kasi."

Nilingon ko ang kapatid ko na pasimpleng umiiling sa'kin. He looked at me with pleading eyes and mouthed the word 'no'.

Inirapan ko lang siya.

"No. Nangako tayo kila Chaerin at Nico na sasamahan natin silang mag bisekleta sa playground. We can't ditch them."

Eveyth exhaled loudly and let go of Lance's arm before storming out of the house.

"Thank you." Lance said exaggeratedly, napairap nalang ako.

"Bakit ba naiinis ka sakanya?"

Napairap siya sa hangin.

"Kasi nakakinis siya." mariin niyang saad bago tumakbo paakyat sa kwarto niya.

"Lucy let's go!" sigaw ni Eveyth mula sa labas ng bahay kaya wala na akong nagawa kundi ang tumakbo papalabas.

"Hoy Lance akin na yung pizza mo sa ref ah?! Bayad mo yun sa'kin! Bye mom! I'll be back at 6!"

Kinuha ko na ang bisekleta ko sa garahe ng bahay namin at nilapitan na si Eveyth na ngayon ay nasa tabing kalsada na habang nakasakay sa kulay pink niyang bike, too girly for my liking.

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon