Chapter 11

57K 1.4K 100
                                    


LUCY

"Lucy Veronnica Clareyan Walter Nakahara?" napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko mula sa pagkakaupo ko.

Nasa mahabang upuan ako nakaupo kasama ang ilang mag studyante na ngayon din naka schedule ang skill test. Naghihintay na tawagin ang pangalan namin para makuh yung form na kailangang fill out-an bago mag skill test.

Sa Building 8 ng West Wing ako pinapunta pagkarating na pagkarating ko sa Alexander Hall sa North Wing. Ayon sa binigay na schedule ni Ms. Rivera kahapon ay sa Alexander Hall gaganapin ang skill test kaya dumeretso ako sa Alexander Hall sa North Wing pero pag kadating ko ay pinapunta ako sa Building 8 ng West Wing para kumuha ng Form para sa skill test, kailangan daw yung form bago kami makag pag skill test. Daming alam....

Kaya mula North Wing ay binagtas namin ang Building 8 ng West Wing, ang iba na may kakayahang mag teleport ay nag teleport, ang iba naman ay sumakay sa floating carpet at ako naman naglakad. Papaturo nga ako mag teleport next time.

Ayokong namang sumakay sa floating carpet, ang bilis lumipad nun baka imbes na makarating ako sa Building 8 ay hanginin ako papuntang Dark Land.

Banayad ang pagbagsak ng snow ngayon, at habang naglalakad ako ay bumabagsak sa nakalugay kong buhok ang mga nyebe, saka ko lang naalala yung payong ko na naiwan sa Alexander Hall nang nasa boundery na ako ng North at West kaya nag muka tuloy dandruff sa ulo ko yung mga nyebe.

"Pasulat muna ng pangalan tas pirma." sabi ng babaeng nasa edad 60 pagkalapit ko sa window 9, inabot niya ang kulay itim na log book.

"Buong pangalan po ba?" tanong ko habang inu-unang isulat ng petsa ngayon.

"Opo, Mahal na Prinsesa." napahinga naman ako ng malalim, I'm still not use to their courtesy.

Sinubukan ko namang paliitin ang sulat ko para mag kasya ang pangalan ko sa maliit na space na nakalaan para sa mga pangalan. Tangina bakit ba kasi ang haba ng pangalan ko? Masyado bang natuwa magulang ko noong ipinanganak ako? Kaya kulang nalang ipangalan sakin lahat ng pangalan sa mundo?

Inabot ko na ang log book sakanya.

"Here's your form stub paki fill out-an po niyan at ibigay sa magbabantay sa inyo sa skill test." nakangiting sabi niya, ngumiti naman ako pabalik at habang naglakad ako papalayo ay narinig ko siyang sinusungitan ang kasunod sakin.

Nagsimula na akong maglakad papuntang North.

"You're willing to risk everything just to feel that bliss?"

I stopped from walking when I remembered Marru's question, matapos kong sagutin ang tanong niya ay walang pasabi siyang umalis at iniwan ako mag isa sa rooftop at simula nun ay hindi ko na siya nakita buong araw.

Mahina akong napatawa at bumalik sa paglalakad. Hindi pa nga ako nakakaamin sa nararamdaman ko sakanya ay feeling na reject agad ako. I'm not naïve to not notice na alam niya ang tinutukoy ko, na hindi na ito tungkol sa posibilidad na mahulog ako sa building dahil sa pagkakauupo ko sa rail bars. He knows what I'm talking about at alam niya kung anong ipinaparating ko, I'm sure of that.

Goodness, I'm falling for him... pero hindi pa ako bumabagsak nasasaktan na agad ako, nasaan ang bliss dito?! Nasa Guadalupe?

Wala talaga akong bakas ng Marru na nakita kahapon pagkatapos ng pag uusap namin. Tinakasan na yata ako pag katapos maging pa-fall.

Pinagpag ko ang mga nyebe sa mahaba at kulot kong buhok ko, itong buhok ko ang isa sa pinaka asset ko. I have a vibrant long copper hair and I have wave curls, kahit bastedin ako ni Marru ay hindi ako mag papagupit.

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon