Chapter 40

36.5K 988 10
                                    

  

LUCY

"Umiyak ka ba?" napahinto ako sa pag aayos ng gamit nang magsalita si Tiffany. Napatingin ako sa repleksyon ko sa nakasarang sliding window dito sa sala.

Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Nag imagine kasi ako kagabi tapos nasaktan ko sarili ko hanggang sa nag overthink na ako ng kung ano-ano at umiyak." palusot ko.

Tinawanan naman ako ni Annya.

"Sige Lucy bilhin nalang namin yang palusot mo." saad niya kaya ngumiti nalang ako. Naramdaman ko naman ang pag akbay ni Chaerin sa'kin.

"Anong inimagine mo? Si Eveyth at Marru na gumagawa ng milagro?" pang aasar niya, malakas ko siyang siniko sa tagiliran pero dahil magalaw siya ay tumama ang siko ko sa dede niya. Sunod-sunod na mura ang natanggap ko sa kanya habang hawak-hawak ang maliit niyang dede.

"Sakit niyan." nakangiwing komento ni Yurika nang makita niya si Chaerin na namimilipit sa sa'kin.

"Flat na nga siniko pa." dagdag pa niya.

"Hoy! Anong flat?! Malaman to! Palakihan tayo ng dede gusto mo?!"

Mabilis na kinuha ni Annya ang unan sa sofa at ibinato kay Chaerin.

"Bibig mo!" napairap nalang si Chaerin at hinimas-himas ang parting nasiko ko.

"Tangina mo ang sakit." saad niya pero tinawanan ko lang siya. Napatigil lang kami sa asaran nang makita namin ang mga lalaki na pababa sa hagdan.

I simply glance at Ivan and the fake Yurika.

"Handa na lahat?" tanong ni Mirko at isa-isa kaming tinapunan ng tingin.

Nagsitanguan kami.

"Good. We have a long day to go." saad niya at nauna ng lumabas sa bahay. Madilim pa sa labas dahil mag a-alas kwatro pa lang ng madaling araw.

Hindi na ako nakatulog ng maayos dahil paulit-ulit kong napapanaginipan ang dalawang batang nag uusap at ang mga sigaw ng mga tao. The screams are nightmares so I stayed wide awake kahit na antok na antok na ako.

This is plain torture, those dreams are plain torture. Am I going to deal with those memories with emotions? Masyadong traumatic at masakit. Guess I really suffered huh kasi hanggang afterlife dala ko ang sakit.

Napahinga ako ng malalim at narinig iyon ni Dara kaya napalingon siya sa'kin. I just flashed a smile at as I waited all of them to step out. I locked the front door matapos kong patayin ang mga ilaw while they all waited me at the gate.

Maglalakad na sana ako papunta sa gate nang di ko makapa sa bulsa ko ang phone ko. Mahina akong napamura nang maalalang nilagay ko ito sa coffee table sa sala. Sinulyapan ko ang buong tropa na nag aabang sa'kin sa labas.

"Sandali lang, may balikan lang ako sa loob." paalam ko at nagmadling bumalik sa loob ng bahay.

Agad kong binuksan ang ilaw ng sala para hanapin ang cellphone pero di ko ito nakita.

Pota saang dimensyon na naman napunta yun?

Nagmadali akong umakyat patungo sa kwarto. Binuksan ako ang ilaw pagkapasok na pagkapasok ko, nahalughog ko na buong sala pero hindi ko pa rin nahanap ang cellphone ko. Hinanap ko sa drawer, bathroom, kama, side table, cabinet halos baliktarin ko na ang kwarto ko kakahanap sa cellphone ko pero di ko pa rin ito makita.

Nakatayo akong pinagmasdan ang buong kwarto habang nagkakamot sa ulo.

"Saan ko ba nalagay yun?"

Tale Of Lucy NakaharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon