Chapter 24

33.3K 1K 79
                                    


LUCY

I'm back at it again, staring and observing Marru's movements. I vowed to myself na aalamin ko ang mali sakanya, he's getting more suspicious.

Naglalakad kami papunta sa kinainan namin dati ni Yurika at Marru at kasama namin ang buong gang ni Dara—as always.

"Matunaw yan." bulong ni Chaerin, kaming dalawa ang huling naglalakad kaya malaya kong napagmamasdan sila Marru.

"Edi matunaw siya." walang ganang sambit ko.

Nang makarating kami sa kainan ay umupo kami sa mahabang mesa, katapat ko si Marru na katabi naman si Eveyth, napapagitnaan naman ako ni Chaerin at Tiffany.

Agad na tinawag ni Yurika na katabi si Cyrus at Mirko sa hilera namin, ang atensyon ng waiter. Nakangiti namang lumapit saamin ang lalaking waiter at isa-isa na silang nagsabi ng mga order nila.

"This is a nice place." sabi ni Tiffany habang iniikot ang tingin sa buong paligid. Ngumiti si Yurika. The whole place is just simple and cozy.

"I know, Lucy discovered this place."

Annya chuckled.

"She's good at finding places that serves the best foods." mabilis namang sumang ayon si Tiffany sa sinabi ni Annya.

"Pero hindi siya magaling maghanap ng lalaking para saka—aw!" bago pa matapos ni Chaerin ang sasabihin niya ay malakas ko siyang sinipa sa binti.

Pinandilatan ko siya ng mata pero tinawanan niya lang ako.

"Then I'm expecting na masarap ang pagkain nila dito." sabi ni Mayka na sinang ayunan nila Dara.

"You won't get disappointed, they serve the best meal here in the Academy." paninigurado ni Yurika na parang proud na proud sa kainang kinaroroonan namin.

"Masarap ang adobo nila at sinigang." dagdag pa niya. "Right Lucy?"

Tumango ako bago tumingin kay Marru.

"Pati yung halo-halo nila, diba Marru?" nakangiting tanong ko. Kanina ko pa napapansin na pinagmamasdan niya ang buong lugar na para bang ngayon lang siya nakarating dito.

"Ah yeah, they serve the best halo-halo here." nakangiting sabi niya. Halos mapataas ang isang kilay ko nang makita ang paglingkis ng kamay ni Eveyth sa braso ni Marru.

"Pati yung Adobong kangkong nila masarap din diba? Ikaw nga umubos nung akin eh." hindi parin nawala ang ngiti sa labi ko. Mula sa pheriphiral vision ko ay nakita ko ang pagsimpleng pagkunot ng noo ni Yurika.

Mahinang tumawa si Marru at marahang tumango, bago pasimpleng lumingon kay Eveyth.

"You've been here?" tanong ni Eveyth sakanya. Tumango ulit si Marru, napairap ako. Mukha siyang display lucky cat na tango ng tango.

My annoyance towards them is starting to build up again.

"Kasama namin siya ni Yurika noong kumain kami dito, I dragged him with us." sagot ko sa tanong ni Eveyth na para kay Marru. Pasimple kong nilingon si Yurika na nakakunot ang noo habang nakatingin sakin. I smiled at her.

Please Yuri makisakay ka muna, may hinuhuli lang ako. I'm having a theory here and I will do everything to confirm it. Thanks to Mirko. Pinagisipan ko buong magdamag ang sinabi niya sakin kainang alas tres ng madaling araw.

"Even him can't fool you."

Tinaasan lang ako ng kilay ni Eveyth bago inirapan. Tumingin ulit ako kay Marru na ngayon ay nakangiti nang kinakausap si Eveyth. Nagsimula na ring mag kwentuhan sila Annya hanggang sa dumating na yung inorder naming pagkain.

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon