Chapter 16

40.2K 1.2K 16
                                    


LUCY

"Ladies and Gentlemen this is your train operator Captain Santio Espeigo we have just arrived at Crygrovian Station. Please settle and secure all your belongings and calmly exit the train. Again we have just arrived at Crygrovian station. Magandang umaga at maligayang pag dating sa Crygrovian Tribe."

Isinara ko na ang maliit na cabinet pag katapos kong ibalik ang comforter. Inaayos na namin ni Marru ang mga gamit na dala namin dahil bababa na kami ng tren. Saktong 10 am nakarating ang tren sa stasyon ng Crygrovian. Binuksan ni Marru ang pintuan nang may kumatok, sumalubong samin yung lalaking nag assist din samin kahapon.

"Good morning Mr. and Ms. maligayang pag dating sa Crygrovian Tribe." nakangiti niyang bati samin.

Inabot na ni Marru ang susi ng kwarto dahil mukhang yun ang pakay ng lalaki nakauniporme ng katulad sa bell boy.

"Sa pangatlong pintuan po sa kanan ang exit." sabi ng lalaki nang makalabas na kami sa kwarto.

"Salamat." sabi ko at ngumiti naman siya, nakita ko na nagpapasok siya ng ibang staff na may dala-dalang comforter at unan para palitan yung ginamit namin.

Naglakad na kami ni Marru palabas sa tren. Pagkababa ay sumalabong samin ang malamig na simoy ng hangin at ang marahang pag bagsak ng mga nyebe galing sa ulap.

"Maligayang pagdating sa Crygrovian!" rinig kong bati ng mga nakaunipormeng babae at lalaki na mukhang staff ng station sa mga pasaherong bumababa sa tren.

Kemeng ngiti lang ang sinagot ko sa mga bumabati saamin. All of them looks so friendly, ibang-iba sa naiisip ko noong pinapaliwanag ni Allison ang tungkol sa Dark at White Land. They are pictured as the bad guys pero sa tingin ko hindi lahat ng nasa Dark Land ay masama. Hindi naman ibig sabihin na itim ang mahika nila ay naturally born evil na. Hindi justifiable na husgahan ang pag u-ugali nila dahil lang sa mahika at abilidad na meron sila because White users can be evil too, even though they have magics and abilities that are opposites to Dark users.

All human being can be evil or not, maybe Dark Land are just ruled by the bad guys na gustong manggulo sa White Land and I feel bad for those Dark user who only wants peace na madadamay sa gulo at kasakiman ng pinuno nila.

"Malapit na ang digmaan apo, malalaman na ng Dark Land ang tungkol sayo. Ihanda mo na ang iyong sarili."

Napahinto ako sa paglalakad nang maalala ko ang sinabi ni lolo sakin sa skill test. Now I rememeber his words about that war vividly. His giving me a warning about the war.

"May problem ba?" nag aalalang tanong ni Marru na nakahinto na rin sa paglalakad.

"I know what you did there."

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang maalala ko ang sinabi ni Marru sakin noong muli kaming nag usap after ng skill test.

"But I'll keep everything to myself, mananatiling sikreto ang nangyari sayo sa skill test if that means saving you from danger. Your grandfather was right, you should hide your true power to everyone so that you'll stay safe and I'm here to help you."

He's there... nandoon siya sa skill test ko.

"Babe you okay? You look pale." hinawakan ni Marru ang magkabilaang pisngi ko, bakas sa mata niya ang pag aalala.

"You were there." I almost whispered. He knows what my grandfather said so it only means that he was there.

Bumukas sa mukha ni Marru ang pag tataka, he looked at me asking.

"Sa skill test ko nandoon ka."

Parang kisap mata ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Marru, from worried to emotionless.

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon